Shaira Denize POV
Kumurap-kurap pa ako ng ilang beses para masiguro ngang tama ang nakikita ko umiinom siya ng...
DUGOOOO!?
"J-jhared?" Nauutal kong tawag sa kanya.
Nahulog Ang basong hawak niya ng tinawag ko siya. Nang humarap siya sa akin ay mas lalo pa akong nagulat ng Makita ko Ang kulay ng mata niya PULA! Pati ang mga labi nya ay may bahid ng dugo.
"S-shaira" nang banggitin niya Ang pangalan ko ay nagbalik na siya sa dati.
Akma siyang lalapit at hahawakan ako.
"H-huwag k-k-kang l-lalapit" utal-utal na sabi ko sa kanya at paatras ng paatras.
"L-let me explain" sabi niya pero Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Umiling-iling ako sa sinabi niya habang naginginig hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya napatakbo ako ng mabilis para makaalis na at makalayo sa kanya.
Tinawag pa niya ako pero Hindi na ako lumingon pa. Nakasalubong ko si manang.
"Ohh aalis ka na?"
Sa takot ko ay Hindi na ako nakapagpaalam pa sa kanya. Pagkalabas ko ay nagpara agad ako ng taxi.
Pagkarating ko sa bahay ay tulala pa din ako.
"Ohh anak anong nangyari at tulala ka diyan?" Tanong sa akin Ni Mama.
"Wala Ma! Akyat na po ako"
Pagkarating ko sa kwarto ko ay napaiyak nalang ako sa nangyari at nakita ko.
Totoo ang nakita ko. Isang bampira si Jhared. O MY GOSH!
Dahil sa kakaisip ko tungkol sa nalaman ko kanina ay nakatulog ako.
Kinabukasan ay nagising ako sa Malakas na katok na para bang masisira na Ang pintuan ng kwarto ko sa lakas.
"S-sino y-yan?" Nanginginig na tanong ko.
Pero wala pa ring sumasagot.
Naiiyak na ako sa takot at sa mga Naiisip ko. Unti-unting bumukas Ang kwarto ko at pumasok si Mama.
Nang Makita niya ako ay nag-aalala siyang lumapit sa akin.
"Anak ayos ka lang ba? May nangyari ba? Kagabi ka pa hindi lumalabas ah!" Sunod na sunod na tanong niya. Pero hindi ako sumagot at nanginginig pa din sa takot.
Nung naramdaman kong niyakap niya ako ay napahagulgol nalang ako sa iyak at takot.
Nandito ako sa harap ng YANSON COMPANY pero Hindi ko alam kung papasok ba ako o ano.
Kanina habang kumakain ako ay naisip kong magresign nalang dahil natatakot ako. Pero mas natatakot akong mawalan Trabaho
"Ohh maam Shaira nandyan na po pala kayo" nakangiting bungad sa akin ng security guard.
Nang makapasok ako ay nakita ako agad ni Danni kaya't nilapitan ako nito.
"Hey girl. Kanina ka pa hinihintay ni sir." Sabi nito kaya nanginig naman ako sa takot na tinignan siya pero hindi ko pinahalata sa kanya yun. Papatayin na ba niya ako?
"Huy" Hindi ko alam na natulala na naman pala ako. Shit sana hindi ako ganito sa harap niya.
"O-o s-ige pupuntahan ko pa si sir."
Habang nasa loob ako ng elevator ay nagdadasal ako. Gusto ko na sanang umatras pero naisip kong Hindi naman siguro niya ako papatayin dito dahil maraming tao.
Alam kaya nila Danni na bampira si Jhared? O ako palang ang nakaka alam? Jusko ano ba tong pinasok kooo!!
Nasa harap na ako ng opisina niya. Pero hindi pa ako pumapasok nagsimula na naman akong manginig sa takot ng unti-unti kong buksan Ang pinto.
Nang Makita ko siya ay halatang namomroblema siya. Nakagawa ako ng ingay kaya napatingin siya saakin. Napatigil siya sa ginagawa at tumingin sa mga mata ko.
Pero hindi pa siya nakakatayo at nakakapagsalita ng magsalita na ako.
"Sir pinapatawag nyo raw po ako" hindi ko alam kung saang lakas ako kumuha ng lakas para makapag salita.
Tumikhim naman siya at nag iwas ng tingin. Mas nakahinga naman ako ng maluwag sa pag iwas niya.
"Ah Yeah have a Sit." baritong sabi niya.
Lumapit naman ako sa lamesa niya at hinarap siya desidido na akong mag reresign. Inilapag ko na dun ang resignation Letter
Magsasalita pa dapat siya ay inunahan ko na."Don't worry Sir. Your Secret is Safe" magalang kong sabi.
Hindi ko na hinintay na magsalita at nag deretso na palabas. Kinuha ko lang ang bag ko at nagtatakbo paalis sa office. Pero habang paalis ako ay may humigit saakin at mabilis na pangyayari parang si flash na para akong nahihilo pinikit ko nalang ang mata ko.
Nang nawala na ang hilo ko ay minulat ko ang mata ko. Nagulat nalang ako ng si Jhared ang nakita ko. Pagbaling ko sa paligid ay hindi ko alam kung saang lugar to. Ang daming mga puno. Pano ako napunta dito? At bakit kasama ko nanaman siya?
"Ano ba bakit mo ko dinala dito?" kinakabang kong sabi
"I'm Sorry okey. But let me explain first" mahinahong sabi.
"Explain? Di pa nga sinabi ko kanina na hindi ko ipagsasabi ang sikreto mo. At kung dinala mo ako dito sa liblib na lugar na ito para kuhanin ang dugo ko. Parang awa mo na gusto ko pang mabuhay. Ayaw ko pang mamatay meron pa akong magulang na naghihintay saakin kaya parang awa mo na Wag na." hingal na hingal kong sabi.
"What the hell are you talking about?" pagalit na sabi "look alam kong wala kang ibang pagsasabihan ng sekreto ko dahil mapagkakatiwalaan kita. At hindi ko din kukuhanin ang dugo mo. Gusto ko lang mag explain sayo."
Jusmeyo! Kung panaginip lang to sana magising na ako. Nababaliw na ako.
"Ano pa ba kasi ang sasabihin mo? Alam ko naman na na bampira ang boss ko. Ano pa ba ang sasabihin mo" galit ko din na sabi
"I know but let me explain kung bakit ako naging ganito. Para hindi ka na matatakot saakin." mahinahon na niyang sabi.
"Sige i give you 5 minutes to explain" hamong kong sabi.
Tumikhim naman siya sa sinabi ko. Umupo naman ako sa may natumbang puno dahil kanina pa nangangatog ang mga tuhod ko. Para akong matutumba.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Pervert Billionaire Vampire
VampireIsa lang siyang ordenaryong babae. Maganda,Matalino,Mabait,Makulit at higit sa lahat Mapagmahal Pero isang araw. Nagtapat ng sekreto ang kaniyang BOSS " I have something to tell you. And I hope you will not be affraid" At Sinabing " I'm a Vampire" ...