Sa Pagitan nina Delfin at Maximilliano

3.8K 221 87
                                    

"BINIBINI!" nagitla ako nang marinig ang pagtawag ni Maximilliano at napalingon ako sa kaniya na tumatakbo papunta sa akin. Dali-dali akong tumayo at niyakap ko ang inukit niya na may nakasulat na 'Eloisa'.

"Akin na iyan!" sigaw pa niya at hinawakan ang kamay ko para agawin ang hawak kong pendant. Agad akong umiwas pero mabilis niyang nahablot ang kamay ko kaya nakipag-agawan ako sa kaniya.

"Aminin mo! ikaw ang gumawa ng kwintas ko ano?" ngisi ko sa kaniya at nakita kong namula ang buong mukha niya. Hindi ko alam kung bakit mas humanga akong bigla kay Maximilliano nang malaman kong nag-effort siyang gumawa ng kwintas para sa akin.

"H-hindi!" pag-deny niya habang patuloy pa rin kami sa pag-aagawan.

"To be honest ang galing mo rin palang sculptor-este! Manlililok," bati ko sa kaniya na kahit pabiro ko iyong sinabi ay seryoso ako roon.

"Akin na!" Agaw pa niya pero agad ko siyang siniko palayo at tumakbo ako papunta sa kama saka sumampa sa ibabaw no'n.

"Aminin mo muna!" bwelta ko at binelatan ko siya. Nakita ko naman na napahilamos siya sa kaniyang mukha na ngayon ay pulang pula na nang dahil sa hiya.

"Hindi nga kasi!" inis na tugon niya sabay habol papunta sa akin agad naman akong nakalundag sa kabilang gilid ng kama at hinarang ko ang tukador sa kaniya sabay takbo papunta sa balkonahe.

"Nyenyenyenyenye!" Asar ko pa sa kaniya at tumakbo siya papunta sa akin at mabilis niyang hinablot ang pulso ko at hinila niya ako palapit sa kaniya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa pendant at pilit niyang inaagaw iyon.

"Ibigay mo na dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo!" banta niya habang nag-aagawan kami.

"Ibigey me ne dehel hende me megegeshtehen eng gegewen he shye-hoy!" nagitla ako nang bigla niyang kapitang ang baywang ko at kinarga niya ako! "Hoy Maximilliano! Ibaba mo ako‼" tarantang sigaw ko sa kaniya at pinupukpok ko ang matigas niyang likod pero narinig ko lang ang pagtawa niya. Inayos niya ang posisyon ko at ginawang animo'y bride sa kasal!

"Dapat talaga ay binibigyan ng leksyon ang pilyang binibining tulad mo," tugon niya at nagulat ako nang hilain niya ang pendant na iyon mula sa kamay ko pero umalma ako. "Ibibigay mo o hindi?" tanong niya habang karga-karga pa rin ako.

"Oh ayan na!" singhal ko at isinampal ko nang mahina ang pendant sa pisngi niya. Agad naman niyang kinuha iyon at ibinulsa. Nakaramdam tuloy ako ng kaba dahil baka maya-maya ay iposas niya ako at piringan. Myghad!

Lumingon siya sa akin at nagkatitigan kami sa mata.

"Maximilliano, naibigay ko na ang kahoy. Ibaba mo na 'ko!" utos ko sa kaniya pero hindi siya nagsalita at tanging pagtitig lamang sa mata ko ang ginawa niya. "M-Maximilliano. I-ibaba mo na 'ko," utos ko pa at parang nanunuyo ang lalamunan ko sa kakaibang presensya na hatid niya sa akin.

"Ayaw ko," tanging tugon niya sa mapang-akit at malalim niyang boses.

Lumandas ang kaniyang tingin pababa sa labi ko at isang ngisi ang gumuhit doon. "Hindi na ako magtatanong pa para sa iyong permiso," mapanukso niyang sabi saka dahan-dahang inilapit ang mukha sa akin.

Nang halos magdikit na ang labi namin sa isa't isa ay napamulat siya at napahinto dahil nakarinig kami ng sunud-sunod na pagkatok mula sa pintuan. "Heneral, nakahanda na po ang hapunan," tawag ng isa nilang kasambahay kaya napapikit nang mariin si Maximilliano at napaigting ang panga nang dahil sa inis.

"P*****a," pabulong na mura ni Maximilliano. "S-sige, Manang. Susunod na ako," tugon niya saka ibinaba ako. Napakapit na lang ako sa dibdib ko habang hindi maawat sa mabilis na pagpintig ang puso ko. Ilang segundo na lang sana ay matitikman ko na ang hagupit ng prentskis ala Maximilliano!

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon