Hiling sa Bulalakaw

4.6K 293 164
                                    

NANG kumalas na siya ay ngumiti siya sa akin pero napayuko ako para itago ang pisngi kong nangangamatis sa pamumula. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya kaya tiningnan ko siya.

"Huwag mo akong sasapakin dahil nakahingi na ako ng paumanhin bago ko gawin iyon," wika niya kaya sinamaan ko siya ng tingin

"M-matutulog na ako," nauutal kong sabi sa kaniya. Nahihirapan akong magsalita dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mahigpit niyang halik sa labi ko.

"Lubhang maganda ang buwan, hindi ba?" tanong niya at hindi ako nakaimik, "Hindi mo ba ibig na lumabas upang makita nang lubusan iyon?" dagdag pa niya sabay turo sa bintanang nakabukas kaya nakita ko ang bilog na buwan sa langit.

"B-baka may makakita sa atin. Tiyak na mapaparusahan tayo," saad ko sa kaniya pero agad rin siyang umiling.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong niya at napahinga ako nang malalim. Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko. Kung natatakot ba sa detention na matatanggap ko o kinakabahan dahil nag-aya siya.

"Binibini... " wika pa niya pero napatikhim ako at nagsalita.

"Magandang gabi. Matutulog na ako," paalam ko at tinalikuran ko na siya. Humarap na ako sa pintuan at kinapitan ang doorknob. Bago pa man ako makapasok ay nagsalita siyang muli.

"Magandang gabi, binibini," wika niya at inaninag ko siya sa peripheral vision ko at napansin kong bahagyang nakayuko siya na walang ngiti sa labi.

Muli akong nagbitaw ng malalim na pagbuntong-hininga at tinanguan ko siya tsaka ako pumasok sa kwarto. Marahan kong isinara ang pintuan. Itinapat ko ang tainga ko sa tapat ng pintuan para pakinggan ang yapak niya kapag umalis na siya.

"Mag-aantay ako rito nang dalawang oras at baka sakaling magbago ang iyong isipan," bulong niya sa pinto at sa 'di malamang dahilan ay bumilis ang pagtibok ng puso ko kaya napapikit ako nang mariin at kumapit sa dibdib ko.

Makailang minuto ang lumipas ay pinapakinggan ko pa rin siya at wala pa akong naririnig na pagyapak niya palayo kaya kinatok ko nang marahan ang pinto. "Nandito pa ako," wika niya at napabagsak ang balikat ko.

"Hindi pa ba nagbabago ang isip mo? Aking Loi?" tanong niya at napangiti ako dahil na-miss kong tawagin niya ako ng 'aking Loi'. Nitong mga nakaraan ay madalang lamang niyang mabanggit iyon dahil kadalasan ay 'Binibini' ang itinatawag niya sa akin.

"Halika na. Huwag ka nang mahiya pa," dagdag pa niya at napahinga ako nang malalim tsaka ko dahan-dahang binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin si Maximilliano na halos mapunit ang labi sa lawak ng ngiti.

"Sabi ko na nga ba't hindi mo kayang tiisin ang aking kaguwapuhan," wika niya at kumindat sa akin. Hindi ko alam kung bakit natawa na lang ako sa kaniya.

Nasa garden kami sa labas ng eskwela. Alam ni Maximilliano na sanay ako sa akyatan ng bakod, kaya sa bintana kami dumaan. Malawak ang buong hardin at balot na balot ng Bermuda grass ang lupa.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid na pinupuno ng ornamental plants gaya ng roses, tulips, sunflowers, at marami pang iba. Sinasabayan pa ng paminsan-minsang paghagod ng hangin kaya napapapikit ako para damhin ang payapang kalikasan.

Napatingala ako sa buwan na ngayon ay bilog na bilog kasabay ng libo-libong mga bituin sa kalangitan at mabuti naman ay hindi natatakpan ng ulap. "Kanina ko pa natitiyak na masisiyahan ka sa tanawin," narinig kong sinabi ni Maximilliano at napalingon ako sa kaniya. Nakasuot siya ng white polo at coat na itim. Nakasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng suot niyang coat.

"Ikaw ba? Anong bahagi ng kalikasan ang nagpapasaya sa'yo?" tanong ko sa kaniya at muli kong ibinaling ang tingin ko sa kalangitan.

"Hindi naman ako mahilig sa kalikasan. Hindi ko alam kung bakit," tugon niya at nagkibit-balikat siya. "Ngunit..." pagbawi niya at napalingon ako sa kaniya.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon