Chapter 6

11 4 0
                                    

Elisa Annary Watson







Ilang minuto rin siguro bago may nagsalita ulit sa amin. Hindi namin alam kung ano ang nangyayari. Sino yung lalaking 'yon? Anong kailangan niya kay Calil?




"Ate, sino 'yon?" Kuya RD asked. Kitang kita na seryoso siya.




"Boyfriend kaya 'yon ni Ate?" Gale asked. 'Yon rin ang hula ko. Napaisip rin ako. Kung totoo nga, bakit niya itatago sa amin?




"I don't know," Mahinang sagot ni Ate Caleb. Siguro pati siya naguguluhan rin. Siya mismong kapatid ay hindi man lang alam kung sino ang lalaking 'yon.



Nakita ko namang umahon si Zach, sinundan ko siya ng tingin at tinanong siya.




"Where are you going? Aalis ka na naman? Makikipagkita ka na naman sa kaniya?" Hindi ko maiwasang itanong ang mga 'yon. Lalo na ang panghuli. Nadadala ako ng emosyon ko. Hindi ako makapaniwalang may mga tinatago sila sa amin.




Inis niya lang akong tinitigan. "Susundan ko si Calil, pababalikin ko siya dito."




Sa sinabi niya, lahat kami napaahon. Hindi na nga namin sinuot ang mga cover up namin pati tsinelas namin. Nakakahiya pero buti na lang busy ang lahat ng tao dito.




Papasok na dapat siya sa restaurant pero pinigilan siya ni Ate Caleb. Tinuro niya sila Calil at ang lalaking kausap niya. Pareho silang umiiyak. Tangina niya? Bakit niya pinapaiyak ang pinsan ko?!




"Let them talk, mukha namang may respeto yung guy and it looks like sobrang seryoso ng pinag uusapan nila," Ate Caleb suggested. Tinanguan na lang namin siya. Naghanap kami ng mauupuan na malapit sa kanila. Kailangan naming mapanood ang ginagawa nila, baka kung anong gawin ng tarantadong 'to.



"Why are they crying? Who is he kaya? And ano ang pinag uusapan nila?" Gale asked.




"I don't care about that, ang real deal dito is why did she hide it from us?" I said. Kahit anong bagay pa 'yan. Kailangan naming malaman. Para saan pa't ganito kami kaclose?




"Because you're not suppose to say everything to someone," Zach answered cooly. What? Seryoso ba siya? Palibhasa siya rin maraming sikreto.




"Except to your cousins," I said. Totoo naman. Mula bata pa kami magkakasama na kami. We promised that we will not keep secrets from each other. But now? What's happening?




"Some are just very personal. It is very hard to open up something knowing that it is very private," Private? Private his face!




"Promise not to keep secrets from each other, huh? Nice joke couz," I said rolling my eyes. Whether it's private or personal we deeply respect that. Pero the fact that tinago mo 'yon? Na kinaya mo yon na hindi man lang kinekwento sa amin? You're selfish.




"What's wrong with you two? Is there something wrong between you and you?" Tinuro kami parehas ni Gale. "You can't just argue like that. You cousins for pete's sake!" She exclaimed.




"What's with secrets huh?" Ate Caleb asked. Mukang napansin niya na malalim ang pinaghuhugutan namin non.



Dahil may respeto pa ako sa pinsan kong 'to pinili ko na lang manahimik. Tumitig na lang ako kela Calil. They are still crying. Pero nabawasan na. Malaman ko lang sinaktan ng lalaking 'to si Calil, mapuputulan siya ng isang daliri.




Pinanood na lang namin silang mag iyakan pa ulit. Ang bigat sa pakiramdam na makita ang pinsan mong umiiyak sa hindi mo alam na dahilan. Pakiramdam ko, isa na ako sa mga walang kwentang tao sa mundo.




Perfect StormWhere stories live. Discover now