NAITAMPAL na lang ni JP ang kamay niya sa mukha nang sasabihin ni Miah na hindi nito kayang gawin ang pinagagawa ni JP.
"Isipin mo na lang na in love ka uli." May pakiusap nang saad ni JP.
"Hindi ko nga kaya," nayayamot na ring saad ni Miah. "anong magagawa ko kung sa tuwing iispin ko si RJ, eh, galit ang nararamdaman ko?"
"Si RJ lang ba naging boyfriend mo?"
"Hindi."
"Bakit hindi 'yong iba ang isipin mo?" hindi nakasagaot si Miah sa tanong ni JP kaya ganoon na lang ang paninigkit ng mata ni JP. "Don't tell me na..."
"Oo, tama ka ng hinala," pangalumbaba na ni Miah at iniiwas ang tingin kay JP at itinuon iyon sa ibang mga tao na nasa restaurant ng resort. "iniwan din nila ako dahil ang weird ko daw. Dahil ang cold ko na daw boring pa. Hindi daw ako sweet pero ang high maintenance ko daw. Name it, parang hinakot ko na lahat."
Napatingin lang si Miah kay JP nang hindi siya nakakuha ng reaksyon dito. "Wala ka bang sasabihin?"
"'Wag kang magulo nagdra-drawing ako."
Kaya pala. "Nang ano?" tingin niya sa sketch pad nito. Noon naman nag-angat ng tingin si JP sanhi para magsalubong ang tingin nila.
"Ikaw," diretso ang matang tingin at sagot ni JP kay Miah. "Longing," pakita nito sa kanya ng sketch pad nito.
Wala sa sariling kinuha ni Miah ang sketch pad nito. Sa kaunting sandali na 'yon, nakuha nang iguhit ni JP ang mga mata niya. And with just his pencil, nakuha na kaagad nito ang ekspresyon ng mga mata niya.
"This is..."
Ngumiti lang naman si JP sa pagtigil ni Miah sa sasabihin niya. At marahil, dahil sa iginuhit nito, hindi niya napigilan ang sariling pagmasdan ang mga mata ni JP.
Light brown. Light brown ang mta ni JP pero kahit ganoon iyon, para iyong kumikinang. Hindi dahil sa tama ng liwanag sa labas kundi dahil sa...hindi niya alam, but his eyes was enough to see what he was feeling.
Expressive. Tama, iyon ang maitatawag sa mga mata ni JP. At napakaganda niyon.
"Tama na titig, baka ma-in love ka na sa akin."
Isang malakas na hampas lang ng sketch pad ni JP ang natanggap nito mula kay Miah. "Ang kapal ng mukha mo."
"Matagal na," tawang saad ni JP at kinuha na ang sketch pad nito. "Pero huwag kang mag-alala, kahit na ma-in love ka sa akin, hindi kita iiwan tulad ng mga ex mo. I'll quench your longing for a better relationship. For a better love." Kindat nito bago binalik ang tingin sa ginagawa nito.
Naiwan namang nakatingin si Miah kay JP, na may tibok ng puso na tila ba tumakbo sa isang marathon at naguguluhang isip mula sa sinabi ni JP.
Hindi naman dapat seryosohin ni Miah ang sinabi ni JP dahil na rin sa gawi ng pagkakasabi niyon. Ngunit hindi niya mapigilan ang sarili niya lalo na't natumbok na naman ni JP ang ninanais niya.
She was longing for someone who would love her as her; who would accept her difference. At dahil sa sinabi ni JP, naisip tuloy niya kung kayang gawin ni JP 'yon.
"I told you don't look at me. Not with the way your doing," saad ni JP nang hindi nag-aangat ng tingin mula sa iginuguhit. "kung hindi mo titiglan 'yan, hahalikan na kita."
Nahintatakutan namang natuhan si Miah doon. Tuloy ay nagising din siya sa mga bagay na pinag-iiisip niya. Hindi tuloy napigilan ni Miah na bigyan ng isang malakas na hampas sa ulo si JP.
"Diyan ka na nga. Pinagloloko mo lang talaga ako, eh." Tayo na ni Miah sa kinauupuan niya at nagmamadali nang umalis sa restaurant, baon-baon ang mabilis na tibok ng puso at nag-iinit na mukha.
BINABASA MO ANG
[Completed] My Ex-Timid Knight
RomanceMy Ex-Timid Knight By: Bridgette Marie "Hindi mo pa ba naramdaman sa halik ko na mahal kita? Kailangan ko pa bang ulitin?" Dahil sa kasungitan at pagiging malamig, iniwan si Miah ng kanyang fiancé dalawang buwan bago ang kasal nila. Hindi niya nakay...