'Paano nga bang ang taong itinuring mong tropa ay iyong kamumuhian? At magsisimulang makasama sa oras na mayroong pangangailangan? Kamumuhian mo pa rin ba ang isang 'TROPA' kung iyong ituring, kung alam mong unti unti nang nababago ang inyong pagkakaunawaan?'
'Kamumuhian mo pa rin ba siya kahit alam mo na kung ano ba talaga ang iyong nararamdaman? Handa ka bang magbago at isakripisiyo ang lahat ng iyong kakayahan at kamalian... nang dahil sa iisang tao lamang ang tanging dahilan?'
DREILAN'S POV
"THAK! THAK!" takla ng mga barkada kong nasa labas ng bahay namin.
Sabado, alas otso ng umaga palang. Naalala ko na may usapan nga pala kami ng mga tropa ko na magbabasketball kami ngayong umaga.
Tuwing walang pasok, tanghali na ako nagigising. Ganoon naman kasi talaga, that is why we have Saturdays in our life to have rest and freedom.
'Sabado? Linggo? Rest day talaga 'to! Swabe!'
Naalala ko bigla yung laro namin ngayon...
"Mukhang 'di talaga bibigay sa akin ang Shekinnah na 'yon. Tch! Napuyat pa 'ko." Mahinang sabi ko nalang sa sarili ko.
"Dj?... gumising ka na dyan, bata ka." Nag-uutos na tinig ni Ate Deis habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Si Ate Deis ang isa sa mga kasambahay namin. "Lumabas ka na't magpakita sa mga kabarkada mo. Napaka iingay nila, sinabihan ko na't baka magising pa ang Mommy't Daddy mo. Ayaw nilang maniwala sa aking natutulog ka pa dahil may usapan daw kayo ngayon. Mayayari ang mga kabarkada mo 'pag nagkataon." Dagdag pa ni Ate Deis.
"Gising na 'ko!" Pasigaw na sagot ko para marinig niya. "Lalabas ako dyan... saglit lang. Papasukin mo muna sila sa sala." Dagdag ko pa pero nakahiga pa din ako at naka pikit.
Mga ilang segundo ang lumipas at pinakiramdaman ko muna yung sarili ko bago bumangon. Inaantok pa din ako pero wala akong magagawa, ang usapan namin ay talagang usapan. Walang talkshit sa 'min ng mga 'to. Kotong sa 'ming lahat ang TS!
"Haaaa.." napahikab ako pagkakabangon ko at nag inat inat ng kaunti.
Dumiretso ako sa cr na nandito din sa loob ng kwarto ko para mag toothbrush at maghilamos ng mukha. Pagkatapos ay dumiretso ako sa damitan ko habang basa pa rin ang pagmumukha ko, naiwan ko kasi kagabi ang towel ko doon.
Hinatak ko nalang bilaan ang towel na naka sampay sa plastic na hanger dahil tamad na tamad pa rin ako.
*POK!*
Napatingin ako bigla sa nakasampay na hanger dahil sa tunog na bigla kong narinig.
"Yare!..." Bigla akong napabulong sa sarili kong nagawa.
Tinanggal ko na agad yung hanger at tinignan kung saan banda nabali. Nabigla lang talaga ako pero hindi ako natatakot o kung ano pa man.
'Kaya kong magpabili ng kahit gaano pang karaming hanger kila Mommy no?! Tch.'
Pero malamang mag iingay na naman sa harap ko 'tong si Ate Deis kasi naka bali na naman ako ng hanger.
'Olrayt, Dreilan! Handa na ba ang iyong tenga? Mmm... Mabibingi ka na naman sa sigaw ni Deis the Hanger Girl! BWHAHAHA!'
Natawa nalang din ako bigla sa mga naisip ko. Ugaling ugali kasi ni Ate Deis na sigaw sigawan ako kapag nakaka bali ako ng hanger dahil sa katamaran ko. Palibhasa kasi lahat ng kasambahay namin dito, pinagsabihan nila Mommy na pwede nila akong pagalitan sa mga maling ginagawa o nagagawa ko. Hays...
Naka suot pa din ako ng damit na pantulog kaya naman naghanap ako ng komportableng damit dito sa cabinet ko.
Kulay dark green na sando na galing kay Kalli ang una kong nakita pagbukas ko ng cabinet ko, kaya naman ito nalang ang kinuha ko at kumuha na din ako ng shorts sa kabilang side ng cabinet.
BINABASA MO ANG
Asymptotes
General FictionAsymptotes are lines who can get closer and closer, but it will never be together. We are just like the asymptotes. We are that close, but cannot be together. A story of a carefree guy and a silent but powerful girl who are punished and assigned to...