Chapter 12

10 0 0
                                    

Amyrah Gale Watson




"Excuse me? You're standing on my way Miss," sabi ng lalaking kaharap ko ngayon. Agad akong nahiya sa sinabi niya at gumilid. Nilagpasan niya lang ako na parang naiinis. Dahil sa hiya, tumakbo ako pabalik sa c.r at tumitig sa salamin.




"Ang tanga mo Amyrah! Ang tanga tanga mo!" Mahina kong sabi sa sarili ko dahil baka may makarinig sa akin.




"Nagpapaniwala ka sa stalker na 'yon! Damn you!" Sinabunutan ko pa ang sarili ko. Ngayon, mukha na akong halimaw sa ginawa ko. Gulong gulo na ang buhok ko. Binuksan ko naman ang phone ko at nagchat sa Cardo Dalisay na 'to. Fuck him.



Amyrah Gale: I swear to God, I will kill you! Huwag na huwag ka magpapakilala sa akin asshole!



Inis akong nagtype at pinindot ang send. Inis na inis ako sa kaniya, pati sa sarili ko. Nakakahiya 'yon ang ganda naman pala ng unang araw ko dito sa university na 'to. Pinatay ko ang phone ko at niblock ang Cardo Dalisay na 'yon.




Nagsuklay ako at inayos ang magulo kong buhok. Naglagay pa ako ng hair pin na color bronze para umayos man lang ang itsura ko kahit naiinis talaga ako. Nag retouch pa ako at ngumiti ulit para malift up ang nararamdaman ko. Nanggagalaiti talaga ako sa lalaking 'yon. Nagawa pa akong sundan dito sa campus.




Alexa and Anjelaine messaged me na andoon na daw sila sa parking at naghihintay. Kaya dumeretso na ako doon at dumaan lang sa cafeteria at bumili ng donuts for them. Baka kanina pa sila naghihintay doon.




Pagkadating ko, as usual bunganga na naman ni Alexa ang una kong narinig.




"Bruha ka! Ang tagal mo ha! Ang init kaya dito!" Reklamo niya habang nagpaypay. Si Anjelaine naman ay abala sa binabasa niya.



"Let's go," Tahimik kong sabi at nagsimulang magdrive.



"Saan tayo?" I asked them.



"Ano ba malapit dito?" Anjelaine asked back. Alexa was so busy browsing her twitter account.



"Robinsons Manila na lang kaya?" I suggested. Okay naman doon may H&M at Uniqlo! Nandoon rin ang favorite kong restaurant. Pumayag naman sila pareho kaya doon na ang deretso namin.



"Hoy loko! Remember Hailey? Yung tinatarayan ako?" Alexa asked still looking at her phone.



"Oh ano meron? Patay na?" I joked. Hate na hate niya si Hailey dahil lagi siyang tinatarayan kahit wala namang ginagawa.



Hindi naman taga-Calvary ang babaeng 'yon pero tuwing may mga contest, laging kalaban ng Calvary ang Houston kung saan siya nag aaral. Kaya tuwing may volleyball game, at kapag sila ang magkalaban, hindi na nga yata sila naglalaro kundi nagtatarayan na lang.



"Ang sama!" Anjelaine hissed.



"Sana nga eh, kaso mabait ako," Alexa said.




"Ano meron?" I asked.



"Break na si Hailey pati yung boyfriend niya! Buti nga! Ang pangit pangit kasi ng ugali! Yuck!" Sabi niya na animoy diring diri.



"Really? Bakit daw?" Anjelaine butt in.



"Aba'y ewan ko! Basta break na sila!"



"How did you know?" I asked her.



Sa pagkakaalam ko kasi si Hailey ay hindi mahilig magkalat sa mga social media accounts niya maliban sa instagram. Napakadami niyang posts doon, tuloy si Alexa ay nahihilig sa pagpapapicture para daw may maipost sa instagram.



Perfect StormWhere stories live. Discover now