Amyrah Gale Watson
Ospital?! May ospital siya? Naguguluhan ako kaya nagreply ulit ako sa sinabi niya.
Amyrah Gale: Excuse me?
Cardo Dalisay: You're excused, Miss Watson.
This guy is getting into my nerves! Hindi siya matinong kausap! Sino ba kasi 'to?! Wala naman akong pakialam sa hospital niya! Kaya kong magbayad sa mga mamahaling hospital kaya wala akong interes sa hospital nila!
Dahil sa inis ko, sineen ko na lang 'yon at niblock siya. Wala akong matinong sagot na nakukuha sa kaniya kaya hindi ko na kayang makipag usap pa sa kaniya. Pinatay ko ang phone ko at sinasaksak ulit 'yon at binitawan. Pinagpatuloy ko na lang ang panonood.
Nang matapos ko ang movie, nakatulog agad ako. Dinalaw ako agad ng antok kaya mabilis akong nakatulog. Pagkagising ko, 9 p.m na. Bumaba agad ako dahil kumakalam na ang tyan ko. Hindi na ako nag abalang yayain pang kumain sila Mommy at Daddy dahil alam kong tapos na silang mag dinner. Baka hindi na nila ako ginising dahil nga pagod ako sa byahe.
Pagdating ko sa kusina, pinaghanda naman ako ng makakain ng mga kasama namin dito sa bahay. They gave me rice, and my favorite steak!
"Thank you," sabi ko at nagsimula nang kumain.
"Ah Ma'am, pinapasabi po pala ng Mommy niyo na may emergency meeting sila ng Daddy niyo kaya hindi po sila makakauwi ngayong gabi," sabi ni Ate Fema, kasambahay namin. Tinanguan ko na lang siya at tinapos ang pagkain.
Hindi naman bago sa akin ang mga ganitong sitwasyon. Minsan nga halos isang linggo ko silang hindi nakikita dahil sobrang busy nila. May meeting dito, may meeting doon. Kaya iniintindi ko na lang sila, naibibigay naman nila ang mga kailangan ko kahit wala sila kaya okay na ako doon.
Pagbalik ko sa kwarto, nagfacetime lang kami nila Anjelaine at Alexa dahil parepareho kaming bored.
"Nag enroll na kayo?" I asked them. Actually, lahat kami ay pumasa sa La Salle. Alam kong sawa na rin sila sa Calvary.
"Hindi pa nga! Hindi niyo pa naman sinasabi kung saan tayo mag eenroll!" Singhal ni Alexa. 'Yun kasi ang promise namin sa isa't-isa. Kung saan mag aaral ang isa, doon rin ang dalawa. Sinusuportahan naman kami ng mga parents namin doon kaya okay lang.
"Gusto nga ni Mommy mag Brent ako! Kaso sabi ko sobrang layo non!" Anjelaine said.
"Kung saan maraming pogi, doon ako ha!" Sabi ni Alexa.
"So saan tayo? Malapit na magpasukan mga loko!" I said.
"Ikaw ba? Saan ka ba? Please tama na sa Calvary! Wala namang pogi doon!" Reklamo ni Alexa. Totoong nakakasawa na kasi.
"La Salle?" I said. Napatahimik naman sila at agad na tumango.
"Pwede pwede! Kailan ba enrollment?" Anjelaine asked. Sinearch ko naman agad kung kailan at nakita kong May 20.
"May 20 daw ang start, g kayo?" I asked them. Baka mamaya kasi may mga outings pa rin sila since summer.
"G ako!" Anjelaine said.
"Pag may pogi, G ako!" Napatawa naman ako sa sinabi ni Alexa, kahit kailan puro pogi lang nasa isip niya.
"Gaga! Sure na 'yon no!" Anjelaine said.