ISANG malalim na buntong hininga ang pinawalan ni JP nang marinig niya ang pagdoorbell sa pinto ng bahay niya. Alam niya kung sino iyon dahil halos isang buwan siyang nagtago sa mga tao. Isang buwan niyang pinilit ituon ang pansin sa mga paintings niya para kahit paano ay makalimutan niya ang hitsura ni Miah habang nasasaktan ito dahil sa kanya.
Sinigurado muna ni JP na maayos ang hitsura niya at hindi mukhang broken hearted, pero magawa kaya niya iyon. Kaya naman hinayaan na lang niya kung anoman ang hitsura niya at binuksan na ang pinto.
"Finally," tila nauubusan na ng pasensiyang saad ni Gino at walang habas na pumasok sa bahay niya. "Ang gulo talaga ng bahay mo kahit kailan, 'no?"
Kibit-balikat lang ang isinagot ni JP doon. "'Yan lang yata ang hindi nagbago sa akin."
"Anong ito lang?" doon na lumingon si Gino kay JP. "What happened? Bakit ganoon na lang ang galit ni Miah sa 'yo? Totoo ba 'yong mga sinabi n'ya. You made her fall for you para lang maibalik s'ya dito dahil sinabi ko? JP, I need your explanation."
Isang ngiti ang sumilay sa labi ni JP. "You sounded like a girlfriend and me having an affair."
"Oh, shut up!" tuktok ni Gino sa kanya. "I'm asking you this now dahil pinagbigyan kitang hindi magpaliwanag kay Miah. Pinagbigyan kitang hindi magpaliwanag sa akin but your due is up. Hindi pa rin umuuwi si Miah at ayaw din n'ya akong kausapin. Kaya ikaw ang hinanap ko. Ikaw ang tatanungin ko sa mga nangyari. Anong nangyari sa Batangas?" dire-diretsong saad ni Gino.
Huminga muna si JP ng malalim at naupo sa pinakamalapit na sofa sa kanya. "Wala akong sinabi sa kanya. Tinanggi ko din ang hinala n'ya na pinadala mo ako doon after all, isa lang naman 'yon sa mga rason bakit ko s'ya pinuntahan. And the other reason was I was there kasi kailangan ko ang gallery n'ya. Iyon lang ang sinabi ko sa kanya."
"Bakit?" para namang nanghinang saad ni Gino at napaupo na rin. "You could have just said that she was right."
"I can't," mabilis na salungat niya. "kitang kita ko ang galit n'ya sa inyo. Sabihin mo ng bias ako pero naiintindihan ko. Hindi mo ba naalala kung sino lang ako dati? If it weren't for you..." napayuko na lang siya.
Narinig naman niya ang pagbuntong hininga ni Gino. "Hindi mo pa rin ba makalimutan 'yon? Ang tagal na n'on."
"Paano kong makakalimutan," angat na niya nang tingin. "Katulad ko lang din si Miah noon. You always out shined us. Kumbaga sa ilaw, ikaw 'yong flouresent light, kami 'yong incandescent. Malabo na nga, masakit pa sa mata. Ang ipinagkaiba lang kasi namin ni Miah, kaagaw ka n'ya sa atensiyon sa magulang n'yo while me..." kibit-balikat niya. "ano bang maagaw ko sa 'yo? Ang gusto ko lang noon ay maging katulad mo.
"Pasalamat ako at ikaw ang naging idolo ko," napangiti niyang saad sa pagkaalala noon. "dahil sa 'yo hindi ko makikilala si Miah. Kung hindi ko s'ya nakilala, hindi ko maiisip na lalong magpursiging magbago. Kung hindi dahil sa 'yo hindi ako magkakaroon ng dahilan para baguhin ang sarili ko. Hindi dahil sa 'yo, hindi ako magkakaganito. Because of you and Miah that I was able to change. Kaya, you see, malaki ang utang na loob ko sa inyong dalawa."
Huminga naman ng malalim doon si Gino. "Then that means you love my sister?"
Sinalubong naman ni JP ang tingin ni Gino. "Yes."
"Bakit hindi mo sinabi sa kanya?" tila frustrated ng saad ni Gino. "Bakit sa akin ang dali mong nasabi?"
"Kasi natatakot akong sabihin n'yang hindi pa s'ya handa. Natatakot akong sabihin n'yang hindi ako ang lalaking gusto n'ya. Natatakot akong sabihin n'yang hindi n'ya ako kayang mahalin," naisubsob na lang uli niya mukha niya sa palad niya. "Lalo pa akong nahirapan noong nakita namin 'yong ex n'ya. I saw how sad her eyes were when she was looking at him. I did what I could para lang maialis sa isip n'ya 'yong ex n'ya. Akala ko nagawa ko na kasi mukha naman s'yang masaya, pero akala ko lang pala 'yon.
"Kaya nga ang sakit-sakit n'ong sabihin n'yang wala lang sa kanya ang lahat ng ginawa ko. And the kiss..." naihilamos na lang niya ang kamay niya sa mukha bago napasabunot sa may kahabaan na niyang buhok. "God, I don't know what to do anymore."
Walang narinig na kahit ano si JP mula kay Gino bukod sa madalas na pagbuntong hininga nito. Nang mag-angat siya nang tingin ay nakasubsob din ang mukha nito sa kamay nito. Malungkot na lang na napangiti si Gino sa kanya nang mag-anagat ito ng tingin.
"Akala ko nagbago ka na, but it looked like that you aren't," napailing pang saad ni Gino. "torpe ka pa din."
Sa pagkakataong iyon ay napatawa na siya, isang pagtawa para sa sarili niya dahil tama naman talaga si Gino. "Torpe, mahiyain, timid, mahina ang loob, lampa...whatever you call it. Basta pagdating kay Miah at sa pagtatanong sa damdamin ko para sa kanya, humihina ang loob ko. Hindi ko mapigilang bumalik uli sa dati."
Inismiran naman siya roon ni Gino. "You're hopeless."
"I know," balik ismid niya kay Gino.
"Anong balak mo?" balik ni Gino sa kanya. "As I can see, tapos mo na ang mga kailangan mo sa exhibition mo?" tayo ni Gino at lapit sa isa sa mga paitings niya.
"'Wag 'ya—" pigil sana ni JP sa pagtingin ni Gino sa mga paintings niya pero nahuli na siya dahil nasilip na nito ang isa. Kitang kita niya ang panlalaki ng mata ni Gino bago lumingon sa kanya.
"Obsess ka na sa kapatid ko, ha?"
"No—well, siguro nga," kamot niya sa ulo. "she's my muse." Kimi niyang ngiti.
"May balak ka bang umamin na sa kanya sa gallery?"
Malungkot na umiling si JP doon. "Hindi ko nga alam kung magkikita kami doon. Sa tingin mo, sa ugali ni Miah, kakausapin n'ya ako pagkatapos ng ginawa ko?"
"Eh, anong balak mong gawin? With these..." hawak ni Gino sa painting "and with your feelings?"
"Just wait and see," tapik niya sa balikat ng kaibigan bago malungkot na ipinagpatuloy ang paglilinis na ginagawa niya kanina.
BINABASA MO ANG
[Completed] My Ex-Timid Knight
RomanceMy Ex-Timid Knight By: Bridgette Marie "Hindi mo pa ba naramdaman sa halik ko na mahal kita? Kailangan ko pa bang ulitin?" Dahil sa kasungitan at pagiging malamig, iniwan si Miah ng kanyang fiancé dalawang buwan bago ang kasal nila. Hindi niya nakay...