Pakikipagkaibigan

7.6K 464 171
                                    

"HANDA akong baguhin ang aking sarili para lamang sa iyo, Binibini," wika ni Maximilliano at inilahad ang kaniyang kamay sa harap ko na para bang pinapakapit niya ako roon. Tiningnan ko ang kamay niya at tumingin ako sa mga mata niya. Inirapan ko siya.

"Utot mo! Sa tingin mo ba papauto ako?" sabi ko sa kaniya at lumakad ako palayo sa kaniya at narinig ko naman ang mga yapak niya, senyales na humahabol siya sa akin.

"Alam ko naman na ang aking katauhan ang minahal mo nang lubos. Hindi ba? Aking Loi," banat pa niya kaya napahinto ako saglit at tinaasan ko siya ng kilay.

"Pwede bang tigil-tigilan mo na ako sa kakatawag mo ng 'aking Loi'?! Hindi ako sa'yo!" bwelta ko sa kaniya at nagpatuloy ako sa lakad habang nakasunod siya sa akin.

"Ngunit nakatakda na tayong ikasal at ilang buwan na lamang ay akin ka na," tugon niya. Binabaybay na namin ngayon ang kalye palayo sa plaza. Nakakasalubong namin ang iilang mga mamamayan na may dalang bayong at sa tingin ko ay mamamalengke at nakakasalubong rin namin ang iilan na namamasyal din.

Masigla ang bayan at pari't parito ang mga tao. Dahil masikip ang kalye, bibihira lamang ang mga dumaraan na kalesa dahil hindi na ito kasya. "Hindi pa naman tayo kasal at hindi 'yon matutuloy," wika ko sa kaniya. Napatanaw ako sa isang tindahan na puro accessories kaya lumandas ako patungo roon at sumunod naman sa akin si Maximilliano.

Akmang papasok na sana ako sa tindahan pero hinarang niya ang kamay niya sa pintuan. "Ano bang problema mo?!" inis kong sabi sa kaniya at magbitaw lang siya sa akin ng kaniyang pilyong ngisi.

"Kung ayaw mong tinatawag kitang 'aking Loi', huwag kang mag-alala dahil maaari mo naman akong tawagin bilang 'aking Max'. Upang patas tayo," ngisi niya at isinayaw pa ang kaniyang kilay para mang-asar pero isang malakas na suntok sa kaniyang sikmura ang itinugon ko kaya napakapit siya roon at ininda ang sakit.

Habang umiinda siya ay kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para makapasok sa loob ng tindahan. Malawak ang loob nito at yari sa kahoy ang sahig, samantalang gawa sa magaspang na bato naman ang pader at may bintana kaya hindi gaanong madilim.

Iniligid ko ang paningin ko sa loob ng tindahan. Pansin kong maraming mga shelf at stand sa loob at iba-iba ang mga laman. May mga bakya, tsinelas, kwintas, hikaw, at bracelet. Sa kabilang banda naman ay puro accessories na panlalaki ang makikita. Gaya na lamang ng mga sapatos, sumbrero, at belt.

Humakbang na ako patungo sa aisle na puro sumbrero ang makikita. Isa-isa akong nagtingin ng mga sumbrero roon. May yari sa tela, mayroon ring gawa sa leather. Nakabukod ang mga sumbrero na tela at leather kaysa sa mga salakot at sumbrero na yari sa banig.

Akmang lalakad pa sana ako pero nagitla ako nang maramdaman ang kamay ng lalaki na nagsuot ng kwintas sa leeg ko. Napatingin ako sa kaniya at namataan kong si Maximilliano pala ang nagsusuot ng kwintas sa akin na seryosong inaayos ang lock. Napahawak ako sa pendant ng kwintas at tiningnan iyon.

Gawa sa abaka ang kwintas at yari naman sa kahoy ang pendant at may nakasulat na 'Contigo'. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang ito pero may kakaibang pagpintig itong naidulot sa puso ko dahilan para mapangiti na lamang ako nang walang rason habang nakatingin sa kwintas na iyon.

Nang matapos siya ay humarap na ako sa kaniya at napaatras ng dalawang hakbang dahil sobrang lapit pala namin sa isa't isa.

"Nawa'y maibigan mo iyan. Kakaiba ka sa ibang mga binibini kaya sa aking palagay ay mas gusto mo ng simple kaysa sa eleganteng mga kwintas na yari sa pilak. Napansin ko rin na hindi ka mahilig maglagay ng mga alahas at kolorete kaya baka magustuhan mo ang simple at payak na palamuti" turan ni Maximilliano at napakamot siya sa batok at parang nahihiya.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon