Chapter 28

1.2K 55 0
                                    

Chapter 28

Hanggang sa magumpisa na akong magtrabaho at iniisip ko pa din kung bakit ganun ang pakikitungo niya sa akin.

Hinihintay kong tawagin niya ako para utusan pero umabot ang lunch time ng hindi man ako nakakapasok sa opisina niya.

"Oh Shaira hindi ka pa kakain?" Tanong sa akin ni Danni.

"Ahh sandali lang tatanungin ko lang si sir Jhared kung anong gusto niya para sa lunch niya" gusto pa nya sanang umapela kaso tumango nalang siya sa sinabi ko.

Pumunta ako sa office niya at kumatok. Nang walang sumagot at pumasok na ako.

"Ahh si-" hindi ko na natuloy Ang sinasabi ko ng magsalita siya bigla.

"Leave!" Nagulat ako sa sinabi niya pero tinanong ko pa din siya.

"Lunch time na po kasi" sabi ko pa din kahit sa loob-loob ko ay gusto ko din siyang sigawan dahil tinatanong lang naman siya eh.

"I ALREADY TOLD YOU LEAVE!" nagulat ako sa pagtaas ng boses niya dahil ito ang unang beses niyang ginawa sa akin to.

"WHAT?" iritable niyang Sagot.

"Sorry po ahh. Sorry sir tinatanong ko lang po naman kung anong gusto niyong kainin. Sorry po ulit kung may problema kayo wag niyo kong idamay nagtatrabaho lang ako. Sorry po hindi na mauulit" pagkatapos kong sabihin yon at sinara ko na agad ang pinto.

"Ahh Danni sorry ikaw nalang muna ang maglunch di ako makakasabay" tuloy tuloy na sabi ko sa kanya.

"Are you okay?" Tumango nalang ako sakanya. At hindi na siya sinagot at nag deretso sa paglalakad

Mabilis akong nagpunta sa CR at doon umiyak alam kong medyo mababaw pero alam nyo yung feeling na sinigawan ka ng boss mo kahit Wala ka namang ginagawang masama! Hindi ko naman alam ang problema niya.

Pagkatapos kong umiyak ay Naghilamos ako ng mukha para naman di halatang umiyak ako. Ginawa ko nalang Ang trabaho ko para mawala sa isip ko ang nangyari kanina at successful naman ako dahil pagtingin ko sa orasan ay uwian na pero ang mga alaga ko sa tiyan ay hindi na kayang umabot sa bahay. Naalala kong hindi nga pala ako kumain kanina dahil nakakainis ang boss ko.

Naghihintay na ako ng taxi ng biglang may humintong kotse sa harap ko. At kung hindi ako nagkakamali ay isang Tao lang ang kilala kong may-ari niyan.

"Uhm Get in" hindi man siya nautal pero halata ang kaba sa kaniya habang sinasabi sa akin yun.

"You sure? You don't want to be alone?" Nakataas kilay kong sabi sa kanya akala niya ahh porket gwapo siya. Hindi ko parin nakakalimutan yung mga sinabi niya kanina

"Sorry for what happen earlier" kamot ulong sabi niya. Habang iniiwas ang mga mata niya saakin

"Fine" sabi ko at sumakay na sa front seat "Ano ba yan ang rupok mo self" sabi ko sa sarili ko.

"Did you say something?" O shocks narinig ba niya? Sisihin niyo mga kaibigan ko nahawa yata ako sa karupukan nila.

"Ahh Wala wala" iling-iling kong sabi.

Pagkatapos kong sabihin yon at hindi na ulit siya nagsalita. O GOSH! Spell awkward? K-A-M-I. Ano ba yan hindi ako sanay ng ganito!

"Were here" napatalon ako ng magsalita siya. Nangunot naman ang noo niya dahil dun. "Why?" ani nya ulit

"W-ala M-ay lamok lang" sabi ko.

Nakita ko naman na umangat yung gilid ng labi niya pero hindi ko nalang pinansin. Tinignan ko naman sa labas at nakita ko na nasa tapat kami ng Restaurant. Bumaling naman ako sakanya.

"Bakit tayo nandito?" taas kilay kong sabi. Tumingin naman siya saakin at ngumisi

"Alam ko kasi na nagugutom ka na kaya kita dinala dito " kumunot noo naman ako. Paano nya nalaman?

"Excuse Me. Hindi kaya ako nagu--"

Napaahawak ako tuloy sa tiyan ko dahil biglang tumunog. Tumingin ako sakanya at ang laki ng ngisi ng mokong.

"See? Wag ka ng mag Deny. Kaya lets Go. May Treats" sabi niya sabay baba ng kotse.

Bubuksan ko na sana kaso nauna siyang mag bukas kaya lumabas na ako. Buti nalang konti ang tao kaya mabilis kaming nakahanap ng upuan.

"Anong gusto mong kainin" sabi niya habang namimili ng pagkain sa Menu

"Kahit ano nalang hindi naman ako maarte Duh" pag susunngit ko. Hindi naman niya ako pinansin at nag order nalang siya nang kung ano ano.

Tinanong ko nga siya kung bakit ang dami dahil sangkatutak yung inorder niya parang may Fiesta pero sabi nalang niya na kumain nalang ako. Itatake out ko nalang ang sobra kaya hindi na ako umangal. Kumain nalang kami ng tahimik.

Nang matapos kaming magdinner ay hinatid niya na ako. Hindi pa man ako nakakapasok sa gate ng magsalita siya.

"Sorry for what happened earlier. It's my fault" it's my fault? Talaga namang kasalanan niya no siya nauna eh pero syempre di ko sinabi yun.

"Okay lang. Ano bang nangyare?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi siya nagsalita nanatiling nakatitig lang siya sa akin. Don't tell me? O GOSH

"Is it about Vampire?" Nagulat siya sa tanong ko pero agad ding nagiwas ng tingin. So tama nga ako.

"Can you promise me one thing?" Tanong niya sa akin bigla.

"What is it?" Kinakabahang tanong ko.

"Kahit anong mangyari ay sa akin ka lang makikinig na kahit anong sabihin ng iba ay magtitiwala ka pa din sa akin" eto yung first time na deretso siyang magtagalog pero hindi ko na Pinansin pa yun dahil sa sinabi niya.

"Because I can't lose you"

Huling sabi niya bago siya umalis. Naka tulala lang ako ng ilang minuto duon. Buti nalang ay tinawag ako ni Mama.

-------------------

Sorry guys at natagalan ang pag UUpdate ng story✌

My Boss Is A Pervert Billionaire VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon