1

482 13 0
                                    

GUSTO sanang awayin at pagsabihan ni Miah ang mga mag-asawa at magnobyo na palakad-lakad sa harapan niya at naghaharutan sa pool. Pero dahil ayaw naman niyang mapalayas siya sa resort na iyon, hindi na siya nagtangka pa.

Minabuti na lang niyang bitbitin ang huling bote ng beer na inorder niya at dinala iyon sa isang sulok ng pool area at doon na lang inilabas ang sama ng loob.

Gusto sana niyang mapag-isa pero natatakot naman siyang manatili sa isang lugar ng siya lang. Lalo na't walang nakakaalam sa pamilya niya kung nasaan siya. Tinakasan at tinaguan kasi niya ang mga ito. Kung bakit? Dahil ayaw niyang marinig ang mga sermon ng magulang niya pati na rin ng kuya niya.

Napa-inom naman si Miah ng beer dahil doon. Ayaw niyang marinig ang sermon ng magulang niya dahil sasabihin na naman ng mga ito na tama ang hinala ng mga ito sa nobyo niya—o mas tamang sabihin, ex-fiance niya.

She was engaged a few days ago. Pero ang magaling niyang fiancé ay nagback-out bigla. She thought they were meeting the wedding planner that day, pero himbis na ang boyfriend niya at ang wedding planner ang madatnan, ang boyfriend lang niya ang naroroon, with the glum look on his face.

Mariin na lang napapikit doon si Miah dahil ayaw man niyang maalala, parang kusa iyong lumalabas sa isip niya. Napalagok na lang uli siya sa iniinom niya at kasabay ng pag-ikot paligid dahil sa pagkalasing ay siya ring pag-ikot ng alaala nang araw na 'yon.

"Nasaan na ang wedding planner?" bungad kaagad ni Miah sa nobyo niyang si RJ. Ang usapan kasi nila ay magkikita sila sa usual place upang i-meet ang nakuha nitong planner.

Ito kasi ang may kakilala at oras para maghanap sa mga ganoong bagay. Alam niyang dapat ay babae ang gumagawa niyon ngunit dahil ikakasal siya at ilang buwan siyang titigil sa trabaho, kailangan niyang tapusin ang mga exhibit na kailangan niya i-organize.

Ngayon nga ay naroroon na sila sa restaurant at kikitain ang wedding planner pero, late na siya ng ilang minuto ay wala pa rin doon ang wedding planner dahil nag-iisa lang si RJ ngayon sa kinauupuan nito.

This is so unprofessional, inis niyang sambit sa isip bago naupo sa kaibayo ni RJ. "Anong oras daw siya dadating? Kailangan nating madaliin ito. May meeting pa ako with other artist after three hours. Saan daw ba—"

"Let's stop this." Putol sa kanya ni RJ.

"What?" kunot noo tuloy niyang saad rito. He really got her attention now. "Stop what?"

"Ito," lahad nito. "hindi ko na kaya ang lahat ng 'to."

"Having cold feet?" kalmado pa rin niyang saad. "Don't worry I understand—"

"No. no. That's not it." Iling pa ni RJ na parang nagpapaliwanag sa bata. "Hindi na kita ma-take. Hanggang ngayon ba naman sa pag-aayos natin ng kasal, ganyan ka. Nauuna pa rin ang trabaho mo. Ikakasal ka na, pero heto tayo. Ako ang nag-aayos ng kasal. Ako lang 'yong parang natutuwa na mangyayari 'to."

"Hindi kita maintindihan," napakunot noo uli si Miah.

Oo nga at ito ang madalas maglakad ng mga kailangan nila sa kasal. Sa simabahan. Tinatawgan siya nito sa tuwing kailangan ng nobyo niya ng opinion niya. She may not be physically there, pero sinisigurado niyang nasasagot niya ang lahat ng tanong nito at nagagawa ang kailangan niyang gawin.

Para naman siyang biglang naliwanagan doon. Iyon marahil ang ibig sabihin ni RJ. "Akala ko ba naiintindihan mo ko? You said that it was okay for me to work. Alam mo naman ang lagay ko sa pamilya namin, 'di ba? Hindi ako puwedeng mag-slack off."

[Completed] My Ex-Timid KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon