What happened?
Nanatili na nakataas ang dulo nang labi habang nag klaklase. Iniisip ang nangyari nong araw na yun.
Nawala ang bigla nang tinawag ako ni Ma'am Caxille.
"Ms. Abbas"pagtawag niya saakin.
Napatayo ako wala sa oras. Nakasalubong ang kilay niya at umuusok ang ilong niya.
"Bakit po Ma'am "tanong ko
"Kung hindi ka makikinig sa klase ko mas mabuti hindi ka pumasok sa klase ko. Iexplaine mo yung Law of Cosine at Sine. " bakas ang tuno ng pagsasalita ay nagpipigil ng galit.
"The law of cosine is depend what are you looking for. Example if you looking for c then the formula of cosine is c²=a²+b²-2ab(Cosine C).Law of cosine is useful for computing the third side of a triangle when two sides and their enclosed angle are known, and in computing the angles of a triangle if all three sides are known. The Law of Sines is the relationship between the sides and angles of non-right (oblique) triangles. Simply, it states that the ratio of the length of a side of a triangle to the sine of the angle opposite that side is the same for all sides and angles in a given triangle."paliwanag ko
Tumango nalang si Ma'am Caxille. Umupo ulit ako sa upuan ko. Sa gilid ko nakita ko na may sinusulat si Andrew. Napansin niya ata na tumingin ako sa ano ang sinuslat niya. Tinakip niya ang sinulat niya. Tumgin siya saakin at gano'n din ako kay Andrew
"Kita tayo sa park... My love"nakangiti utos ni Andrew
Tumango nalang ako. Ano kaya ang sasabihin niya saakin?
Biglang nagring ang bell. It time to uwi!
"My love saba-
"Sorry my love, may gagawin pa ako. Hintayin mo ako sa park"pagputol niya sa dapat kong sabihin.
"Okay my love "tumaas ang dulo ng labi ko.
Binitbit ko ang bag ko. Ano kaya ang kanyang sasabihin? Gusto ko na agad malaman ang sasabihin niya. Pagkalabas ko ay nakita ko si Ireena naglalakad patungo sa classroom namin. Kumaway siya saakin. Agad lumapit siya saakin.
"Hi Nica"pagbati niya saakin
"Hello "pagbati ko pagbalik.
"Amm.. Nandyan ba si Andrew"tanong niya
Tumango nalang ako. Tumigin siya sa pintuan ng classroom.
"Aalis na ako "paalam ko sakanya
Tumango nalang siya at umalis na ako. Agad ako pumunta sa park.
Umupo ako sa upuan nasa bandang park. Nakita ko naglalaro ang mga bata sa kalsada. May biglang lumapit na batang babae.
May punit ang kanyang lumang damit. May dumi pa sa kanyang mukha.
"May pera po kayo"tanong nito
"Wala ako pera pero saglit lang ah "sabi ko
May hinablot ako sa bulsa ng bag ko. Bwiset na tangkad nagbibigay ng mga pagkain nakasupot. Pero buti nalang hindi ko kinain.
Binigay ko ang pagkain sa bata. Agad nakita ko sa mata niya ang tuwa. Tumaas ang dulo ng labi kasabay ang pag kita ang mga puputing ngipin.
"Salamat po"sa sobrang tuwa niya. Napatalon talon ang bata. Natuwa ako sa kinikilos niya.
"Umuwi kana bata "nakataas ang dulo ng aking labi.
Agad umalis ang bata. Napansin ko na palubog na ang araw. Kapag hindi pa siya nagpakita pagsapit ng dilim ay uuwi na ako.
Pinasok ko ang kamay ko sa bago ko. Hinawakan ko ang nakuha ko at nilabas. Matimatika na aklat ang na nakuha ko. Tamad kong binuksan ang libro. Tingin tingin ako sa mga pages. Binabasa ko ang mga importanteng bagay.
Makalipas ng ilan minuto ay sumasakit na ang pwet ko. Madilim na ang paligid. Binalik ko ang libro ko sa bag.
Kinuha ko ang bag isasaklay ko sa balikat ko. Napatalon ako dahil napansin ko nasa tabi ko si Andrew.
"Oh my love"tumaas ang dulo ng labi ko at kumikinang ang mata.
"Nica, may sasabihin ako sayo"kalmadong statement ni Andrew
"Ano yun"inosente kong tanong
Pinagpapawisan na ang buong katawan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"I want to escape from your love cage "malamig nitong sabi
Napatigil ang mundo ko. Biglang may tumusok libo-libong karayom sa dibdib ko. Napapikit nalang ako sa sakit.
"Anong dahilan"tanong ko
"Dahil infatuation lahat ng to hindi kita mahal Nica"bore nitong sagot
Nanunubig ang mata ko. Tingnan ako ang mata niya. Umaasa na hindi totoo ang sabi niya kanina. Pero wala ako nakitang emosyon sa mata niya. Doon na nakawala ang mga luha ko. nanginginig ang labi ko.
"Ang sakit Andrew... Nagpaasa na mahal mo ang isang katulad ko."emosyonal na sambit ko
Biglang tumalikod siya saakin. Doon na ako napaluhod dahil na lambot ang tuhod ko.
Umalis na siya hanggang hindi ko na siya makita.
Binaba ko ang ulo ko. Naramdaman ko na may tao sa tabi ko. Lalo ako nanghina nong narinig ko ang boses.
"Okay lang yan"mahinahon na boses ni Grey.
Hinawakan niya ang braso ko at inalalay sa pagtayo. Dalawa kaming naglakad papunta sa kotse niya malapit sa parke.
Sa pagsakay ko ay sinarado ko ang pintuan. Nagpaliko siya para nakapunta sa driver seat. Pinaandar niya ang kotche. Pumikit ang mata habang umaagos ang luha ko.
Ilan minuto ay biglang napatigil ang kotche. Pagmulat ko ay nakita ko bumaba si Grey sa sasakyan. Binuksan niya ang pinti na katabi ko. Agad ako bumaba sa sasakyan.
Maraming puno at masukal. Hinawakan niya ang kamay ko. Doon na niya ako kinaladkad. Hindi na ako nagreklamo kasi wala na ako boses para magreklamo.
Napatigil kami sa isang malawak na lupain. Wala ka makikita ang damo. Malamig na hangin ang sumalobong saakin.
"Breathe, Nica"utos ni Grey
Huminga ako ng malalim. Nabawas ang sakit sa dibdib ko. Tumigil na rin ang pag-agos ng luha ko.
"Okay kana"may haling pag-aalala na tanong ni Grey
Tumango nalang ako. Umupo siya sa damohan at hinila ako pababa. Tumingin ako sakanya. Nagsalubong ang mata namin. Bumigat ang mata ko.
"Sayang luha mo. Na palabas ito ng maling dahilan at pagkakataon "malugkot nitong sagot
Tumango nalang ako. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Grey.
"Nica, may tatanong sana ako "nahihiya nitong tanong
Naghintay ako sa sasabihin niya pero nagulat ako sa inamin niya saakin.
"Can you be my girlfriend?"tanong ni Grey
Agad ako umiling. Ayoko gamitin ang ibang tao. Hindi ako yung tao na gagamitin ang isa pang tao para sa pansaliring interest.
"Consider it as my last wish "pagsusumamo niya
Nagpakawala ako ng mabigat na hinga. Sa huli ay
Pumayag ako bilang girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
SSG President (Nica Abbas)
RomansaLove Series Started:March 23 2020 Finish : Publish: Edited: Rank 86 in Couple at September 13 2020