CHAPTER 22

1.4K 61 0
                                    

Shaira Denize POV

"Teka naman Jhared! Kanina ka pa hila ng hila ah" maktol ko

Pano ba naman kasi kakaupo palang namin maghihila nanaman sya. Nakakainis sapukin ko kaya to kahit minsan lang.

"Ow I'm Sorry" binitawan nya na ang kamay ko. Nagkabakas tuloy yung kamay nya sa palad ko sa sobrang higpit ba naman.

Hindi na kami nag usap nun. Lumuob kami ulit sa Mall at naglakad lakad ulit. Hindi ko alam kung saan papatungo. Kaya hinila ko si Sir at nagtanong.

'Teka teka! Saan ba tayo pupunta Jhared at paikot ikot tayo dito sa Mall?" kunot noo kong sabi.

Nakita ko naman sa mukha ni Sir na naasar na sya. Kanina pa kasi sya palinga linga na parang may hinahanap.

"SAAN BA BANDA ANG SINE DITO?" napanganga naman ako sa sinabi nya. Gusto ko syang kutisin ngayon sa sinabi nya

Anak ng kalabaw naman oh.  SINE ANG NAIS! Sa tanda nyang yan di nya pa alam kung saan ang Sine? Edi sana nagtanong sya para hindi kami paikot ikot dito. Pingutin ko kaya to.

"Pft-- Sine lang Jhared? Jusko pasapok nga kahit isa lang" tawa tawa kong sabi "Duon sa 2nd Floor ang Sinehan." sabay turo sa 2nd Floor.

Paranang nahihiya syang tumingin sa tinuro ko. Naglakad ulit sya kaya sinundan ko sya. Pumunta na kami sa 2nd Floor. Huminto lang ako sa may tapat ng Sinehan baka may ka date jan Si Jhared baka makaistorbo ako. Lumapit sya sa bilihan ng tickets at bumili din sya ng pop corn. Nilinga linga ko nalang ang ulo ko sakaling may mapusuan ako na mabili. Nang wala akong makita ay tumingin ako ulit sakanya. Pagkatapos nyang kunin ay tinignan nya ako ng naka kunot ang nuo at kinawayan niya ako.

Tinuro ko naman ang sarili ko parang sinisiguradong ako ang tinatawag. Naiinis naman syang lumapit saakin.

"Stupid!" pagkalapit nya saakin. "Ikaw ang tinatawag ko. Sino bang kasama ko ah Aishh!" napapikit naman sya sa inis.

"Wala ka naman kasing sinasabi ah" umirap ako sakanya.

Naiinis nya akong hinila paloob sa Sinehan. Buti nalang ay maguumpisa palang ang panoon kaya sakto ay may bakante pang dalawa malapit sa pinatatayuan namin ngayon kaya umupo na kami. Ang pinapanood namin ngayon ay ang The hows of Us nina kathryn Bernardo and Daniel Padilla Derected by Cathy Molina.

Sakto at gusto ko din panuodin to. Isa kasi ang kathniel sa paborito kong loveteam. Sa una ay maganda pa sya nakakakilig pa pero sa kalagitnaan ay nakakaiyak kaya sumisinghot singhot na ako dito. Mababaw lang kasi ang luha ko kaya madaling umiyak. Nakakainis kasi si Primo ih. Si Jhared naman ay kanina pa naiinis sa kakaiyak ko daw. Para daw akong bata. E sa nakakadala nga ang pagiyak ni George.

"Oh Panyo. Ang dungis dungis na ng mukha mo!" inis nyang sabi at pinunas sa mukha ko.

Napatingin naman ako sakanya at nagtugmA ang mga mata namin kaya umiwas ako ng tingin. Pagbaling ko ay nilalagyan na ni George ng Tape ang bahay nila. Nakaka awa lang si George. Pano kaya kung ako si George at si Primo si Jhared? Makakaya ko kayang maging ganiyan katapang? Siguro nasiraan na ako ng bait. Umiling iling ako sa mga iniisip ko. Hindi naman mangyayari saamin yun.

Sa kasagsagan ng eksena ay medyo nilalamig na ako kaya hinaplos haplos ko na ang kamay ko dahil nilalamig ako. Tinignan ko naman si Jhared nA seryosong nanunuod kaya iniwas ko nalang ang tingin ko at nanuod na din habang yinayakap ang sarili dahil lamig na lamig na ako.

Habang nanunuod ako ay may naramdaman ako sa likod ko na may naka patong. Pagtingin ko ay Coat. Tinignan ko naman si Jhared na nakatingin din pala saakin. Namumula naman ako dahil ganitong ganito ang  napapanuod ko sa TV E.

"Napansin ko kasi na parang nilaalmig ka kaya nilagay ko yan" sabi nya.

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Napaka Gentelman naman ng boss ko hihi. Medyo naging comportable naman ako dahil hindi na ko nilalamig. Naamoy ko din ang scent nya dito sa Coat ang sarap amuyin pa ulit ulit nakaka adik. Tinuon ko nalang ulit ang paningin ko sa panunuod.

Natapos na ang Pinapanuod namin at mugtong mugto ang mata ko sa kakaiyak. Pano ba naman kasi nakakainis magkakabalikan din pala sila. Pina alis muna namin ang mga tao bago kami umalis din dahil siksikan.

"Mag Cr lang ako sandali" paalam ko pagkalabas namin. Tumango naman sya kaya umalis na ako.

Sakto at konti lang ang tao. Naghilamos na din ako at nag lagay ng Powder at lipstick. Nabura kasi dahil sa kakaiyak ko kanina. Pagkatapos kong maglagay ay umalis na din ako at nagtungo kung saan ko iniwan si Jhared. Nakita ko naman siyang nakatayo dun sa pinagiwan ko din.

"Saan punta natin nyan Sunod?" sabi ko habang papalapit.

Napabaling naman saakin ang tingin nya. Umayos na sya ng tayo at nilapitan din ako. Inalis ko na sa balikat ko ang Coat at inabot sakanya.

"Thank you nga pala sa pa coat mo." ngiti ko sakanya. Inabot nya naman at isinuot ulit. Medyo naamoy ko pa din ang pabango ni Jhared. Kumapit siguro sa damit ko ang pabango nya.

"order nalang tayo ng Pizza and sa bahay nalang natin kainin" sabi nya.

"Ow Sige. Sakto ng Cracrave ako Sa pizza today" ngiti kong sabi.

Naglakad na kami at nagpunta sa bilihan ng pizza at nag take out kami ng tatlo. Agad din namang nagawa at umalis na din kami sa Mall at nagpunta sa bahay nya. Napapansin ko puro Bahay at Mall lang ang pinupuntahan nya.

Pinark na niya ang kotse nya at sabay kaming pumasok. Nakita ko nama mn si Manang na nagwawalis kaya inaya ko siyang samahan kaming kumain kaso umayaw sya.

Umupo na ako sa Sofa at nilapag sa lamesa ang pizza. Kanina pa nasa kusina si Jhared kumukuha ng plato and Drinks namin pero kanina pa sya kumuha. Siguro di nya mabuhat lahat. Nagpasya akong sumunod sakanya at habang naglalakad ako papunta sa kusina ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit.

Nakita ko naman si Jhared na parang may kinukuha sa Ref siguro Drinks yun. Mabagal akong naglakad dahil gusto ko siyang gulatin pero. Napatigil ako dahil bigla siyang uminom at mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil nakita ko kung ano ang iniinom nya.

My Boss Is A Pervert Billionaire VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon