20

177 10 0
                                    

"ANONG mayroon? Kumpleto attendance?"

Napailing na lang si Miah sa kaibigan niyang si Grace. Inimbitahan kasi niya ang mga ito sa UNO bar sa MOA. Ang totoo, si Marsha at Sheila lang ang tinawagan niya ngunit mukhang kumalat sa barkada nila ang balita kaya naroroon din tuloy si Grace at Khai.

"Sino bang may birthday?" saad niya sa apat.

"Ikaw," turo ng mga ito sa kanya.

Umiling na lang siya roon at uminom. Kailan ba niya naging habit ang ganoon sa tuwing may problema ay idinadaan sa alak. "Kasalanan nyo 'to, eh."

"Kami pa," turo ni Sheila sa sarili nito at sa iba. "ang sabi mo si JP ang may kasalanan n'yan bakit kami ngayon ang sinisisi mo?" Iling ni Sheila. "Marsha, kausapin mo 'yang kaibigan mo baka paliguan ko 'yan."

"Ano nga ba kasing naging problema?" singit naman ni Grace. "The next thing I know, you were ranting on JP sa group page natin sa facebook. Care to tell?"

"Anong care to tell?" singit uli ni Sheila. "Kailangan n'yang sabihin dahil inistorbo n'ya ang buhay natin para lang sa lalaking hindi pa natin nakikita bukod sa litrato nila sa Facebook."

"Pahamak talaga 'yang FB sa buhay," ismid na saad ni Miah. "nabasa n'yo naman sinabi ko sa FB, 'di ba? I just found out that everything was a lie," simula ni Miah. "kaya s'ya nagpunta d'on was to get me dahil utos ng kuya ko and I don't know why he did that. Utos lang. Hindi dahil gusto n'ya o dahil may gusto s'ya sa akin."

"Bading ba s'ya?" saad naman ni Khai. "Grabe s'ya makakapit sa kuya mo, ha."

Gaga," bahagyang hila naman ni Sheila sa buhok ni Khai. "ang guwapo namang bading n'on."

"Lahat ng guwapo ngayon bading," balik naman ni Khai.

"Bitter," ismid ni Grace.

"Naku, manahimik nga kayong tatlo. Si Miah ang may problema dito at hindi kayo," hampas naman ni Marsha sa lamesa. "Miah, mabalik tayo. Parang imposible naman 'yong sinasabi mo. Hindi ba s'ya nagpaliwanag? Wala ba s'yang sinabi?"

Siya naman ang hindi makapagsalita at nag-iwas na lang nang tingin sa pamamagitan ng pag-inom.

"What?" Magkakapanabay na namang saad ng apat.

"I...I didn't want to hear it," iwas tingin pa rin niya sa apat at tama ang hinala niyang magkakaroon ng violent reaction ang mga ito dahil naka hampas, palo at sabunot kaagad ang apat sa kanya.

"Bakit? You could have gotten your answer kung pinagpaliwanag mo s'ya." Apila ni Grace.

"Kung nagpaliwanag s:ya ng oras na 'yon sa akin, alam ko sa sarili ko na hindi ako maniniwala sa kanya." Napayuko na lang na saad ni Miah. "If he said that he loves me, hindi ako maniniwala. Kung sinabi n'yang hindi totoo ang lahat ng pinaniniwalaan ko, hindi ako maniniwala."

"Eh, anong pinaniwalaan mo?" tanong ni Marsha.

"Noong umamin s'yang....noong umamin s'yang nagpunta s'ya sa resort para sunduin ako sa utos ni kuya. Na 'yon lang 'yong dahilan," Napaluhang tawa na lang siya roon. "tanga ba ako o..." napahinga na lang siya roon.

Nag-kanya kanya namang inom ng alak at iwas ng tingin ang mga ito. Napailing na lang siya at napainom na rin ng alak bago padabog na inilapag ang bote sa lamesa.

"Come on, answer me," nagmamakaawa na niyang saad dito.

"Hindi ka naman namin masisi pero hindi mo ba kayang isipin 'yong magagandang bagay na lang?" kibit-balikat ni Grace. "After all, s'ya naman ang naging dahilan para mas maging masayhin ka. To see everything in a brighter light."

"Pero panloloko lang naman ang lahat ng 'yon, 'di ba?" si Khai naman ang nagsalita. "Or better yet, it was panlilinlang. 'Yon ang tamang word. Hindi ko alam kung anong sinabi o ginawa ng kuya mo to make him do that, pero sa tingin ko ganoon ang nangyari."

"Teka nga, time out!" pigil ni Sheila. "Mga panggulo kayo, eh. Ang tanong lang kasi dyan bakit hindi mo tanungin si JP ngayon?"

Naisip na niya 'yon. Pero... "Hindi ko alam kung nasaan s'ya. Even my secretary doesn't know where to find him"

 "Magtatanong ka pa ba, She?" taas ang kilay na saad ni Khai. "Iyan ang guilty. Nagtatago matapos mabuko."

"Kailan mo s'ya balak kausapin?"

"Hindi ko alam, Grace." Malungkot na saad ni Miah sa kaibigan. "Parang ayaw ko na rin s'yang makita. Masakit kasi, eh."

"Pero, 'di ba, may exhibit s'ya sa gallery mo? Hindi ka ba pupunta doon?"

Noon niya naalala iyon. Ngunit malungkot ding napangiti. "Sisilip lang siguro ako. Sa opening lang siguro tapos, pagkatapos, aalis na rin ako. I don't want to stay there."

Alam kasi niyang ang isang theme ng gallery nito ay siya ang modelo. And seeing those painting will make the memories come back.

Bakit hindi pa ba? Napainom na lang uli si Miah dahil sa sinabi ng tinig na iyon.

Iyong mga panahon na magkasama sila sa Batangas. Ang mga kulitan nila. Ang hitsura ni JP. Ang mga bagay na ginawa nila. Mas naalala niya ang init ng katawan nito tuwing nakaabay o nakayakap siya siya dito. Masayang ngiti nito. Ang nakakahawang pagtawa nito at ang kakulitan nito. Lahat ng iyon, muling maliwanag na nagdaan sa isip niya.

At iyon na yata ang sinasabi nilang the more you hate the more you love.

[Completed] My Ex-Timid KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon