KALLIAH'S POV
"Miss Kalliah Azleighn Merced?" Biglang may nagsalita sa likuran ko.
Napalingon ako bigla dahil ang laki ng boses nito. Isang guard na malaki ang katawan at nasa late 30s ang edad. Nasa 5'4 ata ang height niya kaya napatingala ako sa kaniya.
"Y-yes po?" Nauutal na sagot ko sa guard.
"Nahulog po ang school ID ninyo... sa tapat ng stall sa may Chinese Restaurant." Paliwanag niya habang iniaabot sa akin ang ID ko. Takang inabot ko naman mula sa kamay niya ang ID at inosente ko itong tinignan.
'Ito nga ang ID ko. Pero paano? Paano nahulog? Nasa loob ng bulsa ng bag ko nakalagay 'to. Hindi naman ako nagbubukas ng bag. Last na nagbukas ako ng bag e, sa Paper Brooklins pa.'
"T-thank you po." Nauutal pa rin ako dahil naiilang ako sa kaniya.
Sanay naman ako sa maraming tao pero... sanay lang ako kapag hindi ako kinakausap at pinapansin.
Tumango nalang ng bahagya ang guard at tsaka bahagya ring ngumiti.
"Miss." Nagulat na naman ako at biglang napalingon sa right side ko. "Pwede ba akong makisabay. Pakikisuyo ko lang sana itong mga joysticks na ito. Sinusumpong na kasi ang apo ko kaya kailangan na naming magmadaling umuwi." Pakikisuyo ng matanda na kanina ay seryosong seryoso at galit na galit sa yaya ng apo niya. Naka ngiti ito ngayon sa harapan ko at mayroong nakikisuyong itsura.
'Wuuu!!! Kinabahan po ako sa inyo kanina... Kala ko naman! Tsh!'
Hindi ako sanay na may nakikisuyo sa akin at lalong lalo na sa ganitong sitwasyon. Hindi ako mahiling makipag usap sa mga nakapaligid sa akin at talaga namang wala akong pake sa kanila. Pero dahil may edad na ang taong nakikisuyo sa akin ngayon, pagbibigyan ko na.
"Sige po. Sumabay na po kayo sa akin. Kayo na po muna ang unang magbayad at ako nalang po ang next sa inyo." Bahagya lang ang ngiti sa aking mga labi pero hindi talaga bukal sa loob ko ang sinabi ko. Ayaw ko ng ganito, hindi ko talaga trip ang kumausap ng hindi ko kakilala.
"Thank you."
"Next po." Anunsyo ng babae sa counter 2.
"Kayo na po muna." Nakangiti pa ring sabi ko.
Ibinaba naman na ng Lola ang joysticks na kaniyang mga babayaran. Napansin kong maganda ang mga designs ng joysticks na binili ng Lola na iyon. Apat iyon at iba iba ang kulay. Dark Blue, Hot Pink, Mustard Yellow at Apple Green.
Hindi ako mahilig sa mga laro, tanging PS4 lang naming magkakapatid ang alam kong gamitin. Kung hindi pa nga dahil kay Kuya Klio at Khelion ay hindi ako matututo. Hindi kasi ako interesado at pinilit lang nila akong maglaro.
"Next po." Anunsyong muli ng babae sa counter.
Ako na ang susunod, hindi pa nakakaalis sa counter ang lola dahil inaayos pa niya ang pagkakalagay ng ATM card niya sa kulay brown niyang Kate Spade na wallet.
Lumapit na ako dahil mukhang haggard na haggard na ang cashier. Sa haba kasi ng pila, malamang kanina pa ito pagod na pagod.
"Here." Baling sa akin ng Lola, pagkatalikod niya sa counter. Binigyan ko naman sila ng gulat at nagtatakang tingin pagkatapos kong tignan ang hawak niyang Mustard Yellow na calling card.
"P-po? Ano po ito?" Inabot ko ang ibinibigay niyang calling card habang nakatingin pa rin ako sa mga mata niya.
"That is my calling card. I own an Apparel Store sa kabilang building nitong mall. Ipakita mo lang iyan sa kahit na sinong trabahador ng shop at bibigyan ka nila ng discount." Nakangiting paliwanag niya sa akin. Tumaas ang mga kilay ko at binigyan ko siya ng nag aalinlangang reaksyon. Natawa naman siya sa akin. "Hija, this is my way to say thank you. Thank you dahil mabait ka at hinayaan mo akong mauna sa pagbabayad." Dagdag pa niya habang nakangiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Asymptotes
General FictionAsymptotes are lines who can get closer and closer, but it will never be together. We are just like the asymptotes. We are that close, but cannot be together. A story of a carefree guy and a silent but powerful girl who are punished and assigned to...