Chapter 3

10 4 0
                                    

Ren Dale Watson


Nandito na kami ngayon sa suit na binook ni ate. Hinihintay ko na lang matapos mag shower si Eli dahil ako ang susunod sa kaniya. Si Ate Caleb ay kausap ang bestfriend niya, si Calil at Gale ay kumakain ng chocolates habang nanonood ng kdrama. Yung kapatid ko naman hindi ko malaman saan nagpunta.

"Eli! Ang tagal tagal mo! Ano pa ba ang ginagawa mo jan?! Baka paglabas mo jan may anak ka na!" I shouted.

"Bwiset ka! Ang o.a mo! Eto na palabas na!" At lumabas na nga siya. Bakit ba kasi ganitong kwarto ang binook ni Ate. Ang daming pera ganito lang. Discounted pa, cheap.

Pagkatapos ko maligo, bumaba na kami para mag dinner. Ang daming seafoods! Tuwang tuwa si Gale, favorite niya kasi.

Paupo pa lang kami nang mapansin kong wala pa rin si Zach.

"Nakita niyo si Zach?" Tanong ko. Baka nakabuntis na 'yon don! Anak ng tipaklong uunahan ako!

"No, he's, uh I don't know, basta kanina para siyang may hinahanap," Gale said.

"I agree, kanina I saw him talking with Sean sa phone. Mukhang may hinahanap nga," Calil said.

"Hmm, baka may nakitang sexy," Eli added.

"Baka nakita ulit ang baby Anastaishia niya," Ate Caleb said.

Napatawa na lang ako doon. 'Wag naman sana. Nakapag move on na ang kapatid ko. 'Wag naman niya sanang sirain pa ulit ang kapatid ko.

After we eat, nag aya si Calil at Eli na mag disco. Every night daw may disco daw kasi dito. Sumama na lang kaming lahat sa kanila. Baka kung ano pa ang mangyari malalagot pa kami.

Sa may beach gaganapin yung disco so talagang patok daw ito dito. Pagdating namin, umupo na muna kami. Bigla na lang umilaw ng iba't-ibang kulay at nagpatugtog ng pagkalakas lakas na musika. Tumayo na si Cali at Eli, hinatak naman nila pareho si Ate Caleb pati si Gale. Ako, dito na lang ako, ayaw ko madikitan ng germs.

Habang nagsasayaw ang mga tao nagulat ako nang may kumalabit sa akin. Lumingon ako and I saw a girl.

"Why are you alone?" Malanding tanong niya. Hinawakan niya ko sa balikat. Agad ko namang tinanggal iyon doon.

"Excuse me," I said. Pero sadya yatang mahigpit ang kapit ng babaeng ito. Habang tinatanggal ko ang mga braso niya sa bewang ko ay bigla siyang nagsuka!

"Fuck!" I hissed.

"I love you, I love you please come back to me," napatitig ako sa babaeng 'to. Sira ba 'to?! Wala pa akong girlfriend since birth! Never been touched pa ako!

"Miss, umalis ka na! Look sinukahan mo pa ako! Fucker!" Inis na sabi ko.

Nagtawag ako ng staff para mailayo sa akin ang babaeng iyon. Bumalik naman ako sa kwarto namin para makapagbihis. Lokong babae 'yon! Pasalamat siya babae siya at maganda kung hindi binigwasan ko na siya.

Bumalik ako kagad, ayaw kong malaman nila yung nangyari kasi paniguradong aasarin ako ng mga yon. Bumalik ako sa table, at nanghingi ng maiinom.

"Kuya! Kuya!" I saw Gale running towards my direction.

"Hmm? Where are the others?" I asked.

"Uh, nagsasaya hahaha! Ang saya pala ng ganito! Bakit ayaw mo sumama?"

"I have no time for dancing, Princess," I said.

"Hmp! Kill joy! By the way, the reason why I'm here is that I saw Kuya Zach! Yes si Kuya Zach!" She said shouting, malakas kasi yung music.

"Huh? Where?"

"I don't know umalis kasi kagad sila. Basta he's with a girl!" Tangina! Iyan na nga ba ang sinasabi ko! Mauunahan niya akong magkapamilya! Mas konti ang mamanahin ko! Hindi ako papayag nito!

Sinamahan ko si Gale pumunta kela Ate Caleb. Kinausap ko si Ate Caleb na hahanapin ko lang si Zach kaya wag sila lumayo.

Umalis na kagad ako at hinanap siya. Naikot ko na yata ang buong hotel pero wala naman. Baka gumagawa na ng bata 'yon!

Jusmeyo! Pasensiya na sa magiging anak ko maghihirap tayo!

Bumalik na lang ako sa may beach at hinintay sila Ate Caleb na lapitan ako. Pero mukha yatang malabo yon dahil dalawang oras na ang nakakaraan pero mukhang nag eenjoy pa sila. Wala na akong ginawa at naghintay na lang.

Alas dos na ng madaling araw kaya wala akong choice kundi ayain sila umuwi. Sumunod naman sila kagad sa amin. Ang masama don, hindi kami kumpleto. Nawawala si Calil! Asan na naman ba 'yon?!

"What the fuck?! Saan na naman yon nagpupupunta!" Patay talaga yung bata yun sa akin. Kay Zach may tiwala pa ako, lalaki siya kaya kahit anong mangyari walang mawawala sa kaniya. Pero kay Calil? Meron!

"Tinawagan na namin siya Kuya eh, she's not answering. Pinatay pa nga yung phone niya," Eli said.

"Hintayin na lang natin siya sa room. For sure babalik naman 'yon, we need to take a rest," Ate Caleb suggested.

Tumango na lang ako sa kanila. Sinamahan ko sila pabalik ng kwarto, pero lumabas ulit ako para hanapin si Calil.

Pagkababa ko galing sa elevator, I saw Calil sitting. Nandoon siya sa lounge. Mukhang may hinihintay. Nilapitan ko siya.

"Let's go," mahinahong sabi ko. Naaamoy ko ang alak sa kaniya.

"No! No! You'll not believe what I just saw! I saw Zach! With a girl! Too bad na nakatalikod yung girl! 'Di ko siya nakilala!" She said. Mukha siyang lasing.

"That's enough, bakit ka uminom? Hindi naman uminom sila Eli," I said habang tinutulungan siyang tumayo.

"Eh I was with a guy kaya!" She said

Inakay ko na siya patayo, sumakay na kami sa elevator. Ang ingay ingay niya! Kanta siya nang kanta ng mga kdrama ost! Fuck, nakakarita! Natatakot pa ako at baka sumuka siya.

Nakalabas na kami ng elevator at kakatok na sana ako nang may marinig pa ako sa kaniya.

"I am about to kiss him nga! Kaso someone punched him!" She added.


🦋

Perfect StormWhere stories live. Discover now