DREILAN'S POV
"Herll? Sino naman 'yon dre?" Takang tanong sa 'kin ni Jusric.
Naalala ko bigla na hindi pa nga pala kilala ni Jusric si Herll. Kami lang ni Kervy ang nakakakilala sa kaniya dahil pinakilala siya sa amin nung kapatid ni Kalli. Mga ilang beses lang naman kaming nagkasama sama kaya hindi ko pa din alam ang ugali ni Herll. Pero sa palagay ko mabait ang isang 'to.
"Pinsan ni Kalli." Sagot ko habang nakatingin kay Herll mula sa hindi kalayuan. May kausap siyang isang babae na nasa late 30s ang edad.
"Ha?! Asan??" Hindi makapaniwalang tanong niya habang inililinga linga ang paningin sa paligid. "Maganda ba yon dre? Sexy ba? Sheeet ano?"
"Napaka ingay mo naman!" Nabubwisit na tonong sigaw ni Kervy.
Napatingin ako sa kaniya bigla dahil sa lakas ng boses niya.
"Chill! Bro!" Mapang asar na tono ng pananalita ni Jusric.
Hindi kami close ni Herll at syempre, hindi ko din siya masyadong kilala. Madalang siyang mapadpad dito sa village dahil sa Manila siya nakatira. Maganda siya, matangkad at makapal ang mga kilay. Hindi siya kasing puti ng pinsan niyang si Kalli dahil MAS maputi siya doon. Mahaba ang kaniyang buhok at higit sa lahat ay.... SEXY!
'Magkamag anak ba talaga kayo ni Kalli? Bakit ganon?! Walang wala sayo si Kalli! Swabeng swabe ka! Sheeet! Ingat ka Herll... wag na wag kang magkakamaling lumipat sa HIA kung ayaw mong ma- in love sa nag-iisa at wala nang hihigit pa sa kagwapuhang meron ang isang Dreilan Jiree Khan.'
"Asan ba?" tanong ni Kervy.
'Mukhang interesado 'tong kumag na 'to a? Tss!' -.-
"Ayon o... siya yan di ba? Si Herll?" Nakatingin ako sa kinatatayuan ni Herll at tsaka itinuro iyon sa kanilang dalawa.
Napatingin silang dalawa kay Herll at hanggang ngayon ay kausap pa niya yung babaeng nasa late 30s ang edad.
"Owshit..." bulong ni Jusric.
Panigurado akong natipuhan na naman niya ang itsura ng babaeng ito. Napaka hilig ni Jusric mag ipon ng mga babae. Ginagawa niyang koleksyon.
"Ano naman kayang meron at bumisita 'yan dito?" Seryosong ngunit may pagtatakang tanong ni Kervy.
"Baka bibisita lang kay Tita Elliah..." sagot ko.
"Tita Elliah? Di ba sabi ni Ate Gwen nagpunta daw yung parents ni Kalli sa Bulacan nung Linggo? Sa susunod na Linggo pa daw ang uwi nila." Sabat ni Jusric.
Si Ate Gwen ay isa sa mga kasambahay nila Kalli. Si Tita Elliah naman ang Mommy ni Kalli.
"Ay... Nakalimutan ko..." napapahiyang sagot ko. "Basta baka bibisita lang siguro 'yan dito."
"Imposible." sabi ni Kervy habang nakatingin pa din sa kinatatayuan ni Herll.
Napatingin ako kay Kervy at seryoso pa din ang itsura niya.
'Anong imposible don? Kamag anak niya naman yung pupuntahan niya.'
"Ha?... Anong imposible?" si Jusric.
"Imposibleng 'yon lang ang ipinunta ni Herll dito."
"Pa'no mo naman nasabi dre?"
"Basta." Seryoso pa din at parang napapaisip ang itsura ni Kervy.
"Ang weird mo ngayon dre."
'Bat ba iba ang pakiramdam ko sa mga ikinikilos nito ni Kervy.'
BINABASA MO ANG
Asymptotes
General FictionAsymptotes are lines who can get closer and closer, but it will never be together. We are just like the asymptotes. We are that close, but cannot be together. A story of a carefree guy and a silent but powerful girl who are punished and assigned to...