Chapter 11

19 2 0
                                    

Maagang nagising si Nathalie, sinilip niya si James sa kabilang kwarto subalit tulog pa ito, marahil ay pagod ito sa trabaho. Nagtungo siya sa kusina at nagluto. Hindi nagtagal, nagising na din si James

"Kain na... nagluto ako..." ani ni Nathalie

"Good morning...." tugon ni James

"Good morning din" ani ni Nathalie


Pagtingin ni James sa mesa nakita niya ang niluto ni Nathalie, sinangag na kanin at tocino. Uminat siya at napakindat saka dali daling kumuha ng plato at kumain.

Sa unang subo...napatingin ito sa harap niya, napangiti, napansin ito ni Nathalie..

"Mukhang maganda ang umaga mo ah" ani ni Nathalie

"Ah wala may naalala lang ako." Tugon ni James

Ng mga oras na iyon, naalala niya si Jake, paborito nito ang sinangag at tocino.. nakikita-kita pa niya kung paano kumain si Jake ng tocino.. tutusukin at itataas at saka kakagatin. Napapangiti si James at napawikang

"Parang bata..." sambit na may ngiti sa mga labi

Narinig ito ni Nathalie at nagtanong...

"Ano iyon? May sinasabi ka???" Tanong ni Nathalie

"Wala...sabi ko nakakamiss maging bata" tugon ni James

"Aah.. ok tara na kain na tayo heto ang kape mo" ani ni Nathalie


"Salamat" tugon ni James

Samantala, nagpasya ang dalawa nina Tom at Scarlet na doon na muna tumira sa bahay ni Tom habang hindi pa tapos ang mga business plans nila sa Spain.

"Hon.. maybe, it is better if we stay at your place.." ani ni Scarlet

"Do you want there?" Tugon ni Tom

"Of course! I missed your bed there" sambit na may ngiting may pinaplano.

"Hhhmmm.. ok hon pack the things we go now..." ani ni Tom na may galak

Inayos muli ni Scarlet ang maleta, ng mailagay na ang lahat ng gamit nila, kaagad na silang bumaba sa lobby at nagpaalam kay River..

"River, we will go back at my place.." ani ni Tom

"But why?? It's more convenient here going to your work" ani ni River

"It's not my decision" sabay turo ng nguso kay Scarlet

Napatawa si River sa aksyong ito ni Tom.

"Hahaha.. I see.." ani ni River

"Like what i've told you.. i am the boss but she is the law"  pabiro ni Tom


You are the Reason [Book 3 of Love is like a game]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon