22

177 9 0
                                    

MABILIS na tumayo si JP nang pumasok sa loob ng opisina nito si RJ kung saan nag-aantay si JP. Sa tulong ni Gino, nalaman ni JP kung sino si RJ. Saan ito nakatira at nagtatrabaho. It turned out that he owned a real estate company. At hindi iyon pipitsugin. Ayaw mang makaradmam ni JP ng insecurities, pero ganoon ang naramdman niya.

You're so pathetic, JP. Napahinga na lang siya roon. "Good morning, Mr. Cruz." Bati niya sa binata na halatang nagulat nang makita siya.

"Good morning, sir. How may I help you, Mr.—?" kunot ang noong saad ni RJ at naupo na sa likod ng mesa nito.

"I'm Jan Philippe Bermudez, Mr. Cruz and I'm here to give you this." Abot niya ng imbitasyon sa exhibit niya.

Kunot noo namang tinaggap ni RJ iyon bago tumingin kay JP. "And this is? Parang hindi naman ako mahilig sa ganito. What privilege did I have to get this invitation, Mr. Bermudez?"

"Sabihin na lang natin na ikaw ang ex-fiance ni Miah kaya kita inimbitahan sa exhibit ko."

Lalo namang lumalim ang kunot ng noo ni RJ doon bago sumandal sa kinauupuan nito. "Hearing you say that, parang pakiramdam ko may gusto ka kay Miah. The why are you inviting me?"

"Dahil ikaw pa rin ang mahal n'ya," diretsang saad ni JP at marahas na napahinga. "that's why I'm bringing her back to you. Kung kailangan kong lumuhod para balikan mo s'ya, gagawin ko para lang mapasaya s'ya.

"Alam ko kung anong dahilan mo bakit mo s'ya hiniwalayan," patuloy ni JP. "but she's a changed woman now. Hindi na s'ya tulad ng dati. Kaya sana ngayon, mas alagaan mo s'yang mabuti. I'd be expecting you to the exhbit, Mr. Cruz." Tayo na ni JP sa kinauupuan niya at nagpaalam na.

"Wait, Mr. Bermudez," narinig niyang tawag ni RJ sa kanya. "paano mo nasabing babalikan ko s'ya?"

Isang malungkot na ngiti naman ang gumuhit sa labi JP nang lingunin niya si RJ. "Dahil nagmamadali kang nagpunta dito sa opisina mo kahit na may meeting ka nang akala mo si Miah ang nag-aantay sa 'yo dito."

Hindi na inantay pa ni JP na magsalita pa si RJ at umalis siya ng mabigat ang dibdib at umasang umayon sana sa lahat ang plano niya.

[Completed] My Ex-Timid KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon