Chapter 59

13 4 1
                                    

Tinungo nina Nathalie at Lorena ang address na ibinigay ni Paul. Pagdating nila roon natanaw kaagad nila si River. Kaya naman hindi na nag atubilung bumaba si Nathalie sa sasakyan at sinugod kaagad si River.


"River! Nasaan ang anak ko!" Ani ni Nathalie

"Wala sa akin ang anak ko!" Tugon ni River

"Huwag ka ng mag maang-maangan pa! Ilabas mo ang anak ko!" Ani ni Nathalie

"Kahit halughugin mo pa ang appartment ko hindi mo makikita jan ang anak natin!" Tugon ni River


Dali-daling pumasok si Nathalie sa loob at hinanap si Jasmine. Tinungo lahat ng sulok ng bahay subalit walang anino ni Jasmine ang natagpuan ni Nathalie.


"Sinabi ko naman sayo wala dito ang anak natin!" Ani ni River


Napaupo si Nathalie at napahagulhol ng iyak. Nilapitan naman siya ni Lorena at hinaplos ang likuran.

"Parang awa mo na gusto ko lang maakap at makita ang anak ko." Ani ni Nathalie

"Naawa ka ba sa akin ng ikaw noon ang gumagawa sa akin niyan? Wala na dito sa Spain ang anak ko." Tugon ni River


Napatayo bigla si Nathalie at lumapit kay River.


"Anong ibig mong sabihin?? Nasaan ang anak ko!" Ani ni Nathalie

"Nasa Pinas na ang anak ko. Doon na siya sa piling ng kanyang mga lola at lolo." Tugon ni River

"Hayop ka!  Magbabayad ka! Isinusumpa ko! Idedemanda kita!" Ani ni Nathalie

Napoot ng galit ang puso ni Nathalie. Subalit hindi naman niya natinag si River.

"Sige mag demandahan tayo Nathalie. Ikaw idedemanda kita ng murderer! Baka nakakalimutan mo alam ko ang ginawa mo sa araw ng kasal ni Jake at James!" Ani ni River

"Wala akong alam! Wag mong isisingit ang usapang iyan sa pag-uusap natin para sa anak ko!" Tugon ni Nathalie

"Gusto mo ba ikwento ko sayo kung ano mismo ang ginawa mo ng araw na iyon?" Ani ni River

Hindi nakaimik si Nathalie sa sinabing ito ni River. Nanginginig siya sa takot sa kabila ng kanyang nagawa.

"Aalis na kami! Hindi pa tayo tapos! Tandaan mo ito River gagawa ako ng paraan para makuha ko sayo ang aking anak!" Ani ni Nathalie

"Ayaw mo ba marinig ang kwento ko?? Ikaw Lorena gusto mo bang malaman ang kademonyohan ng kaibigan mo?" Tugon ni River

Hindi na siya pinansin ng dalawa, bagkos ay umalis na sila. Tahimik lang si Lorena habang pumasok sa loob ng sasakyan. Iniisip niya kung ano ba ang nagawang ito ng kanyang kaibigan.

Hindi siya makapagtanong kay Nathalie, sapagkat batid niya ang pinagdadaanan nito sa kasawiang hindi makita at makasama ang sariling anak.

You are the Reason [Book 3 of Love is like a game]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon