Chapter 60

13 4 3
                                    

Makalipas ang anim na buwan, marami na ang nagbago. Si Nathalie na ang nagpapatakbo ng kompanya ni Carlos matapos itong magkaroon ng cancer. Tanging nasa bahay na lamang siya kaya si Nathalie na ang pinamahala niya dito.


Namuhay naman na magkasama sa bahay sina James at Scarlet. Walang lumipas na sandali ang pinalampas ni James upang iparamdam kay Scarlet ang kanyang pagmamahal.

Samantala masaya naman si Scarlet sapagkat naayon sa lahat ang kanyang mga plano. Kitang kita niya kay James ang pagkahumaling nito sa kanya.


Dahil sa malaya ng nakakagalaw si Nathalie, nagkaroon na siya ng pagkakataon na mas mapabilis ang paghahanap ng ikakasira ni Scarlet. Nakipag kita siya kina Paul at Lorena upang masimulan na ang plano.


"Long time no see how's the CEO?" Ani ni Lorena

"Im good! Ang sarap sa pakiramdam.." tugon ni Nathalie

"Heto na ang pinakamatagal mong pinakaiintay, ang magkaroon ng kapangyarihan at matapatan ang bawat kilos ni Scarlet." Ani ni Lorena

"Kaya kailangan na nating kumilos. Babawiin ko sa kanya si James" tugon ni Nathalie

Nag-usap na sila sa magiging plano. Kaagad na kumilos si Paul at iniwan na ang dalawa. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Lorena upang alamin ang sinabi ni River.

"Bestie.. can i ask something?" Ani ni Lorena

"Sure! Ano iyon?" Tugon ni Nathalie

"Sorry pero matagal ko ng gustong itanong ito sayo. Ano ang ginawa mo sa araw ng kasal nina Jake at James?" Ani ni Lorena


Natigilan si Nathalie sa tanong ni Lorena. Tumingin siya sa kanyang kaibigan at napaiyak.


"Hindi ko naman sinasadya. Nadala lang ako ng emosyon ko ng araw na iyon." Ani ni Nathalie

"Ano ba kasi yun? Ikwento mo sa akin at makikinig ako." Tugon ni Lorena


🖤🖤🖤FLASH BACK🖤🖤🖤
🖤James.Jake Wedding🖤

Nang mabalitaan ni Nathalie na ikakasal sina James at Jake, kaagad niyang inalam ang lugar kung saan at nagmadali siyang magpunta dito. Pagkarating niya doon nagsisimula na ang seremonya.

"We gather here to unite these two people in marriage. Their decision to marry has not been entered into lightly and today they publicly declare their private devotion to each other." Ani ng pari


Nakita niya ang kotseng ginamit ni Jake kaya naman dinistrungka niya ang pintuan nito at nagtagumpay siya. Sinira niya ang koneksyon ng preno ng sasakyan at matapos doon ay nagtungo siya sa gitna.

"Itigil ang kasal!" Sigaw ni Nathalie

Tumigil ang masayang mundo ng dalawa ng makita ang pagtutol ni Nathalie. Lalo pang nasira ang araw ni Jake ng malaman niyang buntis si Nathalie at si James ang ama.

Sa sobrang galit ni Jake, patakbo siyang tumungo sa kotse at dali-daling pinatakbo ang sasakyan. Napangiti si Nathalie dahil nagtagumpay siya sa pagpili ng sasakyan na gagamitin ni Jake.


You are the Reason [Book 3 of Love is like a game]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon