Calilah Antonette Xavier
"Ate Calil! He's looking for you!" Inosenteng sabi ni Gale. Bigla akong nanlamig. Hindi ko alam kung ano ang sadya niya dito. 'Wag naman niya sana akong kausapin tungkol sa nangyari sa kagabi.
Umahon ako at kinuha yung bathrobe sa gilid ng pool. Habang sinusuot ko ito, ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mga pinsan ko. Hindi rin ako nakaligtas sa paraan ng pagtitig nila sa akin. Para bang madaming tanong ang mga mata nila ngayon.
Sorry guys, I kept it.
Nginitian ko na lang sila bago lumabas ng gate. Ano na naman kaya ang sadya niya? Paiiyakin niya na naman ba ako? Nang makalapit ako sa kaniya, nagsalita naman kagad siya.
"I'm sorry for last night," Tinanguan ko na lang siya. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kaniya. Sa totoo lang, hindi ko alam ang rason kung bakit niya ginawa 'yon. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.
"Uh, I think we need a drink? Doon na lang tayo," Turo niya sa isang restaurant. Tumango na lang ulit ako.
Iniwan niya akong tumatango, pumunta siya sa mga pinsan ko para magpaalam. Nakakamiss.
"I'm sorry but can I borrow Calil for a while?" He asked. There, ayan na naman siya. Ang mga sweet gestures niya kaya nafall ako. Damn it.
I heard a yes from my cousins. Well wala naman na silang magagawa, nasa labas na ako. Inaya niya ako pumasok ng restaurant at nag order ng mango shake.
We used to drink mango shake together before. This was our favorite drink. Well, ako hanggang ngayon. Hindi ako sigurado kung pati siya. It hurts, to be honest.
Noon, we used to play with the sand. We used to play under the rain. We used to play his favorite online game. We used to play his dog. We used to play with everything before.
He used to believe that those things are just used to be played off. Ngayon, he believes that pati siya pinaglalaruan na. Ang mas masakit, I was the one hurting him. Ako ang dahilan ng sakit ng nararamdaman niya.
Natigilan ako sa mga iniisip ko ng mapansing nakatitig lang siya sa akin. I can see his eyes that are full of pain. I feel sorry for him. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya.
I gave him a small smile. 'Yun na lang ang maibibigay ko sa kaniya. I can't talk. Parang may nabubuo sa lalamunan ko. Nangingilid na rin ang mga luha ko.
Pero mukhang hindi niya na mapigilan ang mga luha niya. I saw him with those tears. Again. And it is all because of me.
"I believed you," he whispered. That.. those words made me cry. Tumulo ang mga luha ko. Hindi ko inaasahan 'yon na manggagaling sa kaniya.
"Yeah, it hurts a lot. Knowing that my girlfriend kissed a fucking guy. Another guy. Another guy, hindi ako." Pahina nang pahina ang mga sinasabi niya. Lalong bumigat ang pakiramdam ko.
"I know that I was very busy back then. Kailangan ako ng pamilya ko. Nag aagaw buhay ang nanay ko non, Calil. Did you know that? I was very busy finding a fucking job. To pay our bills, to pay the hospital bills. To save money for your dream date. To buy that necklace for you. Tangina. Sa sobrang busy ko, nakipaghalikan na lang yung babaeng mahal na mahal ko," he said crying. It makes me cry even more.
Hindi ko alam ang lahat ng sinasabi niya. Iba ang alam ko sa alam niya.
"I'm sorry," 'Yon lang ang tanging nasabi ko.