Chapter 41

13 2 2
                                    

Kinaumagahan, nagising si Scarlet at nakita niyang tulog si Ace sa kanyang sofa sa loob ng kwarto. Bumangon ito at nagtungo sa kusina upang siya na ang maghanda ng kanilang almusal. Habang nasa kusina siya nagising naman si Ace. Hinanap niya si Scarlet at naamoy ang niluluto kung kaya sa kusina siya dumeretso.

"Scarlet.." ani ni Ace

"Good morning" tugon ni Scarlet

Lumakad sa may likuran ni Scarlet si Ace habang siya ay nagluluto. Hinawakan ni Ace ang bewang ni Scarlet at hinawi ang buhok upang makahalik sa batok. Nakiliti si Scarlet kung kaya napaikot ito paharap kay Ace.

Nagkatitigan sila, maya maya ay sinuong siya ni Ace ng halik, hindi nagtagal ay kaagad siyang pinigilan ni Scarlet.

"Ace stop!" Ani ni Scarlet

"Why? Ginagawa naman natin to diba tuwing umaga." Tugon ni Ace

"Basta..." ani ni Scarlet

"Ah may James ka na nga pala.. sige uwi na ako sa hotel." Tugon ni Ace

"Ace... sandali... hindi naman sa ganun" ani ni Scarlet

"Ganun na din iyon... sabagay imposible nga palang magkaroon ng tayo. Nakalimutan ko na... sige na aalis na ako." Tugon ni Ace

Umalis si Ace sa appartment ni Scarlet, napabuntong hininga naman si Scarlet sa mga sinabi ni Ace. Sinubukan na niyang mahalin si Ace subalit hindi niya talaga kaya. Maya maya ay may nagdorbell sa kanyang pinto.

"Aalis-alis tapos babalik kaagad.." sambit niya sa kanyang sarili

Pagbukas niya ng pintuan, laking gulat niya na si James pala ito. Kaagad naman niyang pinatuloy, lasing na lasing pa si James at wala pang tulog.

"James!!" Ani ni Scarlet


Dineretso niya sa banyo si James upang mailagay sa bathtub. Matapos ay nilagyan niya ng tubig, kumuha siya ng tuwalya.

"Stay there James.. kukuha lang ako ng towel mo."
Ani pa ni Scarlet

Pagbalik niya, tumayo si James kitang kita niya ang hubo't hubad nitong katawan. Hindi nagtagal ay hinila siya ni James.

"Halika sabay na tayong maligo.."ani ni James

"Mauna ka na.. mamaya na ako maghahanda muna ako ng breakfast natin." Tugon ni Scarlet

"Sige na.. halika na..baby.."ani ni James

Natulala si Scarlet sa pagtawag sa kanya ni James. Bago pa siya mahalata nito, kaagad niyang iniba ang usapan.

"Sige na baka masunog ang niluluto ko." Ani ni Scarlet

"Ok.. sige na baby.. I love you!" Tugon ni James

Hindi siya sinagot ni Scarlet, tinungo na niya kaagad ang kusina upang makapagprepara na bago siya magpunta sa Catalonia. Matapos niyang gawin ang lahat tinawag na niya si James upang makapag almusal na sila, subalit nang makita niya ito, nakahiga na sa kama at tulog na tulog.


You are the Reason [Book 3 of Love is like a game]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon