Caleb Anne Xavier
"Ate, are you sure with this? We all know na lagot tayo kapag nalaman nila 'to," mahinang tanong ni Calil, my younger sister, habang naglalagay ng mga bikini and summer dresses sa luggage namin.
"I guess I need to take full responsibility with this one," maikling sagot ko. I'm the eldest so I really have the responsibility.
Our plan is to wait until 1 a.m, so we can asure that our parents are already asleep. Sa airport na kami maghihintay hanggang mag 5 a.m. RD will pick us up here. Siya ang magsusundo sa aming lahat. We are going to use his car kasi, hindi mahahalata na may nawawalang isang sasakyan, sa dami ng sasakyan ng pamilya nila.
Dumeretso ako sa kitchen to grab some chocolates. Pampagising lang. Dahan dahan pa akong naglakad para hindi magising yung mga kasama namin dito. Nung nakakuha na ako, dumeretso na ako sa room ko.
I checked my phone to see who's calling. I saw my friend's name, Crizbelle. I immediately answered the call baka kasi emergency pa 'to.
"What do you need? It's almost midnight!" Bungad ko.
"Girl! Kasi naman! Remember my crush?" She asked, mukha pa siyang kinikilig.
"Which one? The tall guy? The ching chong? The Korean? Sino ba?" I asked. Ang dami niya kasing crush!
"Bruha ka! Ang nag iisang Watson ng buhay ko! Si Zaccheus Emmanuel! You're fucking cousin!" Narinig ko pa siyang tumili sa kabilang linya.
"Ano meron sa kanya?" I asked. Well, crush niya kasi talaga si Zach since noon. Everytime na pupunta siya sa mga events, kahit simple lang yon talagang binobonggahan niya ang damit niya! Andoon daw kasi si Zach! Kailangan niya daw maakit ang pinsan ko.
"Ganito kasi 'yan! Nagmessage ako sa kaniya! Niheart ko rin yung story niya! Yung kinakantahan niya yung aso niya! Ang sabi ko sa kaniya, sana all kinakantahan! Tapos, sineen niya! AAAAAA!" Shit! Ang sakit sa tenga!
"Oh? Hindi naman pala nagreply eh," natatawa kong sabi. Knowing Zach, wala siyang interest sa mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. Suplado rin.
"Atleast sineen niya hoy! Sa dami ng nagkakandarapa sa kaniya, sineen niya message ko! Mas mataas na ako kesa sa kanila no!"
"Matulog ka na nga lang, 'wag ka nang umasang irereto kita don, walang pakialam yon sa mundo," I told her.
"Fine! Fine! Atleast sineen niya! Bye my dear soon to be fam-in-law!" Then she ended the call. Ang dami nitong alam. Patay na patay sa pinsan ko eh dedma naman siya.
Pinasok ko na sa bag ko yung cellphone ko and I checked my things kung complete na ba ang mga dadalhin ko. Tig isa kami ng luggage na dala ni Calil. 3 days lang naman kami mag stay doon. Our excused is that we're going to have a sleepover somewhere in Tagaytay.
Napatigil ako sa pag aayos nang makarinig ng katok. I opened my door and there I saw Calil.
"Kuya is there na. Let's go," pabulong niyang sabi.
Dahan dahan ko namang kinuha ang luggage ko and sumunod na kay Calil. Dumaan kami sa back door, we can't afford to exit sa main door. It is so big to the point na baka maka create ng sound at magising ang lahat ng tao dito.
Finally, nakalabas na kami ng bahay! Dahan dahan naming buhat ang mga luggage namin. Ang bigat pero we need to.
Pagkalabas namin, we saw RD and Zach waiting for us. Lumapit naman sila amin at sila ang nagbitbit ng luggage namin.