Chapter 42

16 3 1
                                    

Habang nasa byahe, ngumingiti si Scarlet. Tila ba excited ito sa kanyang pupuntahan. Samantala kabaliktaran naman ang kutob ni Ana. Batid nito na may hindi kaaya-aya sa ngiti ng kanyang kaibigan.


"Ano kaya ang pinaplano mo? Bakit hindi mo sabihin sa akin.." sambit ni Ana sa kanyang sarili


Maya maya ay huminto na sila sa isang building. Tumawag muli si Scarlet at ilang saglit ay may sumundo sa kanilang lalaki. Hindi ito kilala ni Ana kung kaya hinayaan niyang mauna si Scarlet.

"Hola señorita!" Ani ng lalaki

"Hola!" Tugon ni Scarlet


Patuloy lamang ang kanilang paglalakad hanggang sa makasakay sila sa elevator, ilang saglit naman ay nakarating na sila sa 12th floor. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ni Ana habang sumasabay naman ang taguktok ng mga takong ni Scarlet.

"SS... kinakabahan ako.." ani ni Ana

"Relax Ana... ako ang bahala sa'yo!" Tugon ni Scarlet

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa pintuan. Kumatok ang kasama nilang nilang lalaki at bumukas ang pintuan. Pumasok sila sa loob at laking gulat ni Ana ng makita si Jasmine.

"SS! Ano ibig sabihin nito?" Ani ni Ana

"Sabi ko relax! Wala akong ginagawang masama" tugon ni Scarlet

"Pe...pero Ss..." ani ni Ana

"Ana???" Tugon ni Ss

Hindi naituloy ni Ana ang kanyang sasabihin ng makitang tumaas na ang kaliwang kilay ni Scarlet. Bumaling si Scarlet patungo kay River.

"Good Job! River! Ang galing galing mo" ani ni Scarlet

"Salamat Scarlet... kasama ko na ang anak ko" tugon ni River

"Magaling ba ang Private Investigator ko?" Ani ni Scarlet

Habang nagpupulong sina Scarlet at River, hindi napigilan ni Ana ang sumingit sa kanilang usapan.


"SS?? Paano??" Ani ni Ana

"Gusto mong malaman? Simple lang.." tugon ni Scarlet

Itinaas ni Scarlet ang kanyang kaliwang kilay sabay ngiti kay Ana at saka niya sinimulan ang kanyang storya.



🖤🖤🖤 FLASH BACK 🖤🖤🖤
🖤 SCARLET & RIVER 🖤
🖤[ PLAN CONVERSATION ]🖤

Bago kumuha ng private investigator si River, nagkita muna sila ni Scarlet. Upang alukin ito ng isang proposal. Nagkita sila sa isang private restaurant na tanging sila lamang ang tao. Ang restaurant na ito ay pag-aari ni Scarlet.

"So River.. may proposal ako sayo.." ani ni Scarlet

"Ano yun?" Tugon ni River

You are the Reason [Book 3 of Love is like a game]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon