DREILAN'S POV
Nakasuot si Herll ng sleeveless na dress, kulay maroon at may roses na design sa may babang part ng dress. Ang iksi-iksi ng suot niya kaya naman mas naagaw nito ang atensyon ko.
Nanatili pa din akong nakatitig kay Herll habang papalapit siya sa sasakyan... para bang nangyayari sa ngayon ang mga napapanood ko sa mga palabas. Bumabagal ang lahat at tanging nasa iisang tao lang ang interes at atensyon ko.
'You're so fucking gorgeous...'
Hindi ko alam kung bakit parang hinihigop ako ng presensya niya. Ang kaninang pagkainis at pagtataka ay nawala sa sistema ko.
Medyo may kalayuan ang puwesto ng sasakyan namin sa tapat ng bahay nila Kalli, mga ilang hakbang lang din naman ang pagitan nito mula sa tapat ng bahay nila. Iginarahe saglit ni Kuya Nato sa may tabi ng malaking puno kung saan hindi mabilad ang sasakyan sa tindi ng sikat ng araw. Nang nasa tatlong hakbang nalang ang layo ni Herll mula sa sasakyan, natauhan ako at nagpasyang bumaba para salubungin siya.
"Hi." Bati ko sa kaniya na bahagya pang nakangiti.
Nginitian naman niya ako ng natural na ngiti at mas lalo naman niya itong ikinaganda. Hindi ko malaman sa sarili ko, pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Sa palagay ko ay ngayon ko lang naramdaman ito. Para bang sabik na sabik akong makasama siya. Kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng ganitong klaseng interes sa lahat ng mga babaeng nakuha ko.
'Bakit ganito ang nararamdaman ko sa presensya mo, Herll?'
Talaga namang attractive si Herll dahil charming at sexy siya. Unang kita ko pa lang sa kaniya nung Welcome Party or Acquaintance Party, talagang humanga na ako sa kaniya. Hindi pa man kami magkakilala, nakukuha na niya ang atensyon ko. Pero nang ipakilala siya sa amin ni Klio, nag iba ang pakiramdam ko sa kaniya.
~ FLASHBACK ~
Kasalukuyang nagpeperform ang ilang piling mga estudyante sa stage. Mga miyembro sila ng HIA Glam Music. Si Jasnim, Shekinnah at Si Yecxa ang vocalists at hindi ko naman na kilala ang iba pa nilang kasama na nagpapatugtog ng iba't ibang klaseng musical instruments. Napaka ganda ng blending ng tatlong babaeng 'yon, pero si Shekinnah ang pinakanapupuri sa kanila dahil sa ganda at taas ng boses niya. Talagang bihasang bihasa siya sa pagkanta.
Aaminin ko na kapag may babaeng kapansin pansin sa paningin ng nakararami ay gusto kong mapunta sa akin at maging isa sa mga babaeng... isang pagpapacute o pagpapapogi ko lang ay mahuhulog na kaagad sa kagwapuhan ko. Madalas kong nakukuha ang lahat ng gustuhin kong babae. Sadyang napaka dali sa akin ng ganitong bagay.
'Too easy, Baby!'
Sa gwapo kong 'to? Walang kahit isa man ang tumanggi kapag nagsimula na akong kumilos. Hindi ko naman sila masisisi kung agad silang mafofall sa akin.
'Ito talaga ang nangyayari, asahan ko man o hindi, magkakagusto't magkakagusto talaga sila sa isang Dreilan Jiree Khan. Tss! Alam na alam ko na agad kahit wala pa akong kilos na ginagawa.'
Malakas na palakpakan ang iginawad ng mga kapwa kong students at ng iba pang mga taong naroon para sa mga nagperform.
"Sadyang napakahusay at kapuri puri ang ating HIA Glam Music!" Papuri ng emcee na si Leonard. "Kinilabutan ako sa lambing ng kanilang mga boses at talagang nadama ko ang mensahe ng bawat liriko ng kantang inawit nila para sa atin!" Umasta pa siyang damang dama ang kanta. "Di va?! Olrayt! Lakas maka tagalog! HAHAHAHA! Nafeel niyo rin ba???" Tanong ni Leonard sa aming mga audience habang nakatapat ang microphone.
BINABASA MO ANG
Asymptotes
General FictionAsymptotes are lines who can get closer and closer, but it will never be together. We are just like the asymptotes. We are that close, but cannot be together. A story of a carefree guy and a silent but powerful girl who are punished and assigned to...