Nagmamahal, Maximilliano

5.1K 334 235
                                    

"BINIBINING Marikit, ibig ko lamang na linawin ito sa iyo. Walang biro, walang laro, walang pambobola... Gusto kita."

Napailing-iling na lang ako sa sarili ko dahil kanina pa tumatakbo sa isipan ko ang salitang binitawan ni Maximilliano nang mag-usap kami sa azotea. Hindi ko alam kung paano huhupa ang pakiramdam ko dahil hanggang ngayon ay sariwa pa ang lahat gayo'ng walang biro sa kaniya ang lahat ng sinabi niya.

Nasa kapilya kami ngayong lahat para isagawa ang pinakahuling gawain namin sa araw-araw at iyon ang mag-rosaryo. Nakaupo kaming lahat sa silya habang hawak-hawak namin ang rosaryo. Dahil baguhan si Fontana rito ay siya ang nanguna sa gawain.

Kanina pa ako hindi makapagconcentrate sa ginagawa ko at mabuti naman dahil ang lahat ay nakapikit at nagdarasal kaya walang nakakapansin sa kapraningan ko dito. Natauhan ako nang makita na nagsipag-sign of the cross na sila hudyat na tapos na sila magrosaryo at yumuko ako tsaka nag sign of the cross din para kunwari ay nakapanalangin ako.

Nagsimula na sila na magsipagtayuan ang mga tao sa paligid kaya tumayo na rin ako. Ako ang nasa pinakadulo ng silya, katabi ko si Amor na siyang sinundan ni Dulce, at Clemente na nasa kabilang dulo.

"Kumusta ang inyong pag-uusap ni Heneral kanina?" tanong ni Amor at bakas sa kaniyang pananalita ang pang-aasar.

"A-Ayos lang," tugon ko at napahinga nang malalim nang maalala ko ang usapan namin ni Maximilliano kanina...

"Binibining Marikit, ibig ko lamang na linawin ito sa iyo. Walang biro, walang laro, walang pambobola... Gusto kita," sabi niya at deretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Sure ka? Talaga?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya sa sarkastikong paraan at marahan siyang tumango. "Weh? Memetey?" ulit ko pa at tumango siya. Hindi ngumisi, hindi kumindat, hindi tumawa, at hindi niya binawi ang mga sinabi niya. "Paano kung ji-no-joke time mo lang ako? Ha!" dagdag ko pa at kumalas na siya sa pagkakahawak sa akin tsaka huminga nang malalim.

"Patawad," wika niya at kunot-noo ko siyang tiningnan. "Batid kong nawala na ang tiwala mo sa akin matapos kong umamin sa iyo nang paulit-ulit pero ginagawa ko lamang biro ang lahat," saad pa niya at yumuko.

Mabuti naman na na-realize niya na nakakasakit siya ng damdamin ng mga babaeng pinapaasa niya. Na-realize niya rin ba 'yon nang malaman niyang nagpatiwakal si Marikit matapos niyang takbuhan sa araw ng kasal nila?

"Hayaan mong patunayan ko sa iyo. Hayaan mong maibalik kong muli ang tiwala mo sa akin. Kahit pahirapan mo ako, kahit pag-antayin mo ako nang matagal ay hinding-hindi ako susuko," sabi niya at napahinga ako nang malalim at tumayo mula sa pagkakaupo tsaka ako lumakad sa terrace.

"Ano bang magagawa ko upang mapatunayan sa iyo?" tanong niya at dahan-dahan ko siyang nilingon na kasalukuyan nang nakatayo sa likuran ko. Napahinto ako nang sandali at umisip kung anong pwedeng ipagawa sa kaniya.

"Hindi lang isa ang ipapagawa ko sa iyo, syempre. Paulit-ulit mo na kaya akong niloko at dinaan sa biro," wika ko sa kaniya at marahan siyang tumango.

"Anong gagawin ko?" tanong niya. Napabuntong-hininga muna ako bago tumugon.

"Sabihin mo... Supercallifragilisticexpialidocious," tugon ko sabay ngiti. Napakunot-noo naman siya at halatang nawindang sa sinabi ko.

"Maaari mo bang ulitin?" tanong niya at tinawanan ko siya dahil hindi na maipinta ang mukha niya.

"Okay. Babagalan ko. Su... per... calli... fragi... listic... expia... lidocious," sabi ko at napatango-tango siya. "Entendido?" tanong ko at ngumiti siya. "Sige nga! Sabihin mo," utos ko at napatikhim siya nang dalawang beses at nagsalita.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon