"PUWEDENG mag-inat-inat ka muna." Tumayo nang saad ni JP bitbit ang painting nito. "O kung gusto mo, pahinga na tayo hanggang mamaya 'tapos sa susunod na lang 'yong isa."
"May isa pa?" nagulat na saad ni Miah kay JP habang nag-iinat. "Ang dami ko ng mukha dyan."
"Sabi mo 'thank you' mo na 'to. Kaya tapusin na natin." Napailing na saad ni JP. "Besides, it'll be the last one. Kaya 'wag kang mag-alala. Matatapos na 'to."
Sa pagkakataong iyon si Miah naman ang natigilan. Hayun na naman kasi iyong pakiramdam na hindi niya maintindihan. It was painful but she can't do anything about it.
Naisip kasi niyang huling beses na nilang magkasama n'on. Parang kailan lang noong unang magkasama sila, halos ipagtabuyan niya si JP dahil sa kulit at talaga namang napakaingay nito para sa isang lalaki. But if it weren't for him, siguro ngayon ay nasa Batangas pa siya at nilulunod sa alak ang inis at galit niya. Siguro ngayon, hindi pa rin sila nagkakaayos ng pamilya niya. Siguro ngayon, isa pa rin siyang babae na bitter sa buhay at may galit sa dibdib.
But since JP came, everything changed.
Simula sa pagiging bugnutin niya, hindi palangiti, at tila may galit sa mundo na tao naging isang masayahing tao siya. Free of any burden. Mga sakit na hindi naman pala kailangan pa. JP set her free. And she would be forever grateful for that.
Lalong lalo na sa damdaming nagsimulang umusbong sa dibdib niya.
Ayaw niyang tanggapin ang ibig sabihin ng sakit na naramdamn niya sa kaalamang may ibang babae na nagpabago dito tulad ng ginawa ni JP sa kanya. Ayaw niyang tanggapin ang sakit ng pagkakalayo nilang dalawa. At ayaw niyang tanggapin ang sakit na mababawasan na ang oras ni JP sa kanya habang madagdagan naman doon sa babaeng tunay na mahal nito.
Mahal kaagad? Aren't you pessimist today, Miah. Nagmahal ka lang, hindi mo kaagad ipaglalaban. Hindi ka naman ganyan dati.
Hindi naman business deal ito. Usaping puso na 'to. Apila kaagad ni Miah sa tinig.
Pero malay mo naman... ganting sagot pa rin ng tinig sa isip niya.
Malay niyang ano? May gusto din si JP sa kanya? Asa pa siya. Sa buong durasyon na magkasama sila ni JP, hindi niya nakita ang ganoong kaganda, kapayapa at puno ng pagmamahal na hitsura ni JP. She was just a kid sister to him.
"Ano, itutuloy pa ba natin? Mukha namang game ka pa, eh." Gising ng tinig ni JP kay Miah.
"Ha?"
Umiling naman roon si JP. "Kung pagod ka na, we can always continue this next time. Malayo pa naman ang set date natin, right?"
Bakit pa? Pahihirapan mo rin lang ako. Gusto sanang sabihin ni Miah iyon kay JP pero hindi niya ginawa. Sa halip ay naupo uli siya at humarap rito. "Simulan na natin 'yong panghuli.'"
"Sigurado ka?" kunot noong saad ni JP sa kanya ngunit kumuha na rin ng bagong canvass at naupo sa harap niyon nang hindi sumagot si Miah. "Game?"
"Game." Pilit ang ngiting sagot ni Miah.
Saglit siyang tinitigan ng seryosong tingin ni JP bago ito nagsalita, "Puwede ko bang makita 'yong expression ng isang in love na Miah?"
Hindi niya alam kung nagpapatawa ba si JP sa sinabi nito o talagang iyon ang sinabi nito. "Ano? Hindi kita magets."
"It's the last emotion." Mahinahong paliwanag ni JP. "Hindi naman ako ganoon ka heartless kung hihingin ko ang pabor na 'yon gayong alam kong kakatapos lang ng break up nyo ng gagong RJ na 'yon. Pero mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas—"
"Tama ka," mabilis na sang-ayon niya kay JP. "more than two months pa lang kaya imposibleng magawa ko 'yon. I haven't fallen in love with anyone yet." Liar! Napaiwas na lang siya ng tingin kay JP.
"Ibig sabihin mahal mo pa din si RJ."
Mabilis na napatingin si Miah kay JP. Para kasing nakarinig siya ng lungkot sa tinig na iyon. Ngunit mukhang nagkamali siya dahil wala siyang makitang ekspresyon sa mukha nito.
