Zaccheus Emmanuel Watson
"Gale! What brought you here? I thought you're on leave?" She asked. Ang tingin ay natuon kay Gale.
Hindi niya ba talaga ako kayang tapunan man lang ng tingin?
"Oh, I'm sorry if this is trespassing. We we're having our vacation. We're also watching the models earlier. Until people saw me, so Ate Ellen brought us here," magiliw niyang sabi.
"I see, how are you guys? How's your vacation?" She asked, while looking at us, smiling. Tinititigan ko lang siya. Napangiti ako nang makitang tunay ang ngiti niya.
Atleast I can saw her smile once again. I'm happy for her.
"We're fine. We're fine. Nice to see you here," Kaswal na sabi ni Ate Caleb. Siya lang ang nagsalita dahil halata sa mukha ng mga pinsan ko na hindi sila natutuwang makita siya dito.
"I need to go guys, just call my staff if you need anything. Have fun," sabi niya 'yon habang nagmamadali. Mukha siyang excited.
"Geez, we need to go out here! Let's go back! I don't want the atmosphere here!" Calil said.
"Lower down your voice Ate, the staff can hear you. Nakakahiya," Nahihiyang sambit ni Gale. Ang paningin ay nasa staff na kumakaway habang nakangiti.
"I'm sorry. I don't know that-," Eli apologized.
"No it's okay. I am totally fine. Wala namang rason para hindi maging okay," I cut her off. Totoong okay lang ako. Ngayon. Hindi ko lang alam sa mga susunod.
"Balik na lang tayo, inaantok na ako," sabi ni Kuya.
Tumayo naman si Gale at nagpaalam sa staff ni Anastaishia. Medyo natagalan pa siya kasi maraming employees ang nagpapicture sa kaniya. Buti na lang ay magiging mabilis ang pagbalik namin sa hotel. Nag offer kasi ng golf cart ang hotel kaya tinanggap naman namin. Ayaw na namin maglakad ng pagkalayo layo.
"May golf cart naman pala na pwede maghatid! Bakit hindi mo 'yon naisip kanina Ate?" Naiiritang tanong ni Calil kay Eli.
"I don't know okay? Hindi ko alam! Just shut up!" Singhal ni Eli.
Buong byahe ay tahimik lang ako. Hindi matanggal sa isip ko na nakita ko siya dito. Hindi ako makapaniwala. Ang tanging alam ko ay nagulat ako nang bigla siyang magpapakita sa akin matapos ang dalawang taon.
Nagpahinga lang kami saglit, dahil pagod sa byahe pati maglakad ng napakalayo. Kararating lang namin dito sa Coron, tapos ito bungad nito sa akin. Ang saya.
Naligo silang lahat at nagpahinga, pero ako pinili kong lumabas at tawagan si Sean. Gusto kong malaman niya na nagkita kami ni Anastaishia. Pero alam ko kung gaano kadaldal 'yon kaya pinili ko na lang itago 'yon.
"Hey bro, ba't ka napatawag? Miss mo na ako kagad? Anak ng pucha kakakita lang natin nung debut ah!" Bungad niya sa akin. "Gago ano? Nababakla ka na ba? Pwede naman yata siguro si Sam sa'yo? Pogi na 'yon pre! Balita ko di 'yon straight eh, bagay kayo!"
"Shut your mouth. I hate it, uh may tatanong lang sana ako," Kamot ulo kong sabi.
"Ano ba 'yon pre? Kung may awoj nako, sorry bro wala pa, wala ka pang maaagaw."