Chapter 64

12 4 0
                                    

Nang makarating na si Nathalie sa restaurant ni James. Wala na ditong tao maliban kay James. Pumasok ito sa loob at dumeretso kay James.


"James.." ani ni Nathalie

"Anong ginawa mo kay Scarlet! Nakita mo ang dami niyang galos dahil sayo!" Tugon ni James


Nagulat si Nathalie sa inasta ni James. Kaya nagtanong ito.


"James kaya mo ba ako pinapunta dito para jan?" Ani ni Nathalie


"Oo Nathalie bakit? Para saan pa ba?"tugon ni James


"At nakapag sumbong na pala sayo ang babae mo!" Ani ni Nathalie


"Pinagtatanggol ko lang ang babaeng mahal ko! Siguro naman walang masama doon!" Tugon ni James


"Wow! Pinagtatanggol! James buksan mo ang mata mo! Matagal ka ng niloloko ni Scarlet!" Ani ni Nathalie


"Niloloko? Hindi mo katulad si Scarlet kaya pwede ba huwag mong guluhin ang utak ko!" Tugon ni James


"Sige titigil na ako James. Pero sana alam mo kung paano kumilatis ng tunay na babae!" Ani ni Nathalie


Naguluhan si James sa sinabing ito ni Nathalie. Hindi niya maisip kung paano ito nasabi Nathalie.


"Anong sinasabi mo Nathalie?" Ani ni James


"Wala ka talagang kaalam alam James. Natatawa na naaawa ako sayo!" Tugon ni Nathalie


"Hindi kita maintindihan! Deretsohin mo na ako.!" Ani ni James


Maya-maya naman ay lumabas si Scarlet mula sa opisina ni James. Hindi niya alam na nandoon si Nathalie kaya nagulat na lamang siya.


"Wow speaking of the Devil naandito pala ang the greatest Scarlet!" Ani ni Nathalie

"Yeah im here at ano naman ang pakialam mo?"
Tugon ni Scarlet

Pumalakpak ang kamay ni Nathalie.


"Bravo! Ano nga naman ba ang pakialam ko! Total naandito naman tayong tatlo bakit hindi pa ikaw ang magsabi ng katotohanan kay James?" Ani ni Nathalie


Tumingin si Scarlet kay Nathalie ng malalim. Sumingit naman si James sa usapan nilang dalawa.


"Anong aaminin? Naguhuluhan ako.. Scarlet tell me ano iyon?" Ani ni James


Hindi umimik si Scarlet.


"Hindi mo talaga kayang sabihin kay James? Sige ako na ang magsasabi!" Ani ni Nathalie


Humarap si Nathalie kay James


"Makinig ka James! Ang babaeng kaharap mo ay si.." naudlot na ani ni Nathalie


You are the Reason [Book 3 of Love is like a game]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon