Shaira Denize POV
Nakahiga na ako ngayon dito sa kuwarto ko. Kakatapos ko lang magbawas char. Kakatapos ko lang maligo. Naka panjama ako and Stich na Sando. Hindi na ko ng bra dahil hindi ako sanay magbra kapag natutulog.
Anong oras na din ako umuwi. Hinatid ulit ako Jhared wala ng Sir. Sabi nya kasi kapag kaming dalawa lang tawagin ko syang Jhared kapag nasa work nalang daw ang Sir. So ayun na nga bumalik na tayo dun. HAHA akala mo Vlogger ih. Buong Araw kaming magkasama ni Jhared.
Gusto nyo bang malaman kung ano ano ang mga ginawa namin? Sige na nga pinipilit nyo ko ih. Ikukuwento ko na. Ganito kasi ang nangyari. Mainggit kayo Sa Kilig! HAHA
"Oy Sir" sigaw ko. Narinig nya ata ako kasi huminto sya. Tumakbo naman ako at lumapit sakanya. "Apaka bilis nyo naman mag lakad Sir! May lakad po ba kayo? May kasama ba kayo?" sunod sunod kong tanong.
"Can you please Crap that "Sir" kapag wla tayo sa opisina tawagin mo nalang akong Jhared" naiinis nya sabi.
Apakasungit naman neto. Nagpatuloy naman sya sa paglalakad lumapit naman ako sakanya at sinabayan sa paglalakad.
"Sir este Jhared Saan ka ba pupunta?" tanong ko dahil lakad naman sya ng lakad.
May kasama kaya sya kaya ambilis nyang maglakad? Siguro may ka date to.
"Honestly I don't know" huminga sya ng malalim. "Ikaw? Saan ba gusto mong puntahan?" tanong nya.
Nagulat naman ako sa tanong niya. Bat naman ako ang tinatanong nya. Sya lang naman ang sinusundan ko ah.
"Punta nalang tayo sa Gamezone para mag laro tayo dun Jhared. Pero kain muna tayo Sir nagugutom na kasi ako. Hihi kahit sa Mcdo or sa Jollibee para afford ko ang food"
Hindi naman sya sumagot bagkus ay kinuha nya ang Cellphone nya at may tinawagan lumayo lang sya ng konti saakin. Luminga linga naman ako para makakita kung saan kami kakain.
"Lets Go" naglakad ulit sya.
Nagtaka naman ako kung saan kami pupunta. Nadaan pa namin ang Mcdo and Jollibee pero nag deretso parin sya. Saan naman kaya kami pupunta. Nag stop naman sya sa Mamahaling Restaurant kaya lumapit ako sakanya.
"Oy Sir Este Jhared Nako diko afford jan kung gusto mo jan kana kumain then ako dun nalamg sa Mcdo. Tetext nalang kita kung tapos na ako." paliwanag ko.
Tinignan ko naman ang mga tao sa Restaurant. Ang gagara ng suot tapos saakin Simpleng damit lang. Jusko nakakahiya.
"Nah Lets Go! My Treat" sabi nya sabay hawak ng kamay ko. Napatingin naman ako sa mga kamay namin. Shit nakakahiya.
Hinila nya naman ako papunta sa loob ng Restaurant pinag titinginan naman kami. Mas lalo tuloy namula ang mukha ko sa sobrang hiya. Jusko kainin na ko ng lupa. Now naaa!
"Jhared nakakahiyang kumain dito. Pinagtitinginan tayo oh" sabay tingin sa paligid. "Mga mayayaman ang mga kumakain dito hindi ako bagay dito" bulong ko.
"Just Don't mind them! Kumain ka lang jan" hindi na ako sumagot dahil dumating na ang Waitress.
Si Jhared na ang pinapili ko ng pagkain namin dahil hindi ko naman alam kung ano ang mga yun. First time kong kumain dito sa mga turo turo lang ako kumaikain. Diko afford mga pagkain dito. Nag Cecellphone naman siya.
Nilibot ko nalang ang mga mata ko dito sa loob since hinihintay pa ang order. Madaming naka display na paintings dito sa loob. Marami rami ding Waitress dito.
Napatigil ang pagmumuni ko ng dumating na ang mga pagkain namin. Ang daming inorder ni Sir limang potahe ata ang inorder nya. Mauubos kaya namin to ang dami."Apakadami naman netong inorder mo. Anong akala mo saakin PG? Mauubos kaya natin to?" tanong ko.
"Kumain ka lang kung hanggang saan ang makakaya mo. Itatake out nalang natin kung hindi natin kayang ubusin para iuwi mo sa mama mo" sabi nya. Hindi na ako sumagot at kumain na. Yummyy Ang sasarap.
Natapos na kaming kumain nagpapahinga nalang kami. Grabe ang sakit ng tiyan ko. Ang sarap ng mga pagkain. Sulit na sulit ang pera mo dito. Maidala nga dito si Mama kapag nag suweldo ako. Siguradong matutuwa yun.
"Let's Go Shaira?" yaya nya. Tumango naman ako at tumayo. Lumabas na kami sa Restaurant.
Naglalakad na kami patungo sa Gamezone. By the way yung binili pala kaninang ballpen ay iniwan na muna namin sa guard babalikan nalang namin.
Lumuob na kami sa GAMEZONE may mga batang naglalaro and meron din namang MAGJOJOWA ang naglalaro. Ang sarap isagaw ang NAOL MAY JOWA! MAGBREBREAK DIN KAYO! kaso baka mabugbog ako kaya nevermind nalang.
"Where did you want to play First?" tanong nya. Nilinga linga ko naman ang ulo ko kung saan ba ang una.
Nakita ko naman ang basketball na walang gumagamit kaya nginuso ko. Tinignan nya naman ang nginuso ko kaya hinila nya na ako. Iniwan nya muna ako dito dahil nagpapalit muna sya ng Coins. Pinanuod ko nalang ang mga mag jojowang naglalaro. Blehh WALANG FOREVER MAG BREBREAK DIN KAYO! Dumating na din si Jhared at ang dami nyang pinapalit.
"Sir Maglaro tayo! Paramihan ng maraming ma shoshout sa Ring ha!" sabi ko hihi. Tumango naman sya.
Ako ang pinauna nyang maglaro. Kala ata ni Jhared hindi ako magaling maglaro. Baka matalo sya dito! Baka nga hindi sya marunong maglaro dito ih puro office lang ang inatupag nya.
"Pano ba yan Jhared naka 15 points ako. Mukhang talo ka na nyan" ngumisi naman sya. Sige lamg ngumisi ka lamg kung gusto mo pero mamaya mawawala yan. HAHA
Nag umpisa na syang mag shot. Sa una sablay HAHA sabi na nga ba ih
"Pano ba yan Jhared una palang sablay na!" ngisi kong sabi. Ngumisi din sya sabay tingin saakin. Nagpatuloy ang laro.
"Ano ba yan! Kala ko matatalo kita" maktol ko. Ngumisi naman sya. "Naka 20 ka pa. Ang yabang ko pa naman kanina pero talo pala ako." inis kong sabi.
"Pano ba yan Jhared naka 15 points ako. Mukhang talo ka na nyan" pang gagaya nya sa sinabi ko kanina.
"Nye! nye! nye! Ewan ko sayo" sabi ko. Tawa naman sya.
Takte napatulala naman ako sa pagtawa ni Sir. Mas lalong gumawapo si Jhared kapag tumatawa. Tumikhim naman sya kaya iniwas ko ang mukha ko sakanya..
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Pervert Billionaire Vampire
VampireIsa lang siyang ordenaryong babae. Maganda,Matalino,Mabait,Makulit at higit sa lahat Mapagmahal Pero isang araw. Nagtapat ng sekreto ang kaniyang BOSS " I have something to tell you. And I hope you will not be affraid" At Sinabing " I'm a Vampire" ...