CHAPTER 25

1.3K 57 0
                                    

Shaira Denize POV

Maaga akong nagising ngayon hindi ko alam kung bakit kaya napagisipan ko na magluto ng almusal namin since hindi pa naman gising si Mama. Naghilamos lang ako ng mukha at nagtoothbrush. Bumaba na ko sa kusina.

Hinanda ko na ang pwede kong lutuin. Ang lulutuin ko kasing almusal ay Fried Rice syempre that is my favorite tapos tuyo at itlog. Priprituhin ko nadin yung natira naming ulam na karne kagabi kaya medyo madami kaming almusal ngayon ni Mudra. Habang nag babatil ako ng itlog ay biglang umihip ng hangin. Tinignan ko kung naka bukas ba yung bintana namin kaso hindi naman. Saan kaya nanggaling yun? Nako Shaira Guni guni mo lang yun.

Bumalik na ako sa kusina at napatigil ako dahil may isang tao ang hindi ko inaasahan na nakaupo ka may harap ng pinag lulutuan ko. Lumapit ako duon at napasinghap dahil hindi pala tao kundi Bampira to. Pano nakapasok dito to?

"Pano ka nakapasok dito? At bat ang aga aga nandito ko" mahinang sabi ko dahil baka marinig ako ni Mama.

Ngumisi naman siya "Nakalimutan mo na agad? Isa akong Bampira diba?" Ngisi niyang sabi.

Oo nga pala isa siyang bampira. Siya siguro yun kung bakit umihip ng malakas na hangin kanina. Kala ko minumulto na ako. Kayang kaya niya palang pumasok ng bahay nang walang kahirap hirap.

Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ko na ang pagbabatil ng itlog. Pagkatapos kong batilin ay inumpisahan ko namang lutuin. Habang nagluluto naman ako ay binabalingan ko naman siya. Pagtitignan ko siya sa gilid ng mata ko ay nakikita ko naman na tutok na tutok siya sa pagluluto ko. Hindi ba siya marunong magluto?

"Oy Jhared" tumimgin naman siya saakin " Bat ka ba andito? Anong kaylangan mo" sabay taas ng kilay akala mo hindi ko siya boss HAHA.

"Wala lang. Maaga lang akong nagising" bagot niyang sabi.

"bakit kung maaga ka lang nagising? Aber at kailangan mo pang pumunta dito?"

Iniwas niya naman ang tingin niya pagkatapos kong magsalita. Hindi na ako nagsalita non at tinuon nalang sa pagluluto ang mata ko. Hindi na kami nagsalita hanggang sa matapos akong magluto. Kumuha ako ng tatlong plato. Pakainin ko na nga to baka magalit kung bakit hindi ko siya pinakain dito sa pamamahay namin. Baka maalis ako sa trabaho.

"Kumakain ka ba ng mga pagkain ng mga Tao?" tanong ko.

" Hmm" tungo niya. Kaya nilagyan ko na nang pagkain ang pinggan niya.

"Bat ikaw hindi ka pa kakain" kunot noong tanong niya.

"Nah! Mamaya na sasabayan ko nalang si Mama baka magtaka yun" paliwanag ko.

Hindi naman na siya umangal at nag umpisa na siyang kumain. Habang kumakain siya ay nililinisan ko naman na ang mga kalat sa pinag lutuan ko.

Ilang oras din siyang kumain at sa wakas ay natapos na niya din. Ang dami niyang kinain halos makalahati na niya ang niluto ko. Habang umiinom siya ay may narinig akong yabag. At alam ko na pababa na si Mama kaya mabilis kong nilapitan si jhared.

"Jhared anjan na si Mama. Dali umuwi ka na baka makita ka niya pa" problemado kong sabi.

"Sige kita nalang tayo sa Office" tumayo naman na siya.

Saktong paglabas niya sa Bintana ay saktong nakita ko si Mama. Nakahinga ako ng mabuti dun.

"Oh Anak bat ganiyan ang itsura mo para kang nakakita ng multo?" sabi ni Mama

"A-ah Wala Ma. May narinig lang akong kumalampag pusa pala yun kala ko kung ano" palusot ko.

"Nakaluto ka na pala. Ay bat nauna ka ng kumain" sabay tingin sa pinagkainan ni Jhared.

Ano ba naman yan. Ang daming tanong ni Mama. Pano ko to lulusutan. Anubanaman yan.

"A-ah hindi Ma. Pinag anuhan ko lang yan sa Pusa. Uhm Ano Uhm pinakain ko kasi yung pusa naaawa kasi ako. Yun Ma Yun yun" Palusot ko ulit

Sana hindi na magtanong ng magtanong si Mama. Baka mabuking pa kong nag sisinungaling E.

"Bat dika mapakali?" tanong nanaman niya.

"Ang dami mong tanong Mama. Umupo ka nalang jan at kumain" ani ko at pinaupo siya sa pinag upuan ni Jhared kanina.

Hindi naman na siya umangal at nagsandok narin ng pagkain niya. Nagsandok na rin ako ng pagkain ko at nagsimula ng kumain. Nagusap lang kami ni Mama habang kumakain. Nang matapos na ako ay umakyat na ako sa kuwarto ko at nagsimula ng maligo.

Mabilis lang akong naligo at nag patuyo lang nang buhok. At goro na akong pumasok sa opisina. Lumabas na ako at nagpaalam na kay Mama. Nagpara lang ako ng Taxi sa tabi tabi.

Pugpasok ko ay nakita ko si Danni malapit sa may Desk ko. Kaya pumunta ako dun.

"Good Morning Shaira" bati niya habang nilalapag ko ang bag ko.

"Good Morning din Sayo Danni" ngumiti namam ako sakanya.

"Pumasok na si Sir ngayon. At bat ka nga pala di kana bumalik kahapon ah" mapanukso niyang sabi.

"A-h Wala naman akong gagawin dito kaya dumeretso na akong umuwi" palusot ko.

Hanggang dito ba naman tanong parin. Nakaka embyerna ngayon ah. Puro palusot ako ngayong araw.

"Asus bat ka kinakabahan Ghorl. Ikaw ah HAHA" sabay sundot sa tagiliran ko.

Hindi ko na siya sinagot dahil baka kung saan pa patungo ang pag uusap namin. Kinuha ko na ang mga papeles na papapirmahan ko kay Jhared ngayong araw. Medyo madami dami din to kaya hanggang mas maaga pa dalhin ko na sakanya to.

"Sige punta lang ako sa loob at may papapirmahan" paalam ko. Andun nanaman ang mapanukso niyang tingin kaya hindi ko na siya pinansin at naglakad na patungo sa loob.

Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko naman siyang tumingin saakin kaya nag deretso na ako sa harap niya.

"Sir papapirmahan ko lang po ito sainyo" magalang kong sabi.

Nilapag ko naman yun sa side ng lamesa niya.

"May kailangan po ba kayo Sir?" tanong ko.

Tumingin naman siya saakin at umiling iling. Kaya umalis na ako duon at nagsimula na akong mag trabaho.

My Boss Is A Pervert Billionaire VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon