NAPATULALA na lang si Miah sa papalubog na araw habang nakatambay siya sa veranda ng kuwarto niya. Pagkatapos nang nabitin na session nila ni JP at ang 'pag-uusap' nilang dalawa ay bumalik na siya sa kuwarto niya.
Hindi rin maialis ni Miah ang mga sinabi ni JP sa kanya. Simula sa nag-aalala niyang pamilya hanggang sa mahal siya ng kuya niya. Kung totoo ba iyon o hindi.
Hindi rin maalis sa isip ni Miah ang huling sinabi ni JP.
I'm just looking at the bright side of the things.
Hindi ba niya ginawa iyon? O hindi niya kayang gawin?
Ang totoo kasi, sa tuwing mababanggit ang kahit sino sa pamilya ni Miah, lagi na niyang iniisip ang mga negatibong bagay na sasabihin at gagawin ng pamilya niya. And she was definitely not looking at the good things when it comes to her family.
At ngayon, susubukan niya. Dahil hindi rin siya matahimik sa sinabi ni JP.
Si JP ang unang unang tao na nagtangka magsabi sa kanya ng ganoon. Si JP lang ang naglakas loob na iparating sa kanya ang mga bagay-bagay na iyon.
"Now, Miah, think." Mas higpit pa ni Miah sa pagyakap niya sa sarili dahil lumamig na ang hangin ngayong tuluyan ng lumubog ang araw.
Pinilit balikan ni Miah ang lahat-lahat sa nakaraan. Mga bagay kung saan nasaktan siya sa mga sinabi at ginawa ng pamilya niya. Pero kahit anong isip niya, parang kusang sumasara ang pag-iisip niya sa mga alaalang iyon lalo na kapag nararamdaman na niya ang paninikip ng dibdib niya mula sa sakit na naramdaman sa mga sinabi ng magulang niya.
"Ano na ang gagawin mo ngayon?" ismid na saad ni Miah sa sarili niya.
At parang kidlat namang dumaan sa isip niya ang tanong ni JP. Wala ka bang balak umuwi sa inyo?
At kung gaano kabilis na dumaan sa isip niya iyon, ganoon din kabilis ang kilos ni Miah na puntahan si JP sa kuwarto nito kahit na ba nakapantulog na siya at tanging cardigan lang niya ang tabing sa pang-itaas niyang damit.
Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ni JP nang mabungaran nito si Miah at mas lalo pa iyong nanlaki nang magsalita si Miah.
"Take me home, panagutan mo ako. Panagutan mo ang mga sinabi mo."
BINABASA MO ANG
[Completed] My Ex-Timid Knight
RomanceMy Ex-Timid Knight By: Bridgette Marie "Hindi mo pa ba naramdaman sa halik ko na mahal kita? Kailangan ko pa bang ulitin?" Dahil sa kasungitan at pagiging malamig, iniwan si Miah ng kanyang fiancé dalawang buwan bago ang kasal nila. Hindi niya nakay...