Ang Gobernadorcillo

3K 152 101
                                    

NANG makauwi na ako sa mansyon ay hindi pa rin ako makatulog. Gustuhin man namin ni Maximilliano na dalhin ang katawan ni Clemente sa morgue ay hindi namin nagawa dahil lalabas pa na kami ang may pakana niyon. Kanina pa ako umiiyak dito at hindi ko maawat-awat ang luha ko dahil parang kanina lamang ay magkayakap pa kami ni Clemente at pinapangarap ang kaniyang magiging buhay may-asawa.

Napalingon ako kay Maximilliano na tahimik lang na nakaupo sa tapat ng tukador at nakayuko. Kanina ko pa rin siya naririnig na humihikbi nang mahina. Kanina pa niya sinisisi ang sarili niya sa sinapit ni Clemente dahil wala man lang siyang nagawa para iligtas iyon.

Hindi ko naman siya sinisisi dahil hindi namin akalain na magagawang linlangin ni Diego

si Clemente at patayin pa ito gayo'ng dala-dala nito ang anak nila. Naalala ko na magkalaban nang sobra ang pamilya Buenvida at pamilya Villaruel kaya maaaring ginamit ni Tinyente Villaruel ang pag-ibig ni Clemente kay Diego para patayin ito.

Hindi ko man maintindihan kung bakit idinaan nila sa dahas ang lahat at si Clemente pa ang pinuntirya nila. Si Clemente na walang ibang ninais kundi magkaayos ang mga pamilya nila. Napahinga ako nang malalim tsaka tumingin sa labas. Napatanaw ako sa kalangitan at kakaunti lamang ang mga bituin at natatakpan rin ng ulap.

"Tumahan ka na. Kanina ka pang lumuluha," Natauhan ako nang magsalita si Maximilliano kaya napalingon ako sa kaniya at pinunasan ko ang luha ko. Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga.

"May makakahanap ba sa katawan ni Clemente roon?" tanong ko sa kaniya at hindi siya umimik. Sobrang liblib kasi ng lugar na iyon kaya baka matagalan sa paghahanap ang pamilya Buenavida.

"Gustuhin man natin na madala si Clemente ngunit napakalaking parusa ang kakaharapin natin. Iisipin ng lahat na tayo ang pumatay sa kaniya," tugon niya at napatango ako nang marahan.

"Bakit ganoon na lang ang sinapit ni Clemente, ano? Bakit kailangan niyang mamatay sa kamay ng taong mahal niya nang sobra," saad ko at hindi umimik si Maximilliano. "Isipin mo, sobrang swerte ni Diego kay Clemente dahil nagawa ni Clemente na isugal ang kayamanan at pamilya makasama lang siya. Isinuko ni Clemente ang sarili niya kay Diego alang-alang sa pag-ibig niya pero pagtapos niyon ay ito pa mismo ang papatay sa kaniya," patuloy ko pa at napatingin ako sa palad ko.

"Sa mundo, palaging may dalawang pagpipilian. Marahil ay nagkataon lamang na mas pinili ni Ginoong Diego ang utos ng kaniyang ama kaysa kay Clemente na mahal niya. Batid naman natin na labag sa kaniya ang pagpatay niya kay Clemente," tugon niya.

"Pero hindi pa rin iyon sapat na dahilan."

"Ngunit hindi mo alam ang tunay na kwento," sabat ni Maximilliano kaya natahimik ako. "Dating magkasintahan ang ina ni Diego na si Doña Ofelia Gomez at si Gobernador Emilio Buenavida," saad niya at napakurap ako nang dalawang beses dahil hindi ko akalain na may ganoong kwento sa likod ng hindi matapos-tapos na alitan sa mga pamilya nila na akala ko dati ay tungkol lang sa politika.

"Ayon kay ama na matalik na kaibigan ni Gobernador Emilio at Tinyente Silang Villaruel. Araw daw ng kasal ni Gobernador Emilio at Doña Ofelia noon ngunit ang akala ni Gobernador Emilio ay buo ang pag-ibig sa kaniya ni Doña Ofelia ngunit nagkamali siya. Hindi ito sumipot sa araw ng kasal nila at nakipagtanan ito kay Tinyente Villaruel. At dahil nagkakaedad na rin si Gobernador Emilio ay napilitan siyang maikasal kay Doña Veronica upang may magdala ng salinlahi nila,"

"Ang akala ni Gobernador Emilo ay kaya na niyang malimot si Doña Ofelia dahil mabilis silang nakabuo ng supling ni Doña Veronica at maayos itong naisilang, si señor Claudio. Ngunit isang araw ay bigla na lamang nagbalik dito sa ating bayan sina Tinyente Villaruel at si Doña Ofelia na may anak na at iyon si Ginoong Diego, nagdadalang-tao rin ito sa kanilang ikalawang anak, kay Binibining Roselia,"

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon