DREILAN'S POV
Hindi ugali nila Mommy na umalis na lang bigla na hindi nagsasabi sa amin kung ano at kung saan sila pupunta.
"Ang sabi ni Mom kanina... magkikita daw sila nila Tita Elliah doon. May aasikasuhin daw na event."
"Event?... anong event naman?" Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
"Aba! Ang dami mong tanong! Tawagan mo nalang si Mommy para malaman mo lahat. Malay ko ba?! Event nga lang ang sabi e." Naiirita na siya sa pagtatanong ko.
"Tss! Si Kuya Dylan?" Tanong ko pa sa kaniya.
"Kasama nila Mommy."
"Bakit ikaw hindi ka kasama?"
"Di ko trip... May date din kami ni Elyazah mamaya."
'Date na naman? Kakadate niyo lang kahapon di ba?'
Hindi na ako sumagot at umakyat na ako sa kwarto ko. Namahinga muna ako saglit sa couch na nasa loob ng kwarto ko. Mga 5 minutes din ang lumipas at naisipan ko na ding maligo. In-on ko muna ang speaker ko at nagpatugtog. Nilakasan ko nang kaunti ang volume para hanggang sa bathroom ay maririnig ko ito.
Nagbasa na ako ng ulo at katawan ko... magshashampoo na ako pero kaunti na lang ang lumalabas sa container ng shampoo.
'Eee? Ubos na pala 'to?'
Ayaw kong nauubusan ng pansariling pangangailangan ko kaya naman lagi akong may stock ng mga personal needs ko. Lumabas ako saglit sa shower at tumingin sa cabinet na nandito rin sa loob ng bathroom.
'Wala na 'kong stock?!'
Naubos na ang stock ko ng shampoo. Hindi ko napansin na last na bottle ng shampoo na lang pala ang meron ako...
Kagaya nga ng sinabi ko, hindi ko ugali na magpaubos ng stock ng personal na gamit. Ngayon lang ako naubusan dahil nga sunod sunod ang naging event sa school at hindi ko namalayang halos wala na din pala akong stock dito.
Last July 5 pa ang last na grocery at shopping namin... July 29 na ngayon. Nawala sa isip ko na kumuha ng mga kailangan ko. Yung mga gamit ko lang na kailangan sa projects ang nakuha ko nung namili kami.
Pagkatapos kong maligo, nagtoothbrush na ako at tsaka dumiretso sa closet. Mainit ang panahon at tirik na tirik ang araw sa labas. Sando nalang uli ang isinuot ko.
Pagkabihis ko ay humarap ako sa salamin at doon nagsuklay. Nagspray pa ako ng kaunting pabango kahit nasa bahay lang naman ako. Maya maya ay bumaba na muna ako para kumain.
"Kain na." Anyaya ni Ate Deis. "Kanina pa kita kinakatok sa kwarto mo bakit hindi ka manlang sumasagot? At tsaka napakalakas mong magpatugtog... rinig na rinig sa laundry area yang pinapatugtog mo."
"Naliligo kasi ako kaya hindi ko narinig."
"Ay siya! Kumain ka na." Nilagyan niya ng kanin ang plato ko. "Ikaw na ang mamili ng ulam mo. Tatawagin ko lang ang Kuya Davic mo."
Hindi na ako sumagot at kumuha nalang ako ng ulam. Kare-kare, Chicken Adobo, at Beef steak ang nakahain sa harapan. Syempre masarap ang Kare-kare kaya naman iyon ang inuna ko.
Gutom ako kahit na hindi naman ako nagbasketball. Nagutom ako dahil sa paglalakad kanina, papunta at pauwi mula sa court.
"Aalis ako ng mga 3:30, Ate Deis. Kayo na ang bahala dito. Uuwi din naman ako, pero siguro late na. Hindi uuwi ngayon sila Mom, Monday morning pa daw ang balik nila dito." Sabi ni Kuya Davic kay Ate Deis.
BINABASA MO ANG
Asymptotes
General FictionAsymptotes are lines who can get closer and closer, but it will never be together. We are just like the asymptotes. We are that close, but cannot be together. A story of a carefree guy and a silent but powerful girl who are punished and assigned to...