Chapter 7

48 6 0
                                    

KERVY'S POV

"Ayun oh. May kasama siyang girl, hindi ko kilala e. Nandoon sila sa tapat ng stall." Sagot ni Kavy na itinuro pa ang direksyon palabas ng shop.

Umuna siyang lumakad papunta sa entrance ng shop at sumunod naman ako. Nandoon nga si Dreilan at may kasamang babae. SI HERLL?..

'Bakit kayo magkasama??..'

KALLIAH'S POV

Alas sais palang ng umaga, bumangon na 'ko. Kinuha ko muna yung phone ko na nasa loob ng drawer ng study table ko. Doon ko kasi palaging inilalagay ang phone ko, sa tuwing mag aalas dies na ng gabi. Ito ang ang oras ko para limitahan yung sarili ko sa paggamit ng phone or ng kahit na anong gadgets. Depende nalang kung mayroon akong kailangang gawin at kakailanganing gamitin ang mga ito.

Late na ako nakakatulog simula nung magstart uli ang school year na 'to. Kung dati, 8:30 palang ay tulog na ako... ngayon naman, 10:00 na tsaka palang ako pipikit at magsisimulang gumawa ng tulog. Kung minsan, nag aadvance reading ako para sa mga lessons. Minsan din ay nagbabasa ako ng mga books na binibili ko sa bookstore, dahil mga kakilala at paborito kong author ang mga nagpublish nito. Pero mas napapadalas na ang pag gamit ko ng laptop dahil inaasikaso ko yung napaka importanteng bagay para sa akin, sa ngayon.

'Nagawa ko na rin naman ito noon at muli na naman akong nabigyan ng opportunity para magawa ko ulit ito. Nakaka pressure dahil sa pagkakataong ito, mas kakaiba ang opportunity na napunta sa akin.'

Pagkakuha ko ng phone ko ay agad na bumungad sa akin ang 15 messages at 3 missed calls mula sa iba't ibang tao. Nakakagulat dahil ang daming messages, madalang akong maka receive ng ganito karaming naipong messages at ang oras nang pagkareceive non ay halos sabay sabay din. Inuna ko munang pindutin yung sa mga missed calls bago ko binuksan yung mga messages.

| RECENTS |
All / Missed

•2 Missed Calls from Mommy (5:37 am 07/29)
• 1 Missed Call from Miss Arah//BPublishing (4:24 am 07/29)

'Hala?! Bakit naman ang agang tumawag ni Miss Arah???!! Nakakahiya naman hindi ko nasagot....'

~FLASHBACK~

Nagising ako ng 4:00 at bigla akong nabahing dahil sa lamig. Ilang beses na sunod sunod ang naging pagbahing ko. Hindi ako sinisipon at sa totoo lang ay nanunuyo pa nga ang ilong ko at ang hirap huminga dahil nangangati rin ito.

'Anak ng Kamote!'

Alam ko na agad kung anong mangyayari... '

'Allergies...'

Nahihirapan akong huminga sa tuwing aatake ang allergy ko. Bukod sa pakiramdam na parang tinutusok ang ilong at ulo mo, bigla bigla nalang tutulo ang sipon na parang tubig sa labnaw.

Kahit anong singhot ko barado pa rin ang ilong ko. Nakapagpacheck up na ako tungkol dito pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam sa sarili ko kung saang amoy ako allergic. Hindi rin naman masabi ng doktor kung saan nga ba talaga ako allergic, ako daw ang makakaalam nito dahil ako daw ang makakaramdam.

Naka on yung air con kaya naman talagang malamig sa loob ng kwarto ko... pero sa sobrang lamig na sa kwarto ko ay naalimpungatan ako kaya naman pinatay ko na muna ang air con at tsaka ako sumilip sa bintana, para tignan kung mayroon na bang araw. Hindi ko alam na sobrang aga pa pala kaya naman pagkatingin ko sa bintana ay wala pa ring liwanag na nagmumula sa kalangitan. Umuulan pa kaya naman mas lalong lumamig at lalong madilim sa labas. Tumingin ako sa alarm clock ko na nasa side table ko at doon ko pa lang nalaman na 4 palang pala ng madaling araw.

AsymptotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon