Chapter 9

9 3 0
                                    

Zaccheus Emmanuel Watson




Pagkatapos niya sabihin iyon ay biglang lumabas naman sa kung saan si Blaire at bigla akong hinila papunta sa restaurant ng hotel. Habang hinihila niya ko, kinukuha ko naman ang phone ko pero malas na lang nang mahulog ito.



"Fuck!" I hissed.



"Oh my! Ate! Did you hear that?! Kuya Pogi said a bad word!" Binitawan niya ako at bumaling sa Ate niya. Hindi naman siya pinansin ng Ate niya dahil busy sa kakausap sa mga staff niya.



"You're bad Kuya Pogi! My Ate will get mad!" She said, looking at me habang nakakrus ulit ang kaniyang mga kamay sa dibdib.




"I'm sorry Blaire, please wag mong gagawin 'yon ha?" I raised my pinky finger to make a promise.



"Yes Kuya Pogi! Promise!" She said, interlocking her small finger with mine.



Tinawag na kami ni Manang papunta sa table kaya sumunod kami sa kaniya. Ang daming nakahanda sa table. May lechon, liempo, inihaw na bangus, adobo at marami pang iba. Lahat ay filipino foods. Kasi paborito niya ang lahat ng ito.



Umupo ako sa tabi ni Anastaishia at sa harap namin si Manang at Blaire. Hindi ko maiwasang kabahan sa nangyayari. Ilang taon rin nang huli kaming magkatabi sa hapagkainan.



Habang kumakain, dumaldal lang nang dumaldal si Blaire kaya nawiwili kami. Pinapasalamat ko 'yon dahil baka kainin na lang ako ng hiya kung hindi siya nagsasalita. Nagkwento siya tungkol sa mga laruan niya, sa mga kaklase niya, sa mga yaya niya at sa kung ano ano pa. Pero isa lang ang kumuha ng atensyon ko.



"That's not the end of my story Kuya Pogi! I remember my Ate having a boyfriend before!" Sa narinig ko, napainom ako ng tubig ng wala sa oras. Tila kinakabahan.




"Hmm, I'm not sure if boyfriend niya 'yon eh! But one thing is for sure I'm going to punch that man's face!" Sabi niya habang puno ang bibig.




"Manners, Blaire," Anastaishia said. Pero binalewala lang 'yon ng kapatid at tinuloy ang kwento.




"Everytime Ate will visit me in my room, I always see her wiping her tears," malungkot na aniya. Hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi niya.



"I will never forgive him! He is bad! He made my Ate cry! " Galit na sabi niya. Pinilit kong ngumiti upang masakyan ang kwento niya. Ayaw kong makita niya akong natatamaan sa mga sinasabi niya. Watson kaya ako!



"Manang, dalhin mo na sa taas si Blaire please," marahang sabi ni Anastaishia. Agad namang sumunod si Manang at pinagpaalam na rin sa akin si Blaire at deretsong umakyat.



"Sorry about her. She really wants to make her own stories sometimes," natatawang aniya.



"Kids don't lie," simple kong sabi.



"She's just making her own stories, maniwala ka," she said.



"Maniwala sa'yo or sa kaniya?"




"You know what? Stop asking just eat." Masungit niyang sabi.




Tinuloy ko na ang pagkain tulad ng sinabi niya. Napakasarap ng mga pagkain nila dito. Parang mas gugustuhin ko pang kumain dito kesa doon sa hotel namin. Hindi maganda ang lasa! Baka dahil sa discount 'yon. Nang matapos kaming kumain, bumaling siya sa akin.



"I'm sorry about Blaire," she apologized.



"That's fine," I smiled.



Perfect StormWhere stories live. Discover now