Chapter 35

17 3 4
                                    

Nagstay muna sa Paris si Scarlet, para mag launch ng kanyang Wine company, ang " J.D. Fuente". Dahil kilala na si Scarlet sa buong Europe, madali siyang nakahanap ng mga investors. At higit sa lahat sa loob lamang ng isang linggo napalago na niya ang naluluging kompanya.


Nabalitaan ni Tom ang kaagad na pag-angat ng dati niyang kompanya. Nagsisi siya sa naging desisyon niya na hindi suportahan ang financial problem nito. Kaya nag focus naman siya sa kanya pang dalawang business, ang TL chocolatier at ang Thom's Hotel.

Tuloy ang plano ni Nathalie at Lorena na itatakas nila ang bata. Kaya muling nagkita ang dalawa sa trabaho ni Nathalie at doon sila nag-usap.

"Ms. Nathalie may bisita po kayo." Ani ng secretarya niya

"Ok.. papasukin mo." Tugon ni Nathalie

"Hey.. bestie.. ang taray ng kompanya niyo ah ang ganda." Ani ni Lorena

"Oo nga eh. Hindi ko nga alam kung sino ang CEO namin dito." Tugon ni Nathalie

"Really?? Hindi mo pa siya namemeet??" Ani ni Lorena

"Hindi pa. Simula ng pumasok ako dito, tanging sekretarya niya lang palagi ang nag iintindi ng lahat dito." Tugon ni Nathalie

"Napakamatalinhaga naman ng CEO na yan. Teka maiba ako, anong plano natin para kay Jasmine." Ani ni Lorena

At doon nila pinag-usapan ang magiging plano. Itatakas ni Lorena ang bata habang nasa Park ang magyaya. Matapos ang pag-uusap ng dalawa ipinatawag maman si Nathalie ng kanilang HR.


"Nathalie, HR needs you ASAP!" Ani ni Ana

"Ok thank you." Tugon ni Nathalie

"Ay iba ang dating ng sekretary. Parang siya ang boss mo.." ani ni Lorena

"Sige na bestie.. babalikan kita dito." Tugon ni Nathalie

Kaagad na nagtungo si Nathalie patungo sa opisina ng HR. Makarating siya doon, bakas sa kanya ang kaba, napaisip siya na baka nagsumbong na si Ana sa mga ugali niya sa empleyado.

"Please sit down.." ani ng HR

"Thank you.." tugon ni Nathalie

"Any idea? Kung bkit kita ipinatawag?" Ani ng HR

"Wala po.. wala akong idea.." tugon ni Nathalie

"Well tumawag ang CEO at nagbaba siya ng MEMO para tanggalin ka sa trabaho." Ani ng HR

"Ha.. bakit? Teka lang hindi naman ata tama yan! Bakit ang bilis!" Tugon ni Nathalie

"Kalma Nathalie.. hindi pa ako tapos." Ani ng HR

"Sorry Ma'am" tugon ni Nathalie

"Ang laman ng Memo ay ang tanggalin ka at ilipat ka sa ibang branch upang maging bagong President ng  Dela Fuente chocolatier branch in Catalonia." Ani ng HR

You are the Reason [Book 3 of Love is like a game]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon