CHAPTER 24

1.4K 51 0
                                    

"Your 5 minutes starts now." Aniko na parang boss ni jhared, at inayos ang upo ko kahit sobrang takot na takot na ako sa anumang maaring gawin sakin ng lalaking to.

Hinayaan ko na nga siyang magkwento kung bakit nga raw siya naging ganun, naging bampira.

"Bata pa ako nun, tandang tanda ko pa yun. 7 taon palang ako, 7 taon ako ng mamatay ang mga magulang ko. Sabay. Pareho silang namatay ng dahil sa walang hiyang bampirang yun. Ang bampirang kumagat sakin, ang dahilan nga pagiging bampira ko rin ngayon." Aniya na may halong galit at poot.

Sandali at sino naman ang tinutukoy niyang walang hiyang bampira? Sino? Teka. So tao rin siya dati? Tao rin sila. Tao pa siya noong bata pa siya?

Naguguluhan pa rin ako.

San ba talaga sila nagmula? Paano ba nagsimula ang history ng mga bampirang katulad niya?

Hindi ko na binalak pang itanong sa kanya ang nasa isip ko sa halip ay hinayaan ko lang siyang magkuwento.

"Pero hindi dugo ng tao ang iniinom ko, di tulad ng ibang bampira, dugo nalang ng hayop ang iniinom ko. Kumbaga vegetarian na bampira ako." Pag eeplain niya pa.

"Yun lang. Sabi niya habang nakayuko.

Nang matapos na siyang magkwento ay ngayon ay hindi nako takot!

Pero may mga ilang tanong pa sa utak ko na hindi pa nasasagot hanggang ngayon.

At wala akong balak pang itanong ang mga yun! Baka mainis to at bigla nalang akong kagatin.

Hindi ko na namalayan ang oras, gabi na pala. Di ko man lang napansin. 'di ko rin na tupad ang sinabi kong 5 minutes. Ambubu' aniko sa sarili ko sabay palo sa ulo.

"Now I know. Thanks sa pag-explain. Hindi nako takot ngayon." Aniko sabay hingang malalim.

"Ang hindi na takot NGAYON? Natakot ka ba sakin nung malaman mo?" Sabi niya na parang batang hindi bati ng kaibigan niya 'ang cute lang hihihi'

"Oo. Inaamin ko natakot ako. Sino ba namang hindi matatakot dun? Ano bang malay ko, baka inumin mo rin ang dugo ko?" Sabi ko sa kanya na umaktong natatakot pa rin.

"Bakit parang takot ka pa rin hanggang ngayon? Wala naman akong balak inumin dugo mo. And I will never do that. NEVER!!" Aniya at talagang diniinan pa yung word na never ah.

Teka anong tingin niya sakin pangit ang lasa ng dugo? Buset nato! Sapakin ko kaya to.

"Teka anong pinagdidiinan mo sa never mo ha! Bakit akala mo ba hindi masarap dugo ko?" Aniko na parang naghahamon.

"Wait. That's not what i meant!" Sabi niya habang inaawat ako. "What I mean is hinding hindi ako iinom ng dugo ng kahit na sinong tao man. Lalong lalo na ng dugo mo. Dahil importante ka sakin." Sabi niya at teka seryoso siya.

Wait! Tama ba narinig ko? Importante ako sa kanya? At bakit?

Inlove na kaya si sir sakin? Tama ba tong naiisip ko o nagaassume lang ako? 'Lord. Sana tama' charot.

"T-t-teka jhared, i-i-importante? A-ako importante s-sayo? Tama ba?" Aniko na may pagkakautal utal. Pero teka bat bako nauutal?

"Yes. You h-heard it right. But that's not what you think ha! What i mean is importante ka sakin dahil you're one of my employees, so I have to be responsible for you. Yeah. That's right." Aniya na animo'y may nasabing hindi dapat.

"Ahhhh. Tama tama." Pag sangayon ko nalang sa kanya.

'Sabi ko na nga ba't nagaassume lang ako. Napaka assumera mo talaga shaira' sabi ko sa sarili ko sabay palo sa ulo. Napaka Rupok mo kasi!

" Ahmmm jhared, gabi na. Pwede na ba akong umuwi?" Sabi ko sa kanya.

"Oww yeah. Hatid na kita. Tulad nga ng sinabi mo gabi na, baka mapano ka pa sa daan. Kaya hatid na kita. Remember. I HAVE TO BE RESPONSIBLE FOR YOU AS MY EM-" sabi niya pero pinutol ko "EMPLOYEE. yeah I know." Pagpapatuloy ko sa sinasabi niya.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad naman ng umuwi rin si sir, hindi ko na napapasok sa bahay dahil nga gabi na, baka pagod na siya at gusto ng magpahinga.

Pumasok nako at naabutan ko si mama na nanonood na naman as usual. Naramdaman niya siguro ang presensiya ko kaya't tumingin siya sa kung saan naroon ako.

"Oh anak andiyan ka na pala. Kumain ka na ba? Andun sa mesa yung ulam, nakatakip. Di na kita nahintay na kumain, anong oras na? Bat ngayon ka lang pala nakauwi?" Sunod sunod na sabi sakin ng mama ko.

"Ahh ang dami po kasing trabaho ma. Di na po ako kakain. Pagod na po ako e. Matutulog nalang po ako." Sabi ko kay mama.

"Sige anak. Magpahinga ka na nga't mukhang pagod na pagod ka." Ani ni mama na halatang nagaalala.

"Ma, okay lang ako. Sige po. Pahinga na po ako." Sabi ko at pumunta na nga akong kwarto ko.

Nang makahiga nako sa kama, hindi pa ako nakakapagpalit dahil wala akong gana.

May naiisip na naman akong mga tanong.

'Bakit may mga bampira pa rin sa panahon namin ngayon?'

'21st century na, uso na ang mga gadgets and what so ever, pero bakit nauuso pa rin ang mga bampira na yan, na akala ko dati ay mga kwento kwento lang?'

'San ba talaga sila nanggaling? Pano sila nag Eexist?

Sa totoo lang di talaga ako naniniwala sa mga ganyan, pero ngayong nakakita nako ng totoong VAMPIRE, jusko, kainin nako ng lupa, now na.

Dahil sa pagod ay agad na akong nakatulog ng hindi man lang nagpapalit ng damit. Bukas nalang.

My Boss Is A Pervert Billionaire VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon