Chapter 31

19 3 3
                                    

"Markuzz. Kailangan ko ng umalis.." ani ni Scarlet

Nalungkot ang bata sa sagot ni Scarlet, kung kaya't sinubukan siyang kausapin ni James.

"Scarlet please... pwede mo ba pagbigyan ang anak ko? Paalis na din sila bukas.." ani ni James

Walang magawa si Scarlet kung hindi ang pagbigyan si Markuzz. Naupo silang dalawa sa tabi ng dalampasigan. Naglalaro si Markuzz ng buhangin habang pinagmamasdan naman siya ni Scarlet. Habang dumidilim, nagpasya si James na iwan muna ang tatlo upang maghanap ng pwede nilang makain.

"Ok ka lang ba?" Ani ni Sam

Hindi sumagot si Scarlet, lumingon lamang siya kay Sam at humudyat na tumabi sa kanya. Umupo naman siya kaagad sa tabi ni Scarlet. At doon nagsimulang magkwento.

"Alam mo isang tao lang ang nagmahal ng sobra kay Markuzz matapos mawala yung kinilala niyang tatay" ani ni Sam

"Kinilalang tatay?" Tugon ni Scarlet

"Oo hindi kasi sa Mark ang tunay na tatay ni Markuzz. Nagkamali ako.. alam ko nasaktan ko sila ni Jake... pero sana mapatawad nila ako." Ani ni Sam

"Ha?? Paano? So sinong ama?" Tugon ni Scarlet

"Nako mahabang salaysayin... si James ang tunay na ama ni Markuzz" ani ni Sam

Mas lalo pang hindi makapaniwala si Scarlet sa sinabing ito ni Sam. Dahil sa tensyon nagawa na naman niya ang kanyang hobby. Ang pagkiskisin ang kanyang mga palad. Napawi lamang ito ng biglang tumunog ang cellphone niya

Pagtingin niya nakita niyang tumatawag si Ace. Kaya tumayo siya at muli ng nagpaalam.

"Sorry i have to go..." ani ni Scarlet

"Hintayin mo na si James.. at saka babago pa lang tayo nagkakakilala.. stay more please..." tugon ni Sam

Hindi nagtagal ay dumating na si James. Wala siyang dalang pagkain kundi nagpareserve siya sa isang restaurant na malapit.

"San ka pupunta?" Ani ni James

"Wala.. sige mag stay muna ako.."ani ni Scarlet

"Ooh wala naman pala. Mag join ka na sa dinner namin.." ani ni James

"Sige na Scarlet, gusto pa kita makilala." Sambit ni Sam

"Ok ok fine.. Let's go" tugon ni Scarlet

Hindi na nakatanggi si Scarlet, Kung kaya't nagtungo na sila at doon na nila itinuloy ang usapan. Tahimik lang na sumama si Scarlet, nagmamasid lamang siya sa kanyang mga nakikita at iniisip ang kanyang natuklasan. Napansin siya ni James kaya tinanong siya nito.

"Kanina ka pa tahimik... ok ka lang ba??" Ani ni James

"Ok lang ako.. wag mo ako isipin.. si Markuzz nasan?" Tanong ni Scarlet

You are the Reason [Book 3 of Love is like a game]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon