[Back to day 1 in Coron]
Zaccheus Emmanuel Watson
Naglalakad kami sa dalampasigan. Sa totoo lang, hindi ko rin alam saan kami pupunta. Ang dami kasing kalokohan ng mga pinsan ko. Lalo na si Eli, tsh.
"Where is that ba, Ate? Ang tagal na natin naglalakad! Hindi ko na makita yung hotel natin!" Gale exclaimed. Totoo naman kasing kanina pa kami naglalakad. Pagkatapos namin, magbabad sa dagat, ngayon, naglalakad naman kami ng pagkalayo layo.
"Hoy! 'Wag ka maarte! Promise maganda yung pupuntahan natin! Mas maganda pa kay Ate Caleb! Malapit na kaya tayo! Ayun oh!" Turo niya sa maraming bato. What the fuck? Naglakad kami nang malayo para lang sa bato?
Lahat kami napatingin sa tinuturo niya, wala na akong makitang iba kundi mga bato lang ang nandoon. Anong trip ng babaeng 'to?
"Puro bato lang naman ang nandoon Elisa," ani ni Ate Caleb. Tumango ako sa sinabi niya.
"I'm scared to go na!" Maarteng sambit ni Calil. Halata naman sa mukha niyang maarte siya. Sa kanilang lahat, siya ang laging naka make up. Hindi man lang umaalis ng hindi nag aayos. Ganon siya kaarte. Tingnan mo siya ngayon, suot ang light blue na two piece swimsuit na may cover up, and pagkakapal kapal na kilay, and dark red na lipstick. Bumagay naman sa kaniya dahil maputi siya.
Pero mukha ka pa ring clown. Ulul!
"Ang arte mo!" Singhal ko. Ikaw na ang pinaka maarteng clown na nakilala ko!
"My skin is very sensitive! Baka magkasugat ako doon! I'm gonna stay here na lang," Huminto pa siya sa paglalakad. Anak ka ng tipaklong! Lalo kaming tatagal nito!
"Shut your mouth Calil, kung ayaw mo sumama edi sana kanina ka pa nagpaiwan," I told her.
"Eh I thought na pupunta tayo somewhere with boys! Wala ngang boys dito oh! Puro daddy! Huhu," Umarte pa siyang umiiyak. Nakalimutan ko ring sabihin ma sa kanilang lahat, siya ang pinakapatay na patay sa lalaki. Hindi naman niya jinojowa. Fling, fling lang.
Parang ako.
"Madaming boys doon! Kadalasang pinupuntahan iyon ng mga model! Kaya let's go!" Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko alam pero iba talaga ang epekto ng salitang model sa akin. Umaasang siya 'yon.
"Duh? Alagang Jo Malone kaya skin ko!" Maarteng sabi niya. Dumaldal pa siya ng kung ano ano kaya tinakbuhan na namin siya. Nagmamadali kaming lahat para hindi niya kami mahabol.
"Hey! Guys! Wait for me!" Pagtawag niya sa amin.
Tinatawanan na lang namin siya. Pero dahil napagod rin kami, huminto na rin kami at itinuloy ang pagtawa.
"I hate you!" Inis niyang sabi at inirapan kaming lahat. Tanginang mata yan parang trumpo ikot nang ikot.
"Oh! Andito na pala tayo oh! See!" Masiglang sabi ni Eli. Well totoo nga, madami na ring bato dito kaya napahinto kami. It's actually beautiful maraming rock formations, hindi katakatakang dinadalaw ng mga modelo 'to.
"Omg! Buti na lang we ran!" Calil said. Gwapo lang naman ang habol nito ang dami pang sinasabi. Buti na lang gwapo ang pinsan niyang si Zach.
Naglakad pa kami at lumapit sa maraming tao. Totoo ngang maraming model dito. Paglapit pa lamang namin ay sandamakmak na camera na ang tumambad sa amin.