HINDI pa rin mapigilan ni Miah ang mapatawa habang inaalala niya ang nangyari sa kanila ni JP sa lawa. Napagalitan kasi sila dahil nababasa daw ang flatform gayong gagamitin pala iyon ng gabing iyon. Nagtatawanan na lang silang umalis ni JP matapos silang mapagalitan.
At heto nga silang dalawa, nasa kuwarto ni JP at nagtatawanan pa rin. Doon kasi sila dumiretso para maligo. Pinakuha naman ni JP ang damit nila para ipa-laundry habang magluluto naman daw si JP ng makakain nila ng gabing iyon at siya ay nakaupo sa isang bar stool sa counter top na kanuog ng maliit na kusina.
"Ang kulit mo kasi," sisi pa uli ni JP sa kanya.
"Ako pa," turo naman ni Miah sa sarili niya. "ayaw mo din kasing tumigil sa kasasaboy."
"Alangang magpatalo ako sa 'yo," tapik ni JP sa ilong niya. "anong gusto mong kainin?"
"Kahit ano," pangalumbaba niya. "may rekados ka ba? Kung wala, sa resto na lang tayo kumain."
Tinaasan naman ni JP ng kilay si Miah. "Nang ganyan ang hitsura mo?"
Tiningnan naman niya ang sarili niya. Suot kasi niya ang T-shirt ni JP at ang linen pants nito. At mukha siyang bata sa damit ni JP. "Edi magpapalit ako."
"'Wag na," pigil ni JP sa pagbaba ni Miah sa upuan. "may rekados ako dito kaya nga tinatanong kita kung anong gusto mong kainin."
"Talaga? Saan ka bumili?"
"Sa labas," kunot noong saad ni JP. "Bakit ikaw? Hindi ka ba nagluluto sa room mo?"
"Hindi," mabilis na sagot ni Miah. Wala kasi siyang alam gawin sa kuwarto niya kundi magpa-room service. Gasgas na nga yata ang telepono sa kuwarto niya.
"Paano ka kumakain?"
"Room service. Anong silbi ng telepono?" lahad pa niya sa telepono.
Napatawa naman doon si JP bago ginulo ang buhok niya ngunit wala itong sinabi. Kung ang nobyo niya iyon, sasabihin niyon na paano siya matututong magluto kung minsan lang niyang gagawin iyon.
Hep! Ayan ka na naman. Tigilan mo na nga ang kaiisip mo sa ex mo. Can't you see that you're smiling?
Napatigil naman siya roon. Literally speaking she can't see it but she can feel it. Yes, she was smiling again. Hindi dahil napipilitan siya kundi dahil iyon talaga ang nararamdaman niya. She was happy because of...
Napatingin naman si Miah kay JP na nasaktuhan ding humarap sa kanya mula sa lababo.
"What happened?" puno ng pag-aalala ang tinig ni JP. "May masama ka bang nararamdman?"
Ngumiting umiling naman si Miah. "Wala."
Tinitignan naman ni JP si Miah na parang bang hindi ito naniniwala sa sinabi niya. Kahit na nang magsalang ito ng maliit na kawali ay hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.
"What?" hindi na natiis na saad ni Miah. "Sabi ko wala. Kaya wala. 'Wag kang makulit, ha." Pagsususngit na naman niya rito dahil kapag sasagutin niya si JP, iyong totoong sagot, baka isipin nitong may gusto siya rito. Dahil si JP ang dahilan kung bakit siya ngumingiti ngayon.
Umiling naman si JP doon. "Ayan ka na naman." Turo pa nito sa hawak nitong siyanse. "Nakangiti ka na kanina. Ang ganda-ganda mo na tapos sisimangot ka na naman ng ganyan. Isang araw ipa-paste ko na 'yang ngiting 'yan sa bibig mo." Iling pang muli nito.
"Siraulo ka din, 'no?" natawa na lang uling saad ni Miah. "Maganda ka diyan."
"Ayaw mong maniwala," angat ng ulo ni JP. "sandali," ikot nito papunta sa kanya bago siya hinatak papunta sa CR ng kuwarto. Iniharap siya nito sa salamin habang ito ay nakatayo sa likod niya.
Napapiksi na lang si Miah nang hawakan ni JP ang magkabilang-dulo ng labi niya at hatakin iyon paibaba. "Tingnan mo hitsura mo kapag nakasimangot, ang pangit, 'di ba? Aray!" igik ni JP patagilid ng sikuhin ito ni Miah. "Masakit 'yon, ha."
"Masakit?" sarkastikong lingon ni Miah kay JP na pinigilan naman ng huli at pilit a iniharap pa rin sa salamin.
"May siniko bang nasasarapan?" ismid ni JP sa repleksiyon nito sa salamin. "Hindi pa tayo tapos. Meron pang isa." Hatak naman ni JP pataas sa labi niya. "Tingnan mo pag nakagiti ka. Ang ganda mo. Kamukha mo si Joker."
Sa pagkakataong iyon ay talagang hinarapan na ni Miah ang binata at binigyan ng isang suntok sa sikmura. Tuluyan namang napayuko doon si JP at kinuha ni Miah ang pagkakataon na iyon para makatakas kay JP. Pero saan siya tatakbo? Maliit lang ang kuwarto. Nakita ni Miah ang veranda kaya doon siya tumakbo at lumabas.
Akmang bubuksan na niya ang pinto palabas doon nang maramdaman niya ang pagpulupot ng braso sa beywang niya at padapa siyang ibinagsak ni JP sa kama. Sunod niyang naramdaman ang pagkiliti ni JP sa beywang niya sanhi para talagang tumawa siya.
"Tama na! Hindi na ako makahinga!" halos sisinghap-singhap na saad ni Miah. Tinigilan naman iyon ni JP at maluha-luhang nilingon ito ni Miah. "Nakaganti ka na, tama na."
Tumatawa lang namang ibinagsak din ni JP ang katawan sa tabi ni Miah. Natahimik lang si Miah sa bahagyang pagtawa niya nang lingunin siya ni JP at magtama ang kanilang mga paningin.
Nawala nga ang hingal na naramdaman ni Miah pero para namang huminto ang hininga niya sa ginawang iyon ni JP. Para namang huminto ang tibok ng puso niya nang iangat ni JP ang kamay nito at haplusin ang pisngi niya.
"'Di ba mas magaan sa pakiramdam kapag mas masaya ka?" bahagy na lang tumango si Miah roon. "And see, minsan kahit simpleng bagay ay mapapatawa ka." Ngiti pang uli ni JP bago ito tumayo at binalikan ang niluluto nito.
She can only agree to what JP said. At para kay Miah ang simpleng bagay na iyon ay ang mga bagay na ginagawa ni JP.
No flowers. No chocolate. No fancy dinner. It's just him and his humor.
BINABASA MO ANG
[Completed] My Ex-Timid Knight
RomanceMy Ex-Timid Knight By: Bridgette Marie "Hindi mo pa ba naramdaman sa halik ko na mahal kita? Kailangan ko pa bang ulitin?" Dahil sa kasungitan at pagiging malamig, iniwan si Miah ng kanyang fiancé dalawang buwan bago ang kasal nila. Hindi niya nakay...