Chapter 3

62 6 0
                                    

KERVY'S POV

Nabigla ako nang marinig ko ang pagsigaw ni Jusric. Pagkalingon na pagkalingon ko sa kanila, nakita kong dumudugo ang ilong ni Dreilan at bakas sa kaniyang mukha ang pagkahilo. Napatayo ako sa kinauupuan ko at mabilis na lumapit sa kanila. Nasa bandang gitna ng court naka paupo si Dreilan habang nakaalalay sa kaniya si Jusric.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi ko nakita pre basta paglingon ko, naka paupo nalang siya dito sa gitna ng court." Nag aalala at kabadong pagpapaliwanag ni Jusric sa akin.

Lumuhod ako at tsaka tinignan ang kabuuan ni Dreilan.

"Ano bang nangyari sayo Drei?" Nag aalalang tanong ko.

"A-Ayos lang ako... nahilo lang." nakatingalang sagot niya sa akin.

"Dumudugo pa din ilong mo dre! Tara muna dito sa bench, umupo ka muna." Bakas ang pagkataranta sa pananalita ni Jusric.

Dahan dahan naming inalalayan patayo si Dreilan at inakay papunta sa bench, kung nasaan ang mga gamit namin.

Pagkaupong pagkaupo ni Dreilan ay agad na kinuha ni Jusric ang towel na dala ni Dreilan at tsaka ipinunas sa parteng ilong nito kung saan naroon ang dugong tumulo.

"Anak nang kable! Drei, ano bang nangyari?" Si Jusric

Nakatingala pa din ang ulo ni Dreilan at siya na ang may hawak ng towel niya habang nakatakip sa may bandang ilong.

"Nahilo lang ako dre. Ayos lang ako..." nakapikit siyang sumagot.

"Kapag nahihilo kailangan may nalabas din na dugo sa ilong? Sagana ka sa dugo dre?" Nakakalokong sambit ni Jusric.

Hindi na siya sinagot ni Dreilan.

"Sabihin mo kapag ayos ka na. Sabihin mo kapag hindi ka na nahihilo. Umuwi na muna tayo... Ihahatid ka na muna namin tapos tsaka na kami uuwi." Sabat ko.

Nanahimik muna kami saglit. Tumingin ako sa paligid at mataas na ang sikat ng araw. Maaga pa naman pero iba na ang init. Alas onse pasado na at hindi na maganda sa pakiramdam ang makukuha sa init ng sikat ng araw na 'to.

Nagpahinga na lang din muna si Jusric, umupo nalang din muna siya sa bench. Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Mga ilang minuto rin ang nakalipas bago nabasag ang katahimikang ito.

"Anong oras na ba?" Tanong ni Dreilan

"Eleven fifteen palang naman." Sagot ni Jusric.

"Tara na. Ayos na ko."

"Sigurado ka ba?"

"Oo."

Kinuha na ni Dreilan ang mga gamit niya at dahan dahang tumayo. Lumapit ako at kinuha ko na din doon ang tumbler ko. Si Jusric pa din ang may dala ng bola sa kabilang kamay niya. Hawak niya ang extrang shirt at tumbler niya habang nakasabit sa kanang balikat ang face towel.

"Kaya ko naman na, kahit hindi niyo na ko sabayan pauwi sa bahay. Pwede naman na kayong dumiretso na pauwi sa inyo." Sambit ni Dreilan.

"Sigurado ka ba?" Takang tanong ni Jusric.

"Ano na bang nararamdaman mo ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Ayos na ko dre. Hilo lang yung kanina... ganon talaga ko minsan. Madalang naman mangyari 'yon kaya ayos lang."

"Sigurado ka ha?"

"Oo dre."

'Kapag may nararamdaman siyang iba laging dinadaan niya sa biro. Pero ngayon seryosong Dreilan ang nakikita ko.'

AsymptotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon