24

217 11 1
                                    

NAGMAMADALI nang bumaba mula sa kotse sina Miah at Alaine. Nakaaayos na rin ang lahat salamat sa ibang tauhan niya sa gallery. Mabilis na humingi siya ng paumanhin sa lahat nang tuluyan silang makalapit sa entrada. Wala pa kasing makapasok sa loob since hindi pa nila sinisimulan ang program ng gallery.

Tumikhim pa muna si Miah bago pumuwesto sa harap ng pinto. Isang ngiti ang gumuhit sa labi niya bago tinanguan ang lahat. "Good evening, ladies and gents. Today we will witness a new artist under this gallery. I would like to present to you Mr. Philippe Bermudez," hanap niya sa binata. Inabot na siya ng kaba pero hindi niya makita ito. "well, it seems like wala pa pala si Mr. Bermu—"

"Present!" anang tinig mula sa likuran ng mga tao.

Para namang nahati na parang Red Sea ang mga tao sa ginawang iyon ni JP at sa dulo niyon ay si JP na humahangos pang isuot ang casual jacket nito. He looked like a commercial model came out from the TV while he was doing that. Bukod kasi sa matangkad ito, kitang kita ang paghulma ng muscles nito sa braso at dibdib habang isinusuot nito ang jacket.

At parang gusto niyang tanggalin ang mga mata ng humahangang tingin ng mga 'sang kababaihan at 'sang kabadingan. Ngunit pinigilan niya ang sarili niya. Wala naman kasi siyang karapatan.

"Let's welcome, Mr. Bermudez," pakilala ni Miah kay JP kasabay nang isang palakpak. Sumunod naman ang mga tao sa palakpak niya. "And now, let us feast from what Mr. Bermudez is offering." Harap na ni Miah sa glass door ng pintuan. Hindi na kasi niya matagalan ang pagtinging binibigay ni JP as kanya.

Lalo pang tumindi ang kaba na iyon nang hawakan din ni JP ang kabilang handle ng pintuan. Noon naman niya nilingon ito and found him looking at her, too. Isang simpleng ngiti lang naman ang binigay niya rito. Hindi niya alam bakit niya ginawa iyon dahil dapat ay galit siya dito, ngunit hindi na niya matagpuan ang galit na naramdman niya rito. Lumipad na yata nang mapagtanto niya na mali siya sa ginawa niyang hindi pakikinig dito o dahil wala siyang nahita sa pagtatago niya rito at hindi pakikinig sa paliwanag nito. Nasaktan lang siya. Tuloy napapatanong siya sa sarili niya kung ano kaya ang nangyari kung nakinig siya dito.

"Miah," narinig niya tawag ni JP sa kanya. Natauhan lang si Miah nang hawakan siya ni JP sa balikat kasabay ng pagtawag nitong muli sa kanya.

"Sorry," kurap niya at mabilis na iniiwas ang tingin kay JP. "ready?" tanong niya dito ng hindi na tiningnan pa.

"Ikaw, handa ka na ba?" balik tanong nito na ikinaangat nang tingin ni Miah kay JP. Isang malungkot na ngiti naman ang binigay ni JP sa kanya.

Kung para saan ang tanong at malungkot na ngiting iyon ni JP, hindi na niya nalaman pa dahil lumapit na si Alaine sa kanya at kinalabit siya upang tanguan na buksan na ang pinto.

Napahugot na lang ng hininga uli si Miah bago tinanguan si JP at sabay na nilang binuksan ang pinto.

Bumungad kaagad kay Miah ang malamyos na tugtugin ng mula sa kanta ni Enya na 'Fairytale'. Ang center piece din nila sa gallery na iyon ay mula kay JP na mga nahuhulog na dahon at sa painting na 'yon, tanging iisang dahon lang ang may kulay.

Sinundan naman ni Miah si Alaine na nagsilbing MC ng exhibit na iyon. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ni Miah sa mga sunod na painting na nakita niya.

Hindi man niya makita ang mukha ng babae dahil nakayuko kadalasan ang ulo ng babae sa painting o di kaya naman ay nakatalikod, ngunit sigurado si Miah na siya iyon at wala ng iba. Naalala niya ang uniform niya na suot ng modelo sa painting. Naalala din niya ang ilang eksena, ang ilang pagkakataon na kasama niya si JP. Oo—kasama si JP. Hindi niya alam kung papaanong nagawa ni JP iyon ngunit nandodoon ngayon ang mga pagkakataoin na magkasama sila ni JP at nag-uusap. Looks like JP had a photographic memory.

Ang nakakatuwa pa sa mga painting ni JP, ang buong paligid nilang dalawa ay black and white, charcoal pa. Habang ang painting niya o nilang dalawa ni JP, palaging may kulay iyon at tila ba nagliliwanag at para bang laging may nalalaglag na talulot ng mga bulaklak.

