DREILAN'S POV
"Hep! Hep! Saan na naman ang punta mo?" Hinarang ako ni Ate Deis pagkababa ko galing sa kwarto. "Anong oras na DJ, bakit may paganyan pang porma? Ha? Bakit?"
"Why? Nagpaalam naman ako kila Mommy and Daddy." Agaran kong sagot sa kaniya.
"Hindi ko tinatanong kung nagpaalam ka ba sa Mommy at Daddy mo. Ang sabi ko, saan ang punta mo? Tsaka bakit naka pangmalakasang outfit ka pa din? Padilim na tapos nakaganyan ka?" Nang aasar na sabi ni Ate Deis.
Naka black shirt at black maong pants ako tsaka naka gray bomber jacket. Para sa akin, casual lang naman yung ganong porma. Siguro kaya nasabi ni Ate Deis na pangmalakasan, ay dahil naka jacket ako at naka ayos ang buhok ko.
'Maganda ang makakasama ko sa premier night na 'yon, kailangang mas maging gwapo pa ako.'
"Natural lang naman ang suot ko ah? Sadyang gwapo lang." kinindatan ko siya at naglakad papunta sa kitchen para uminom ng tubig.
"Saan nga ba ang punta mo?" Inulit na naman niya ang tanong niya. Ganyan si Ate Deis sa akin, uulit ulitin niya pa rin ang sinasabi o tinatanong niya hanggang hindi mo siya sinasagot. "Ni hindi ka man lang magsabi kahit sa akin lang. Kailan ka ba matututong magsabi man lang sa aming mga kasama mo dito sa bahay?" Simula na naman ang session ni Deis The Hanger Girl sa pagsesermon.
"Sa mall." Sinadya kong iyon lang ang isagot sa kaniya para mas lalo siyang mainis. Gagantihan ko lang siya, mang aasar ako dahil ako ang laging naasar sa mga pinagsasasabi at sa paulit ulit niyang pagtatanong sa akin.
"Kagagaling mo lang sa mall, sa mall ka na naman pupunta?"
"Bawal ba?"
"Kanina lang ayaw mong magmall ah? Anyare sayo? Mall lang nang mall?"
"Kasama ko sila Kalli."
Ang pangalang "Kalli" lang ang makakapagpatahimik sa kaniya. Ewan ko ba dito kay Ate Deis, gustong gusto niya si Kalli. Elementary pa lang kami ni Kalli, tinutukso na niya kaming dalawa.
"Ay ganon ba?" Nanunukso na naman ang kaniyang mga tingin! "Di mo naman sinabi agad na nagdedate na pala kayo ni Kalliah." Mas naging mapang asar pa siya, kumapit siya sa braso ko at umastang kinikilig sa na-iimagine niya.
"Tss! Ano na namang ini-imagine mo dyan?" Inalis ko ang mga kamay niyang nakakapit sa braso ko. "Sabi ko 'SILA'. Ibig sabihin non, madami akong kasama. At tsaka date? Baliw ka na talaga." Naglakad na ko palabas ng bahay. Isinenyas ko nalang ang kamay ko bilang paalam sa kaniya. Nagpadrive na ako kay Kuya Nato papunta sa mall.
"Pogi naman ng date ko for tonight." Bungad sa akin ni Herll nang magkita kami sa mismong cinema kung saan gaganapin ang premier night.
She's wearing a black cocktail dress. Fit na fit kaya mas kitang kita ang pagiging sexy niya. May color code ang susuotin ng mga may VIP tickets, that is why lahat kami sa area na 'to ay naka black.
'Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko.'
"Thanks! Kaya bagay tayo." Sagot ko sa kanya.
"I'm sorry?" Hindi niya masyadong naring dahil sa music na sobrang lakas.
30 minutes pa kasi bago magsimula ang premier night. Mas maaga dapat pumunta ang mga VIP kumpara sa mga mayroong mga ordinary na tickets. Kaya nandito kami ngayon sa standby area para sa mga VIP. Para hindi boring, meron silang naka play na music na malakas, para masakop ng tugtog ang buong area.
BINABASA MO ANG
Asymptotes
General FictionAsymptotes are lines who can get closer and closer, but it will never be together. We are just like the asymptotes. We are that close, but cannot be together. A story of a carefree guy and a silent but powerful girl who are punished and assigned to...