Chapter 11: Premier Night 2

37 1 0
                                    

DREILAN'S POV

"Promise?" Nakangiting sagot niya sa 'kin.

"Promise." Yumakap muli siya sa akin.

"Wala nang bawian yan ah?" Ginaya niya ang linyang sinabi ko sa kaniya kanina. Nagkatinginan kami at sabay na natawa sa isa't isa.

Palagi kaming magkasundo sa mga bagay bagay ni Anicia. Hindi kami nag aaway, tampuhan siguro kung minsan. Syempre wala namang perfect na samahan, hindi maiiwasan ang misunderstanding. Sa tuwing may tampuhang nagaganap, sinusuyo ko na kaagad siya. Ayaw naming pareho na pinapatagal pa ang mga ganitong bagay sa pagitan naming dalawa.

Ilang buwan ang lumipas. Sumapit na ang bakasyon at syempre matatag pa rin ang aming samahan, ang kung ano mang mayroon kami. Hanggang sa nagstart na naman ang panibagong school year, we're on 6th grade. Graduating na kami. Mas magiging masaya sana ako kung hindi kami nagkahiwalay ng section ni Anicia. Ang kaso ay nagbago ang pag aayos ng sections ngayong school year. Ang sections ay based sa surnames. Questavez siya at Khan naman ako, talagang magkalayo.

August, my birth month. It was the 4th day of this month, I received a text message from unknown number...

-09247133708-

Hi. I'm sorry if I can't say
this to you, personally.
Please read the letter, always
take good care of yourself.
'2:44 AM'

Wala akong idea kung sino ang nagsend ng ganitong message sa akin. I don't even know kung anong letter ba yung sinasabi nung nagsend ng message. Bumaba na lang ako galing kwarto dahil lunch time na. Late na akong nagising. Walang pasok ngayon dahilan para sulitin ko ang mahabang pagtulog.

Biglang iniabot sa akin ni Ate Deis ang isang envelope. Hindi ako nakakatanggap ng letter, unless.. valentines, birthday gift, christmas gift or new year.

"What is this, Ate Deis?" Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

"May nagpunta dito kaninang naka kotse na gray. Basta babae ang nagbigay nyan, ang sabi niya i-abot ko nalang daw sa iyo 'yan. Kaibigan mo daw siya."

"Sino naman? Sinong kaibigan?"

"Hindi sinabi yung pangalan e."

"Dapat po Ate Deis, itinanong niyo."

"Ay sus! Basahin mo nalang at nang malaman mo kung sino. Malamang may nakasulat naman dyan kung kanino nanggaling yan." Hindi na ako sumagot pa sa kaniya, itinabi ko nalang muna ang letter at tsaka ako kumain.

Umakyat na ako sa kwarto at doon ko na binuksan ang gray na envelope. May mark sa lower right side ng envelope. Hindi ko na pinagtuan pa ng pansin ang bagay na iyon, kinuha ko na kaagad ang papel sa loob ng envelope. At doon ko nabasa na ang letter na 'yon ay galing pala kay Anicia.

Nakakalungkot, nakaka dismaya. Hindi ko alam kung bakit naging ganon ang lahat. Hindi ko alam kung bakit hindi ako kumbinsido sa dahilan na kaniyang isinulat sa letter. Hindi ko alam kung saang bansa siya nagpunta. Hindi ko alam kung paano niyang nagawang umalis ng hindi man lang inaalala ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit mas pinili niyang masaktan kaming pareho.

Oo. Iniwan ako ni Anicia. Umalis na siya, umalis siya nang biglaan sa bansang ito. Iniwan niya na ako at kahit magpakita man lamang sa akin para magpaalam, ay hindi na niya nagawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AsymptotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon