Chapter 53

9 4 0
                                    

Pagbalik nina Ana at Ace sa hotel na tinutuluyan nilang tatlo. Kaagad na bumungad sa kanilang pagpasok ang nasasabik na si Scarlet.

"Welcome back lovers" ani ni Scarlet

"Ha?? Paano mo nalaman?" Tugon ni Ana

"Its my restaurant..kaya alam ko ang nangyayari. Anyways im happy for the both of you.." ani ni Scarlet

"Ikaw talaga SS.. teka sino ba talaga ang client  natin dito." Ani ni Ana

Napangiti si Scarlet sa tanong na ito ni Ana. Napatingin naman siya kaagad kay Ace upang humingi ng hudyat kung sasabihin na ba sa niya kay Ana ang totoo. Nakakuha naman siya kaagad ng hudyat kaya...


"Walang client Ana.. plano ang lahat ng ito ni Ace" ani ni Scarlet

"Ha?? Sandali.. SS?? Ace?? Ano ang ibig sabihin nito??" Tugon ni Ana

Gulat na gulat si Ana, ikwenento ni Scarlet ang nangyari bago sila dumating sa Paris.



🖤 FLASHBACK 🖤
🖤🖤 SCARLET AND ACE🖤🖤

Dalawang linggo matapos ang Party ni Scarlet, nakipagtagpo si Ace kay Scarlet upang humingi ng pahintulot at tulong upang makuha niya ang puso ni si Ana.

"So ano ang sa atin?" Ani ni Scarlet

"Wala ba talagang naging boyfriend si Ana kahit isa?" Tugon ni Ace

"Wala bakit?? May gusto ka ba sa kaibigan ko?" Ani ni Scarlet

Napatingin si Ace sa mga kilay ni Scarlet na nakataas.

"Wala naman sigurong masama na gustuhin ko siya?" Ani ni Ace

"Wala naman.. mas magiging kampante pa nga ako kung magiging kayo." Tugon ni Scarlet

"Ha?? Paano naman magiging kami eh hindi naman kami halos nagkikita." Ani ni Ace

"Ligawan mo kasi.. gumawa ka ng paraan para kiligin si Ana.." tugon ni Scarlet

"Paano?? Tulungan mo naman ako.." ani ni Ace

Bigla namang may naisip si Scarlet kung bakit ginagawa ito ni Ace.

"Ace?? Pwede magtanong?" Ani ni Scarlet

"Sige ano iyon?" Tugon ni Ace

"Ginagawa mo ba ang lahat ng iyan para makalimutan si Scarlet?" Ani ni Scarlet

"Ha? Hindi... alam ko naman kasing wala na akong chance para sayo.. isa pa simula ng makilala ko si Ana, may something na talaga sa akin sa tuwing nakikita ko siya." Tugon ni Ace

"Sorry.. ayaw ko lang kasi magagamit ang kaibigan ko lalo na kung laban sa akin." Ani ni Scarlet

"Huwag kang mag-alala malinis ang intensyon ko kay Ana, hindi ako gagawa ng ikakasira nating dalawa.. pangako yan SS." Tugon ni Ace

You are the Reason [Book 3 of Love is like a game]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon