Chapter 49

15 4 5
                                    

Nagtungo ang tatlo sa kwarto upang makapagpalit ng damit si Scarlet. Bakas naman sa mukha ni Scarlet ang galit sa kabila ng ginawang ito ni Nathalie sa kanya.

"Bwisit ka Nathalie!!" Ani ni Scarlet

"SS..." tugon ni Ana

"Makikita niya ang gusto niyang makita.. konting oras na lang." Ani ni Scarlet

"Pasensya ka na.. sa ugali ni Nathalie" ani ni James

"Bakit kasi hindi si Nathalie ang hinawakan mo kanina alam mo naman ang ugali ng babae mo" tugon ni Ace

"Hindi ko naman inakala na ganun ang gagawin niya." Ani James

"Sus! Gusto mo kasi yung tipong pinag aagawan ka ng babae." Tugon ni Ace

"Hindi ko na nagugustuhan ang tabas ng dila mo!" Ani ni James

Nagkakaroon na ng iringan ang dalawa. Sumabay pa sila sa init ng ulo ni Scarlet kaya napagbuntungan sila nito.

"Kayong dalawa! Kung magaaway kayo sa harapan ko pwede ba lumabas na kayo at doon kayo magsuntukan!" Ani ni Nathalie

"Si Ace kasi..." ani ni James

"Anong ako?? Ikaw kaya" ani naman ni James


Nagsiklab ang galit ni Scarlet, kung kaya....

"Kayong dalawa labas!" Sigaw ni Scarlet

"Sige na lumabas na kayo.." tugon ni Ana

Inihatid ni Ana ang dalawa palabas ng kwarto nang maisara niya ang pintuan, tinungo niya kaagad si Scarlet.

"SS anong plano mo.." ani ni Ana

"Tuloy pa din ang gabing ito.. may isa pa akong damit nasa compartment ng sasakyan ko pwede mo bang kunin" ani ni Scarlet

"Sige sige.. kukuhanin ko.. intayin mo ako" tugon ni Ana

Tatakbong lumabas ng pintuan si Ana upang magtungo sa parking lot. Nang makarating siya roon nakita siya ni Tom.

"Ana???" Ani ni Tom

"Tom... im in hurry pumasok ka na sa loob... may kukuhanin lang ako sa compartment ni SS" tugon ni Ana

"Something  bad happened? Right? Tell me..." ani ni Tom

Walang nagawa si Ana kung hindi ang ikwento kay Tom ang buong nangyari sa loob kanina. Hindi naman nagustuhan ni Tom ang balitang ito kaya sumama siya kay Ana patungo sa kwarto kung saan naroon si Scarlet. Pagdating nila doon...

"Scarlet are you ok??" Ani ni Tom

Kaagad tumayo si Scarlet at umakap kay Tom. Kaagad naman siyang nakiusap kay Tom para sa kanyang plano na ipahiya si Nathalie sa buong tao. Inutusan niya si Tom na siya na ang magpakilala bilang acting CEO ng kumpanya.

You are the Reason [Book 3 of Love is like a game]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon