"WHAT am I doing?" naihilamos na lang ni Miah ang kamay niya sa mukha niya.
Pagkatapos kasi niyang makausap si JP kahapon, wala siyang ginawa kundi umiyak muli sa kuwarto niya. Ni hindi niya pinapansin ang mga katok at tawag sa telepono ng kuwarto niya. Bukod siguro sa pagpapalayas niya sa kung sino kumakatok sa kuwarto niya ay hindi na niya pinapansin ang iba.
Hindi siya nasaktan noong sinabi ni RJ na frigid siya at lahat-lahat ng panlalait nito sa pagkatao niya. Pero noong si JP ang nag-sabi, na wala namang pagkakaiba sa sinabi ni RJ at siguro bukod sa alam nito kung bakit niya ginagawa iyon, ay wala nang ipinagkaiba kay RJ.
Kaya bakit? Para ka namang tanga. Tigilan mo na nga ang pagmumukmok. Nandito ka para kalimutan si RJ, kaya ang mabuti pa ay simulan mo na ngayon.
Tumayo na si Miah sa kama at nagpunta sa banyo. Napaungol na lang siya sa nakita niyang repleksyon. Namamaga ang mata niya. Daig pa niya si Cyclops dahil sa pula ng mata niya. Namamaga na nga rin yata ang buong mukha niya kaiiyak.
Mabilis siyang napahilamos ng mukha at nainis lang dahil wala namang nabago. Dinampot na lang niya ang tuwalya at tuluyan nang naligo.
She feel so refreshed pagkatapos niyang maligo at sana lang ay magtuloy-tuloy na iyon at tuluyan nang makalimutan ang nangyari sa kanya.
Pero madali nga kayang kalimutan iyon?
"Madali 'yon kung sisimulan mo na," pagalit na sermon ni Miah sa sarili habang sinisimulang takpan ng make-up ang mga dapat takpan sa namamaga niyang mukha. "Kaya lang, wala ka kasing ginawa kundi ang iyakan ang galit nararamdaman mo. Hindi mo matanggap na lalaki ang nakipaghiwalay sa 'yo."
Padabog naman niyang inilapag ang hawak na CC cream. "Iyan, 'yan 'yong inayawan sa 'yo," irap niya sa sariling repleksyon bago itinuloy ang ginagawa. "masyado kang ma-pride. Matapang. And yes, you're cold. So cold."
Napahinga siya roon ng malalim. Baka nga iyon ang dahilan kung bakit sobra ang iyak niya sa mga sinabi ni JP. Naiinis siya dahil totoo iyon. Naisip na rin kasi niyang baguhin ang sarili niya ayon na rin sa suhestiyon ni JP pero hindi niya magawa. Pakiramdam kasi niya aabusuhin siya ng tao. Pakiramdam niya bababa ang tingin nila, that they would take her for granted dahil mukha siyang gullible. Ayaw niyang mangyari iyon. And JP just rubbed her in the right time. Iyong punong-puno na ang emosyon niya.
Iyon lang iyon.
"Bakit may iba pa ba?" inis na naman niyang balik sa repleksyon niya.
Tinigilan lang niya ang pagmake-up dahil nainis siya sa sarili niyang tanong. Bakit ba niya kailangang itanong iyon gayong nalaman na nga niya kung bakit siya umiyak ng ganoon sa mga sinabi ni JP?
Kinuha na lang niya ang wallet at susi sa bag. Pagdating sa pinto at buksan iyon ay muli na lang siyang napaatras nang bumungad sa kanya ang sandamukal na bulaklak at tsokolate sa harap ng pinto ng kuwarto niya.
"What...?" nalilitong saad ni Miah habang hinakbangan ang mga iyon para makalabas sa kuwarto. Sinipat din niya ang mga iyon pero wala siyang makitang card.
She looked around again, pero wala siyang makita. Sa hula din niya ay kanina pa iyon nilagay doon. Kanina kasi niya narinig ang katok sa pinto pero hindi nga niya iyon pinansin.
Umuklo na lang si Miah sa mga naroroon bago dumampot ng isang bulaklak at sinamyo iyon. Hindi niya alam kung anong mayroon sa bulaklak na iyon but she smiled. It wasn't the first time that she received flowers, pero iyon ang unang beses na may nagbigay sa kanya ng ganoon kadami ng wala namang okasyon. She felt so beautiful and needed.
"Thank you," tapik pa niya sa rosas bago tumayo na.
Kung gaano naman kabilis na gumuhit ang ngiti sa labi niya ay ganoon din kabilis na nabura iyon. Sa pagpihit kasi niya ay bumulaga sa kanya si JP na nakasandal sa hamba ng veranda at nakahalukipkip na matamang nakatingin sa kanya.
"Good morning, princess." kindat pa ni JP bago lumapit kay Miah. "Buti naman at lumabas ka na sa kuwarto mo. Balak ko sanang pabuksan 'yan kasi halos dalawang araw kang hindi lumabas."
"Ano na namang ginagawa mo dito?" napahinga na lang niyang saad at nilagpasan ito pagdaan niya rito. "Hindi mo ba talaga ako tatantanan?"
"Hindi," ngumiti pa si JP nang tingnan niya ito ng masama nang tabihan siya nito. "I told you. I need your gallery for my exhibit."
"Madaming ibang gallery."
"Sa'yo ang gusto ko."
Naitirik na lang niya ang mata niya roon.
"Come one, just this once." Pinagdaop pa ni JP ang kamay nito. Miah almost smiled from what he did dahil hindi bagay kay JP ang ginawa nito. Pero iyon ang hindi bagay na...cute.
What's happening to you? Halos isang araw pa lang kayong nagkita uli nyan ni JP, nahahawa ka na sa kalokohan n'ya. get a grip, Miah.
"Ayoko na doon sa dating gallery kasi lagi na lang doon." tila bata pang nagmukmok na saad ni JP na mariin na lang ikinapikit ng mata ni Miah. "At maganda ang puwesto ng gallery mo. Madaming parking space at maluwag. Kaya sige na."
"No," tigil na ni Miah at nilingon ang binata.
Sinalubong naman ni JP ang mata niya. Kitang kita tuloy niya ang kulay ng mata nito. Tama pala ang hinala niya na light brown ang mata nito nang makita niya iyon kahapon. At hindi lang iyon ang nakita niya sa mata nito. Mukhang determinado kasi itong gawin ang gusto nito.
"Please, Miah." Seryoso na ang tinig na saad ni JP. "Kung ayaw mo naman sa gallery mo, can you be my model na lang for my 'emotion' theme."
Napamulagat naman siya roon. "Ano?"
Bahagya naman natawa doon si JP bago bahagyang ginulo ang buhok niya. "I thought that YM smiley is too common. Kaya naisip kong gumawa ng bagong smiley."
"Niloloko mo ba ako?"
"What I saw earlier is a beautiful smile. Kaya gusto ko sanang ipinta 'yon." Saad ni JP nang hindi pinapansin ang mga sinabi niya. "Ikaw ang gusto kong kuhaing model para sa theme na 'yon dahil ikaw naman ang nagbigay inspirasyon para do'n."
Lalong nalaglag ang panga ni Miah sa sinabing iyon ni JP. "'Wag mo nga akong pinagloloko. Papayag na ako sa gusto mong gamitin ang gallery ko, 'wag mo lang akong lolokohin."
"Hindi kita niloloko and I'll take your word for that." Nilabas naman nito ang cellphone nito. "Hello, Alaine? Book me on your calendar three months from now."
"Was that my secretary?" gulat na maang niya rito. "And you booked yourself. Gaano ka nakakasiguradong i-bo-book ka n'ya? Ni wala ka pa ngang sponsor. Hindi kita sponsoran 'no."
"Kuya mo ang sponsor ko. Lagi naman s'ya ang sponsor ko." Kindat nito. "Kaya ikaw, para matigil na ang pagtawag sa'yo ng cold, frigid at ice queen, pumayag ka ng maging modelo ko."
Mataman naman niyang tiningnan si JP. Ngayon na nga kaya niya subukan ang binalak niyang pagbabago. Pero paano kung mangyari ang lahat ng kinatatakutan niya?
"'Wag kang mag-alala, nandito lang ako," nakangiting saad ni JP at hinaplos pa ang bulaklak na hawak niya. "kung kailangan mo ako, hindi kita iiwan. Tawagan mo na lang ako kung papayag ka na."
Sa pagkakataong iyon ay dinapian ni JP ng halik ang rosas bago muling bahagyang ginulo ang ulo niya at umalis na.
Napakurap na lang si Miah nang makalayo na si JP. Napahawak na lang siya sa pisngi niya dahil pakiramdam niya ay nag-init ang mga iyon sa ginawa ni JP. Kahit na hindi dumampi ang kamay o ang labi nito sa kahit anong parte ng mukha niya, pero ang mga ginawa ni JP sa rosas ay dama niya hanggang sa mukha niya. Kung bakit, hindi niya alam.
What are you doing to me, JP?
BINABASA MO ANG
[Completed] My Ex-Timid Knight
RomanceMy Ex-Timid Knight By: Bridgette Marie "Hindi mo pa ba naramdaman sa halik ko na mahal kita? Kailangan ko pa bang ulitin?" Dahil sa kasungitan at pagiging malamig, iniwan si Miah ng kanyang fiancé dalawang buwan bago ang kasal nila. Hindi niya nakay...