Umasa na naman siya sa wala.
"Look, kahit na mukhang okay na ako at wala akong love life ngayon, it doesn't mean na mahal ko pa 'yong RJ na 'yon." Paliwanag ni Miah. "Parang mahihirapan lang akong ipakita ang emosyon na 'yon. Can you find someone else to do that?"
Saglit na nagdaan ang katahimikan sa paligid nila bago iyon binasag ni JP. "But I saw it earlier."
"Ang alin?"
"You," turo ni JP kay Miah ang isang paintbrush nito. "looking so serene thinking of someone. And you looked so beautiful. Kung hindi ka lang mangangawit sa pagkakatayo at pagkakayuko mo no'n, hindi kita iistorbohin at ipipinta na kita, eh. Kaya I'm requesting you to do that again."
Napamaang na lang si Miah sa sinabing iyon ni JP. Paano niya gagawin iyon gayong ang lalaking iniisip niya kanina ay ito mismong lalaking nasa harapan niya.
"Idiot!" hindi niya napigilang sigaw upang pagtakpan ang kabang naramdman niya. "I wasn't thinking of someone, okay? M-may naalala lang akong scene doon sa pinanood kong movie kagabi."
"Oh, really?" tumayo nang saad ni JP at lumapit sa kanya. Tuloy parang ipinako sa kinauupuan niya si Miah. "Anong movie?"
"Uhmm...ano...D-dahil may isang ikaw. Iyong kina Aga at Regine."
"What part?" patuloy pa ring lapit ni JP.
Napatayo naman si Miah pero pinigilan na siya ni JP sa balikat niya at hinapit siya sa isang yakap. "A-ano ba?"
"Sagutin mo ako."
"'Yong naghalikan sila sa...sa hagdan. 'Yon." Halos pananawan na ng ulirat si Miah sa pagsagot niyang iyon dahil sa ginagawa ni JP.
Napatango naman si JP roon habang may munting ngiti sa labi. "Something like this," anas ni JP habang inilalapit ang mukha sa kanya at walang nagawa si Miah kundi ang mapatitig sa labi ni JP bago pa man niya na Miah can do was just to stare at his lips before closing her eyes.
Handa na siya sa halik na iyon ni JP ngunit parang napakatagal dumating n'on kaya naman iminulat na niya ang mata niya only to see JP looking at her.
"And then I saw her again," may ngiti sa labing saad ni JP na binitwan siya. "ganyan ka lang, ha, ipipinta na kita."
Para namang nalaglag ng sampung beses si Miah sa hagdan sa sinabing iyon ni JP. Ang lahat ng ginawa nito ay para lang sa painting nito. Pero ano pa nga bang inaasahan niya sa lalaking may iba nang minamahal? Hindi ba dapat wala naman.
"I told you to stay put. Mukhang kailangan nating gawing permanente 'yon, ah." Napakamot na lang na saad ni JP.
"Anong pinagsasabi mo?" galit na niyang saad. Pakiramdam kasi niya ay pinaglalaruan siya ni JP.
Napabuntong hininga naman ito bago muling lumapit sa kanya at hapitin siya sa bewang. "Kapag itinuloy ko ang dapat na halik kanina, iisipin at kailangan mo ng tanggapin na we're officially dating—no, let that be lovers."
"Ano?" naguluhan pa rin niyang saad. Para kasing sabay-sabay siyang inatake ni JP.
"I take that as a yes," para namang walang narinig na saad ni JP. And with one swift move, sakop na ni JP ang labi niya.
JP was kissing Miah with intense that made her shiver. Mapang-akit iyon, naghahanap, maalab ngunit magaan, may lamyos at ingat ang bawat dampi na tila ba natatakot itong mabasag siya.
At sa mga sensasyong iyon, ipinikit na lang niya ng tuluyan ang mga mata at isipan niya at binuksan ang puso niya habang tinutugon niya ang yakap at halik ni JP. Habang umaasang totoo ang lahat ng 'yon at hindi panaginip.
BINABASA MO ANG
[Completed] My Ex-Timid Knight
RomanceMy Ex-Timid Knight By: Bridgette Marie "Hindi mo pa ba naramdaman sa halik ko na mahal kita? Kailangan ko pa bang ulitin?" Dahil sa kasungitan at pagiging malamig, iniwan si Miah ng kanyang fiancé dalawang buwan bago ang kasal nila. Hindi niya nakay...