"How did he do that?" saad ng ilang manonood.

"It's like were watching a love story that's unfolding," napapalakpak pa ng isang ginang.

Bahagya namang naghagikgikan ang ilan at ang ilan ay kinikilig pa. Nailibot na lang niya ang paningin niya sa mga taong naroroon at pulos nakangiti at tila ba kinikilig ang itsura ng mga ito.

Noon naman niya nakita si Alaine na kinikilig din. Pasimple namang siniko ni Miah ito. "Anong ibig sabihin nito? Bakit hindi ko 'to alam?" pabulong na saad niya kay Alaine.

"You," kilig na hagikgik pa ni Alaine.

"Alaine," may pananaway pang saad ni Miah dito. "sagutin mo ako ng maayos. Why didn't you tell me about this?"

Napalabi namang sinulyapan ni Alaine si Miah. "Kasi boss, masyado kang busy sa buhay mo at pagmumukmok. Kaya noong pinakita n'ya 'yong paintings n'ya for every theme, grabe, kinilig talaga ako, boss."

"Bakit hindi mo ako tinawagan? Ako ang boss, 'di ba?" medyo naiinis nang saad ni Miah. Kung sinabi kasi ni Alaine ang mga paintings na iyon...

Ano? Anong gagawin mo? Iaatras mo ang exhibit? Baka sa mga panahon na malaman mo 'yon, naipamigay na nila ang inivitation ng exhibit. Baka sa bandang huli ikaw pa ang maipit.

"Anyway, wala na tayong magagawa," irap niya kay Alaine at itinuon na lang ang tingin sa paintings. "I wish you could have said it to me earlier. Kaya pala s'ya ngumingiti sa akin ng ganoon." Ngiting ano? malungkot? Hindi ba dapat tinutuya ka niya dahil hindi mo alam 'to. Bakit malungkot?

Tama ang tinig na iyon. Hindi pa rin swak. Kaya naiwan pa rin siyang nag-iisip kung ano ang ibig sabihin sa ngiting iyon ni JP. 

"At saka, alam mo ba, boss?" napalingon uli si Miah sa biglang saad ni Alaine. "Ang sabi ni sir JP no'ng intrigahin ko s'ya tungkol sa inyong dalawa, saying kasi talaga kayong dalawa. Ang cute nyo pa naman," hagikgik pa uli ni Ailaine. "Sa simula pa lang plano na talaga n'ya 'to simula pa lang noong nalaman n'yang nasa resort ka n'ya sa Batangas at sabihin n'ya 'yon sa kuya mo. Actually, he volunteered daw talaga to talk to you and bring you back to your family."

Hindi malaman ni Miah kung ano ang sasbaihihn niya kay Alaine. Hindi din niya alam kung anong iisipin niya tungkol sa sinabing iyon ni Alaine. Kung maniniwala ba siya doon o hindi.

"Boss, hindi ako nagsisinungaling. Galing talaga kay sir JP 'yon," bawi kaagad ni Alaine na para bang naintindihan nito ang iniisip niya.

And speaking of JP, inilibot ni Miah ang paningin niya ngunit hindi niya nakita si JP. Kanina lang ay katabi niya ito pagpasok, kailan nawala ang binata sa tabi niya.

Naagaw lang ang pansin ni Miah nang bahagyang higitin ni Alaine ang braso niya. "What?" balik tingin niya sa sekretarya. Ngunit hindi na nito kailangan pang sagutin 'yon dahil nasa harapan na niya ang sagot.

Sa pag-ikot nila ni Alaine mula sa likod ng huling painting ng unang tema ng paintings ni JP, naroroon ang unang painting ni JP sa tema nitong 'emotions of the world'.

It was her; of course it was her, ngunit iyon ang huling painting na ginawa nito. Iyong emosyon na ipininta nito noong hinalikan siya ni JP. It was the painting of the emotion 'in love' that he was looking.

Ang painting na iyon ay tila nasa loob ng kuwadro. At tulad ng nauna nitong mga painting, ang painting lang na naman niya may kulay habang ang desenyong kuwadro ng event ang black and white ng nalalaglag na talulot ng dahon.

Bahagya na lang siyang napatawa doon dahil kasi sa ginawang 'yon ni JP, parang hindi na niya nakilala ang sarili niya. She looked so young, carefree and in love in that painting. Para hindi nga siya 'yon. Marahan din niyang pinunasan ang luha niya nang tumulo 'yon. Hindi rin kasi niya napigilan ang maalala ang mga nangyari sa kanila.

She cried, she got wasted, she moved on. Then they laughed, they played, got wasted together and in the end, she fell in love.

Napatigil lang siya sa pagbabalik tanaw ng may sumulpot sa gilid ng center piece ng temang 'yon.

"RJ," nasambit na lang ni Miah.

[Completed] My Ex-Timid KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon